CHAPTER 2: WHERE IT ALL STARTED

22 2 0
                                    


James Point of view

Sa mga salitang iyon. Apat na salita lamang iyon pero parang lahat nang takot na matagal nang nakahimlay sa katawan ko ay biglang nabuhay. Naglakad na ako papuntang room 49 na nakalagay sa class schedule ko. Pero habang naglalakad ako ay di ko matangal ang sinabi nang lalaki sa akin. Nakakabagab nang loob.

"Siguro pinagtritripan niya lang ako kasi alam niyang freshmen ako" bulong ko sa sarili ko. Sinusubukan kong paniwalaan ang sarili ko. Alam ko kasing may kakaiba sa school na ito.

Alam ko naman ehhh. Bago pa ako pumasok sa eskwelahan na ito ay inalam ko na ang background nito. Ginamit ko ang talino ko. Nuon palang kasing elementary ako ay sikat na ang skwelahan na ito. Dahil sa kwalidad nang edukasyon na maibibigay nila dahil kasi pagkatapos mo ay may trabaho agad ang naghihintay sayo dahil bukos sa eskwelahan na ito marami pa ang kumpanya ang mayari na pwedeng pwede kang ipasok pag katapos mo bastat matalino ka pero...................................

hindi lang dahil doon, nagging kontrobersya rin ang pagkawala nang isang buong section hindi lang isang beses kung hindi dalawa. Ngunit ang nakakapagtataka ay ang dalawang section na ito ay ang pinaka mataas,ang section one nang first year. Nangyari ang unang pagkawala nuong asa grade 1 palang ako. Ang pangalawa ay nuong grade 4 ako. Parang leap year ang nagyari. Ang sabi nila unti unti daw pinapatay ang mga istudyante. Ang iba ay nakikita ang bangkay at ang iba naman ay bigla nalang nawawalang parang bula.

Kahit isang beses ay hindi lumabas sa dyaryo ang nangyari! Malamang gagamitin nang may ari nang eskwelahan ang impluwensya nila para hindi lumabas ang baho nang eskwelahan na to! Ganyan naman ang mga tao ngayon kayang kaya mong paikutin bastat may pera ka!

At ngayon. Ngayong taon. Ngayon ang ikatlong taon at ang section namin ang pwedeng makaranas nang iyon. Bago pa ako pumasok alam ko na kami ang seksyon na tatapat sa ikatlong taon nang leap year. Pero kahit ganon tinuloy ko parin ang pagpasok dito kasi kapag kasi transferee ka nang 2nd year ay hindi ka na pwedeng pumasok sa 3 higher sections deretsyo ka sa 4-10. Pero kahit alam kong delikado itutuloy ko parin to! Dahil alam ko pagnagtapos ako dito ang trabo ang maghahanap sa akin at sila ang mag aagawan sa akin at pag nangyari yon matutulungan ko na si mama! kaya kahit delikado, kahit buhay ko ang kapalit di ako aalis ditto. Kung kinakailangan kong labanan ang mga misteryo nang school na ito ay gagawin ko. Kahit makipag patintero pa ako kay kamatayan.

Eugene's Point of view

Naka upo lang ako sa isang gilid habang naka headset. Marami rami narin kaming nasa room mas nilakasan ko ang volume nang cellphone ko.

Ang iingay nang mga tao ito! Asa first section pa mandin sila pero akala mo kanila ang school na ito! Walang pakisama! Mga walang utak! Ang yayaman nga nila, may mga itsura pero asal hayop! Napangisi ako.

Ang iba sa kanila ay nagbabatuhan nang papel! Ang iba naman ay nagkwekwentuhan, ang iba ay nagbabasa,nag cecellphone habang may dalawa naman sa gilid na naglalandian. Nakapatong pa sa hita nang lalaki yung babae! Malala na ang sayad nang mga ito sa utak.

Di ko nanlang sila pinansin at nag patuloy sa pakikinig ko nang music, nakakailang kanta na rin ako nang napansin kong medyo tumigil ang ingay. nanibago ako, biglang tumahimik.

Na patingin ako sa kanila at nakita ko na may tinitingnan sila, sinundan ko ito at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa pintuaan. Napatangal ako sa earphones na nakasalpak tenga ko at napatingin na rin ako sa kanya.

Medyo chubby yung lalaki,naka eye glass at naka tumba ang buhok. Para siyang nerd! Pero muka naman siyang mabait. Ang totoo nga ay napaka inosente nang muka niya. Napahawak siya sa strap nang bag niya nang mapansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat.

Naghari ang katahimikan sa amin, para bang inoobserbahan naming ang lalaki na nakatayo sa harap namin. Mga ilang minuto rin iyon nag tagal nang may bumasag sa katahimikan.

"welcome to hell, ....nerd" rinig kong sabi nung lalaki na nakaupo sa teachers desk tapos ngumisi. Diniinan niya pa ung pagkakasabi nung salitang nerd. Tiningnan ko yung lalaki na asa pintuan. Naawa ako para sa kanya. Pero nagkamali ako, akala ko tatayo nalang siya doon at hindi lalaban, pero nagkamli ako. Nagulat ako si ginawa niya.

"Thank you, .....Satan" sabi nung lalaki na diniinan din yung salitang satan. Pagkatapos ay naglakad niya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat yung lalaki kanina, napikon ata kaya nag walk out at lumabas sa room. Napangiti nalang ako sa ginawa niya! Yan ang gusto ko sa mga tao. Marunong makisama, mabait pero marunong lumaban kung kailangan!

Inayos niya yung bag niya at napatingin sa akin. Sakto naman naka tingin ako sa kanya! Ngumit siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya.

"James bro" sabi niya sa akin at saka nilahad ang kamay niya, kinuha ko naman ito at nakipag kamayan "Eugene"

Magaan ang loob ko sa kanya feeling ko makakapagkatiwalaan siya! Di tulad nang walang kwentang babae na yon! Sabi niya di niya ako ipagpapalit pero nawala lang ako sandali bigla na siyang nakahanap nang iba! Ang sabi niya ay hindi niya sinasadya! Pero ano yon? Hindi niya sinasadyang lokohin ako! Na ipagpalit ako! Wala siyang kwenta! Hindi siya tao! Wala na si mama pagkatpos noon ay niloko niya pa ako! Alam niya ang pinagdaanan ko!

Lahat lahat nang pinagdaanan ko pero kahit ganon nakuha niya pa akong lokohin! Mula noon pinangako ko na di na ulit ako magtitiwala kahit kanino! Kahit sa walang kwentang school na ito! Kasi dahil ditto nawala si mama. Nawala ang kaisa isang nagmamahal sa akin nang tunay

Tutuparin ko ang pangako sayo mama. Ipaghihiganti kita! Hahanapin ko kung nasaan ang demonyong nagtatago sa pesteng skwelahan na ito.

Napatingin ako kay james na nakikipagusap siya sa katabi niyang babae! Sana maging magkaibigan kami nito!sana hindi siya nagbabalat kayo. Pero ano ka kaya james? Kaibigan? o kaaway?

Anghel o Demonyo?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment your thoughts sa istoryang ito! Yung demonyong tinutukoy ni Eugene na hahanapin niya sa Lewis Ville ay tao yun! Hindi siya yung literal na demonyo.

Exited naba kayong malaman kung anong nangyari sa mama niya at sa past niya kung bakit malaki ang galit niya sa Lewis Ville? Soon! Malalaman niyo na soon!

-Baymes (a.k.a. james)\

The Secret of Lewis Ville AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon