Kailah's POV
Alarm: 6:30 am
"Kring , kring! Kring , kring!"
"Urggh!Five more minutes." sabi ko sabay patay ng mapanirang demonyita kong alarm at bumalik na sa dreamland.
....... after 30 minutes.....
"Kailah Shanelle Cruz!Gigising ka ba o bubuhusan pa kita ng tubig para makapaligo kana?!" Aish!sSi ate kaye talaga oh.Panira nga moment , kainis!
"Ate five more minutes please." sabi ko sabay pout.
Nakarinig nalang ako ng pagsara ng pinto.Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang narinig kong magsalita si nanay."Kai anak,,gumising kana dyan at ala syete na oh.Male-late kana."
Oh eh yun naman pala eh. Si nanay ang OA.Alas syete pal-...
"Nay bat ngayon mo lang ako ginising?!Sh*t!Malalate na ako!" sigaw ko habang tumatakbo papuntang banyo.
"KAya nga ako nandito diba?At isa pa nag alarm ka.Ikaw tong natulog pagkatapos ako sisisihin mo." malumay na sabi ni nanay.
"Eh kahit na nay"
"Hay bata ka.Yan kasi ayaw pa tumigil sa pagbabasa ng libro.Oh siya at dalian mo na riyan at maghahanda lang ako ng umagahan mo."
NAkarinig na lang ako ng pagsara ng pinto.
- after 10 minutes -
Tapos na akong magbihis at pababa na kusina para kumain.
Grabe! Ang bilis kong mag ayos! Once in a blue moon lang yun.
"Goodmorning nay, goodmorning ate." bati ko pagkababa na pagkababa ko."Walang maganda sa umaga." masungit na sabat ni ate sa akin.Goodmorning rin Kailah! Napairap nalang ako.
Biglang tumayo si ate. "Tapos na ko. Nay alis na ko. Kailah mag-ingat." walang gana niyang sabi at tyaka nilisan ang bahay.
"Ang sungit ah. Daig pa ang nawalan ng asawa." sabi ko nang tuluyan na siyang mawala.
"Pabayaan mo na muna yang ate mo. May away daw sila ng boypren niya eh." sabi ni nanay. Kaya naman pa. May LQ pala sila ni kuya James.
"Hindi ka paba kakain?Halika na dito at maupo, nak." nakangiting sambit ng maganda kong mama.Ininom ko muna ang gatas na timpla ni mother earth sa akin bago mag salita.
"Hindi na po ma.Ito nalang ang ginawa mong sandwich ang kakainin ko habang papunta sa school. Fiftteen minutes nalang po kadi at magfaf-flag ceremony na."sabi ko sabay kuha ng bag ko at inayos ang gusot sa uniporme ko."Oh sige.Ingat ka ha." ang lambing talaga ni nanay.
"opo."sabi ko sabay halik sa pisngi ni mother.
Saktong palabas na ako nang makita ko si Faye Fajardo , ang bestie kong may saltik sa utak.
"Goood mooorning sa pinakamagandang bestfriend sa tuldok ng I!!" bati nya sa akin sabay hug.
"Goodmorning din." bored kong sabi at saka naglakad na. Ten minutes kung lalakarin dito papunta sa school na pinapasukan ko, ang St. Claire's Academy.
"Ay. Ang hyper mo naman bestfriend." sabi niya sa akin at sumabay sa paglakad ko.
Hindi ko na lamang siya sinagot kaya tumahimik na lamang siya.
Oh btw my name is Kailah Shanelle Y. Cruz. You can call me Kailah in short. Grade nine student and obviously 15 years old. They say boring daw ang buhay ko dahil sa libro lang daw umiikot ang mundo ko. Ang saya kayang magbasa at isa pa hindi ito boring. Hindi lang talaga ako pala labas ng bahay at pala kaibigan katulad ng mga tulad kong teenagers.