Heto na naman !

27 1 0
                                    

Nakauwi ako mula sa mall . Napakatahimik ng bahay. Nagpalit ako ng damit at nakinig ng mga love songs. Nahiga muna ako sofa dahil nakaramdam din ako ng pagkahapo. Maya - maya lang...
Tok, tok , tok ,

Tatlong katok mula sa pintuan.

" Hi , just to check na nakauwi ka na." Si Gary.
" Yes , I am ok thanks. " maiksing sagot ko.
" Ok , alis na ako . Bye at ingat ka sana palagi ." Paalala pa nito.

Krrrrriiinnggg......

" Hello babe , ku---mus-ta ka na ?" Si Nel.
" Hi babe , heto , nag -iisa . Nasa Batangas kasi si mommy. Kung alam ko lang na hindi ka mag weekend dito sumama na lang ako sa kanya." Pagtatampo ko.
" Hahaha...bakit baaabbe maha-la-ga ba a-ko sa-yo hik ! " sa putol -putol na salita ni Nel.
" Babe are you drunk ?" Pagtataka ko.
" Hahaha...nag-se-cele-brate lang ako babe. At i-tong sing-sing na i-to ..." at narinig kong isang kalansing na parang inihagis ni Nel ang sing -sing.
" Babe , huwag ka namang ganyan , please try to understand, babe , hello , hello." Naputol na ang linya ni Nel.

Hindi ako mapakali , iniisip at nag aalala ako kay Nel. Hindi siya dating nag - iinom ng alak. At bakit ngayon ay lasing na lasing na halos hindi ko maintindihan ang mga words niya. At ang ibig sabihin hindi niya ako naiintindihan. Sa pag tanggi ko ng proposal niya.

I turn off the music at pumasok na ako sa bedroom ko. Nakatulog ako na puno ng pag -aalala.

Kinabukasan , may message si Nel.

" Babe I am sorry , napainom ako kagabi kasi I love you so much. Hindi ko lang matanggap ang pagtanggi mo sa marriage proposal ko."

At sinagot ko naman ;

" Babe , hindi makakatulong ang alak , and besides try to think of it , para sa atin din ang naging desisyon ko, so sana unawain mo."

At ibinitaw ko na ang cellphone ko at lumabas ako ng bedroom. Tiningnan ko ang ref kung ano ang pwedeng iluto para pag dating ni mommy nakaluto na at makapagpahinga siya. Pinilit kong libangin ang sarili ko. Lumabas din ako sa garden ni mommy para diligan ang mga halaman niya. Nakakatuwa , malamig talaga ang kamay ni mommy sa paghahalaman , ang lulusog ng orchids niya.

" Hi Yel , mukhang busy ka diyan ah ! " si Glenda , kasama si Gary.
" Hello Glen , oo wala kasi si mommy kaya naisipan kong pakialaman ang mga halaman niya." Sagot ko naman .
" Naku , pag may namatay diyan alam ko na ang sasabihin ko kay auntie. Hahaha." Dugtong naman ni Gary.
" Grabe ka naman Gar ! Halika pasok muna kayo ." Paanyaya ko.

Naupo kami sa may benches sa garden. Naghanda ako ng coffee para kina Glenda at Gary.

" Yel next week na ang wedding ha don't forget. Ipahahatid ko na lang mamaya yung dress mo para maisukat mo or love baka pwedeng ikaw na ang kumuha at ihatid dito kasi di ba aakyat ka na naman ng Baguio tomorrow si Yel ? " masayang paalala ni Glenda.

Pero mukhang nawala ako sa sarili ng marinig ko ang wedding. Naalala ko si Nel at nalungkot na din ako kasi mag -iiba na ang sitwasyon namin ni Gary. Hindi na kami pwedeng magkasama.

" Hey , Yel ! Are you with us ?" At nag snap ng finger niya si Gary .

" Ah , yes , oo . Next week na ang wedding ninyo ." Pautal kong sagot.

" Yel ,may problema ka ba ? We are here as your friends ." Ani Glenda.

" I' m fine naisip ko lang ang ibang trabaho na iniwan ko sa office pasensiya na kayo ha." Reason out ko.

" O paano , we have to go , pupuntahan pa namin ang ibang bridesmaid at yung dress kung may problema ipabalik mo na lang. Baka si Gary na ang mag drop dito kasi may duty ako mamaya." Pagpapaalam ni Glenda.
" Ok , thanks at ingat kayo ha."

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon