First Day of Classes

54 4 0
                                    

(Pagkatapos nung nangyari saakin dati. Isang buwan ako hindi nagparamdam sa mag-ina. Kaso.... )

Grade-8 na akooo! Emeged. Excited na excited nako kase another chapter nanaman ito sa HS life ko.

"Stan! Asan dito yung Room 169?" Nagulat ako kase kinalabit nalang ako ni Tita France.

"Bakit po? Sorry hindi ko kayo pinansin ng Isang buwan kase busy ako sa darating na pasukan ehh (palusot ko)." sabi ko.

"Ahh ok lang yun ano ka ba. Naiintindihan ko naman. Noong nakalipas kaseng buwan bago pa kami lumipat sa barangay ninyo, in-enroll ko na si Ericka ko." sabi niya.

Halo-halo ang mga emosyon ko nung nalaman ko kase gusto ko rin siyang makilala kaso natatakot din ako ng konti. Tapos naglalakad na kaming tatlo papunta sa magiging room namin.

Napaka-awkward kase parang napagkakamalan kaming pamilya dun kase may biniling mensahe nanay niya, hinalikan pa niya si Ericka at hinug pa niya ako.

"Ingat kayo ha!" Sabi ni tita.

Ng biglang pumasok kami sa room namin nainis agad ako! Kase kaklase ko nanaman yung tatlong Maaarte na yun na sina Earl, Celine at Debbie.

" 'Wag mo silang kakausapin o hahawakan. Kundi mas mabuti pa't iwasan mo sila." Tinugon ko kay Ericka. Ang damit pa naman ni Ericka noon hindi Uniform kundi bulok na damit pang-barrio.

"(tango-tango ulo)"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" biglang tumawa ang tatlo nung nakita nila si Ericka.

"Excuse me, ang eskwelahan po ito ay para sa mga normal at gustong matuto. Hindi yung mga RETARDED." sabi ni Celine nang biglang tumawa ang buong klase.

"Oh diba NO PETS allowed bakit nakapasok yang Dagang yan?" Sabi ni Earl at biglang tumawa ng malakas lahat lalo na si Debbie.

Binully na ako ng tatlong yun pero isang beses lang naman. Kase porket naulaan ko ng Juice ang notebook ni Debbie, pinagkalat na ng tatlong may putok daw ako. Kahit wala naman.

Hindi naman ako makapag-laban kase marunong sila ng Martial arts. Higit pa dun, ikaw ang mapapahiya kapag kinalaban mo sila.

Nagalit si Ericka kaya tinapon niya yung Poster Paint nila Hannah and Nina sa mukha nila Celine. Tapos biglang nagsibasagan ang mga bintanang gawa sa Glass. "HINDI NINYO KILALA ANG TINUTUMBA NINYO! PAGSISISIHAN NIYO ITO!" sabi ni Ericka habang umiiyak.

Hindi naman natapunan ng Paint sila Earl. Pero nakita nilang padating na ang titser kaya binuhos nila ang poster paint sa Uniforms nila kaya nagmukhang si Ericka ang masama.

Umitim yung mata ni Ericka kaya ang mga kapwa niya estudyante natatakot na sakanya.

"Hoy! Ikaw! Kabago-bago mo dito nagsimula ka ng away!?" Sabi ni Mr. Lopez ng pagalit. Hindi na pumalag si Ericka kase kahit anong sabihin niya hindi nila ito paniniwalaan.

Pinatawag ng Principal si Tita France tapos nagusap sila. Galit na galit si Tita France kila Debbie. Kaya kinausap niya ito 'pag uwian.

UWIAN NAAAA!

"Pwede ko ba kayong makausap?" Sabi ni Tita ng mahinhin.
"Eww. Kilala niyo yan? Yuck." Sabi ni Earl.
"Tara na nga. Ambaho ng mag-inang yan." Sabi ni Debbie.
Samantalang. Nang-irap si Celine sa mag-ina.

Nung pauwi na kaming tatlo nakita ko sa gate na Hinawakan ni Tita si Ericka sa tenga at pinagalitan ng sobra.

Narinig ko lang ay "Sinabi ko na sayo diba? 'Pag ikaw napaghalataan nila malilintikan ka saakin! Masisira nanaman buhay natin!"

Hindi ko naintindihan kase 'di ko naman alam ang mga nangyare sakanila sa barrio.

Ang Demonyo sa BintanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon