One last glance

28 2 0
                                    

I sighed as I saw him talking in front. Ang gwapo niya  talaga. Lalong lalo na ang mga mata niya , they're just tantalizing. 'Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya.
"Miss Annica!"
Nagulat ako ng tawagin ako ni Mrs. Serna. Teka, ano bang ginawa ko?
"Yes ma'am?" I asked. My classmates laugh at me. Ano bang problema nila? I frowned as I look at them. 'Yung iba nanahimik na pero 'yung iba sige pa rin sa pagtawa na parang wala ng bukas. Mga walang hiya, mabilaukan sana kayo!
"Miss Annica, Mr. Brent is calling your name. Kanina pa. Bakit ka ba nakatunganga d'yan at nakanganga?"
Hindi ko na pinansin ang pagtawa ulit sa akin ng mga klasmeyt ko. Paulit-ulit lang na nagrereplay sa utak ko ang sinabi ni Ma'am.
"Mr. Brent is calling your name."
"Mr. Brent is calling your name."
"Mr. Brent is calling your name."
Tae! Teka! Processing pa lang. Ako?! Tinatawag ni Brent?! Bakit ?! Shocks! Anong ginawa ko? May ginawa ba ako ng hindi ko namalayan para tawagin niya ako?!
"Ms. Annica! Ano ba ?! Ba't nakatunganga ka na naman diyan?!" For the 3rd time I heard my classmates laugh again.
"Ma'am bakit po ba? Ano po bang problema niyo?" I smiled shyly as ma'am Serna look at me intently. Akala ko pwede ko siyang i-joke ngayon, hindi pala. Mahilig din kasing makapagbiruan si ma'am sa amin.
"Mr. Brent is calling your name. Answer his question." Sabi ni ma'am na nakatingin na ngayon kay Brent. I diverted my gaze to Brent, and he is now looking at me. I stared back at him. He smiled and I can feel my cheeks heated.  Anak ng pating! Huwag kang ngumiti! Lalo kang gumugwapo eh! I mentally rolled my eyes dahil sa kalandian ko. Epekto kasi nitong Brent na 'to eh.
"What's your question Brent. Kindly repeat it."
I said as I smiled back at him. Sasagarin ko na 'to. Once in a blue moon lang siya ngumiti eh, at sa akin pa.
"As I was saying miss Annica, base on the story that we read, what was the main lesson that we can get from it?" He asked as he motioned his hand to the board where he wrote the big words saying, 'FEDERIGO'S FALCON'.
Buti na lang at naintindihan ko 'tong kwento na 'to.
"I think, the main lesson of the story is to love unconditionally and to know the worth of the people around us." I answered confidently. He just nodded his head.
Low gets talaga 'tong si Brent. Hindi ba niya alam na siya ang pinatatamaan ko doon? Know the worth of the people around you. Dapat alam niya ang halaga ko kasi ilang taon ko na rin siyang  gusto. Ganoon dapat eh. Pero sino nga bang niloko ko? Hindi nga niya alam na gusto ko siya eh.
"You may sit down Ms. Annica. Next time, huwag kang tumutunganga at napagkakamalan kang baliw diyan." sabi ni Mrs. Serna. I just smiled kasi alam kong biro niya lang 'yon. Basta ang importante ngumiti sa akin si Brent!
--
Ilang buwan na din pala ang lumipas simula noong time na nginitian niya ako. Hanggang ngayon, hindi na siya ngumingiti sa akin. Nakakaasar. Akala ko pa naman tuloy na tuloy na ang love story namin, hindi pala. Oo nga't klasmeyt ko siya pero bihira lang naman niya akong kausapin. Ang tahimik kasi niya eh. Maingay lang siya kapag ang mga kaibigan niya ang kasama niya.
"Hoy Annica! May chismis ako sa'yo!", sabi ni Kylie. Klasmeyt ko siya at siya lang ang nakakaalam na crush ko si Brent. Nahuli niya kasi akong nakatitig sa litrato niya noon sa celfon ko, dinownload ko pa 'yung picture na 'yon sa facebook niya.
"Ano na naman 'yan Kylie? Siguraduhin mong maganda 'yan kung hindi ibabato ko sa'yo tong batong hawak ko."
She chuckled and sit beside me. Nandito kami sa garden ng skul. Dito kasi ako madalas  tumambay.
"Hindi good news eh. Pero sasabihin ko pa rin sa'yo! Hahaha!"
I glared at her. Baliw din 'tong isang 'to eh. Tumatawa, wala namang joke.
"Tungkol ba saan 'yang sasabihin mo?" I asked. Pinapatagal pa kasi eh. Hindi na lang sabihin.
"Si Brent daw, may gusto na daw siyang babae!"
I was shocked. Si Brent? May gustong babae? Sino?!
"Sino?! Anong pangalan?!"
"O kalma lang Annica. Hindi ko alam pero klasmeyt daw natin."
Napatigil ako sa pagsigaw sana ulit. Teka, klasmeyt namin? Hindi kaya--
"Oy! Umasa ka no? Umasa ka na ikaw 'yung gusto niya." Sabi ni Kylie sa akin. Hindi na lang ako nakapagsalita. Hindi naman ako umaasa. Alam kong hindi ako. Alam na alam ko. I look at Kylie who is now smiling while scrolling her phone. Si Kylie. Si Kylie ang gusto ni Brent. Bagay naman sila. Maganda si Kylie at mabait, walang wala ako.
"Kylie, paano kung sabihin ko na ikaw ang gusto ni Brent?" Nakita ko kung paanong magbago ang expression ni Kylie. Para siyang nashock.
"Saan mo naman nakuha 'yang ideya mo ha?", tanong niya sa akin.
"Bakit naman hindi diba? Ikaw lang ang kinakausap niyang babae sa room natin. Ikaw lang ang katext niyang babae sa room natin at tsaka narinig ko pa minsan na ikaw ang pinag-uusapan nila."
Totoong narinig ko noon na pinag-uusapan nila si Kylie. Hindi ko lang alam kung tungkol saan 'yon. Ngayon alam ko na, baka nga si Kylie ang gusto ni Brent. Ang tanga ko para hindi mapansin 'yon. Ang tanga tanga ko para umasa na kahit konti lang, magustuhan din ako ni Brent.
"Annica, ano bang--"
"Gusto mo siya diba? Gusto mo si Brent?" I ask Kylie. Halata ko naman kahit hindi niya sinasabi. Her face turned red, and that's the confirmation. Gusto nga niya si Brent. Tumayo na ako at iniwan si Kylie. Bastos na kung bastos pero ayokong makita niyang umiiyak ako.
--
Kinabukasan, kalat na kalat na sa klasrum namin ang balita na may gusto na daw si Brent. Marami rin kasing may gusto sa lalaking 'yon eh. Tahimik lang akong umupo sa upuan ko. Buti na lang at hindi mugto ang mata ko dahi sa pag-iyak kagabi.
Natapos ang araw ko na si Brent pa rin ang laman ng usapan ng mga babaeng klasmeyt ko. Narinig ko rin na ang mga kaibigan daw niya ang nagkalat ng tsismis na may gusto siya.

Uwian na. Pasakay na sana ako sa jeep pero naalala kong hindi ko nakuha ang mga libro ko. Marami pa naman kaming assignments. Kaya kahit tinatamad , bumalik pa rin ako.

As expected, wala ng tao sa room. Agad-agad kong kinuha ang mga libro ko at nilock na ang room namin. I was about to go home when I notice something. Isang folder. Pinulot ko iyon at aktong itatapon na sa basurahan na malapit sa akin ng may mabasa ako, nabasa ko ang pangalan ko. I  was curious kaya I open the folder to read what's written inside. May mga nakasulat na hindi ko maintindihan. Pero nakita ko 'yung pangalan ko at ang nakasulat ay : 'Annica, ang manhid mo talaga.'
 
Tss! 'Yung mga klasmeyt ko na naman nagsulat nito. Ang dami nilang kalokohan.Tinapon ko na ang folder at umuwi na.

Friday na ngayon at half day daw kami. May meeting daw ang mga teachers. Mag-isa na naman ako sa garden. Hindi ko pa trip umuwi. Narinig kong may paparating sa likod  ko kaya nilingon ko kung sino ito. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.

Brent is standing in front of me. He's smiling.
"Annica, can we talk?" I look at him and just nodded. I'm still processing what's happening now. Umupo siya sa bench na nasa harapan ko. May dalawa kasing bench dito sa garden.
"A-anong p-pag-uusapan natin?" Nauutal ko pang tanong. I mentally rolled my eyes. 'Sige pa, ipahalata mo pa' sabi ng isip ko.
"I know you like me Annica." Nakatingin lang ako sa kanya. So alam niya pala? Sinabi ba ni Kylie?
"Kylie told me. Annica I just wanted to apologize."
Napanganga ako, apologize saan? Bakit? Gusto kong isatinig ito pero hindi ko nagawa.
"Annica, I wanted to apologize kasi I can't like you back."
Ouch! 'Yun lang ang naramdaman ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko. Shet na malagket! Bakit ba ako umiiyak? Diba dapat matagal ko ng tanggap na hindi talaga niya ako gusto? Diba dapat masaya ako? Pero bakit ako umiiyak?
"Annica, sa totoo lang, gusto naman kita noong first year pa tayo. Sinubukan kitang lapitan noon pero ang sungit mo kaya hindi na ako nagtangka pa. Ibinaon ko na rin ang nararamdan ko sa'yo. And then bigla kong napansin si Kylie. Kaya sa kanya na ako nagkagusto. Annica please, don't hate Kylie. Hindi niya 'to kasalanan".

I smiled bitterly. Gusto niya ako? Noon pa? NOON. Pastense. Hindi na ngayon. Si Kylie na ang gusto niya.

"Hindi ko sasabihin sa'yo na okay lang ako Brent kasi alam kong hindi ako magiging okay. Sayang pala no? Kung hindi lang siguro ako masungit, baka may pag-asa pang tayo ngayon. Pero tapos na eh. Salamat at nilinaw mo na ang lahat. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit kay Kylie. Sana maging masaya kayo."
Napayuko ako ng tumulo na naman ang mga luha ko. Pinahid ko ito at muling tumingin sa kanya.
"Salamat Annica. Sige aalis na ako. ", sabi niya at akmang tatalikod na ng bigla akong magsalita.
"Brent, can I ask you one favor?"
Tumingin siya sa akin ng may mga nagtatanong na mga mata. Pero tumango din siya.
"Can I ask for one hug? Pwede ba? Isang yakap lang naman?" Natahimik siya. Nabigla siguro sa request ko. Nababaliw na nga siguro ako.
"Okay." Sabi niya at bigla niya akong niyakap.
I was stunned. Pero hindi ko na naman napigilang lumuha. Kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Matagal ko na 'tong pangarap. Ang mayakap ko siya. Ang maramdaman ang mga bisig niya na nakapulupot sa akin. Ito na, my dream came true. Pero sa iba namang paraan, kasi ito na ang una at huli. I inhale his smell. 'Sana ako na lang Brent.' Gusto kong sabihin pero hindi ko ginawa.  Tama na sa akin ang ganito, na hindi mo ako pinapansin.

"Brent , Annica."
Agad akong bumitaw sa yakap ni Brent. I saw Kylie standing behind Brent. Akala ko galit siya , pero nakangiti lang siya sa amin.

"Kylie.." sabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"It"s okay Annica. I understand." Tumingin ako kay Brent na nakangiti rin. I smiled back at them.
Lumapit si Kylie sa amin at tumabi kay Brent. Bagay talaga sila.
"Sorry Annica ha. Hindi ko naman---"
" You don't need to explain Kylie. Okay lang. Sige, Brent salamat , Kylie, alis na ako".

I heard Kylie calling my name pero hindi na ako lumingon. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. I look back at them and I saw how Brent kiss the cheeks of Kylie. '

Last mo na 'to Annica. Huwag ka ng umasa. Tama na.' I reminded myself.

Last na talaga Annica. And then for the last time I glance at Brent, he's smiling. Pero hindi sa akin kundi sa babaeng mahal niya, si Kylie.

---end---
A/N : Siguro nagtataka  kayo kung sino ang sumulat doon sa folder? Gusto niyo bang malaman?
Comment and vote please😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last Glance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon