"Xime! OMG! Nakita ko si Pula!"
"Sshh. Wag ka ngang maingay, Cham. Baka may makarinig sayo, ano ka ba." sermun ko kay Cham. Panu ba naman, pagpasok ng room, ganun agad ang bungad eh. Buti nalang, wala pang tao dito sa room bukod sakin.
"Sorry naman. Nadala lang ako sa emosyon ko. Paano kasi, ang gwapo niya Girl!" todo kilig pa si Cham.
"Oy teka lang! Crush mo narin ba si Pula, ha? Umamin ka Cham!" nakapamewang kong sabi.
"Duhh! Hinde no. Porket ba sinabi kong, ang gwapo niya, crush ko na agad agad? Tsaka, loyal ata ako kay Crushie. Hihi."
"Good! Mabuti nang malinaw." sabi ko.
"Tch. Napaka possesive mo naman, di ka pa nga girlfriend! Tagahanga ka palang, ang posessive mo na!"
"Ara-aray! Aray! Ara-aray! Wow ha. Sige, ipagnuknukan mo pa sakin na tagahanga lang ako at wala akong karapatan sa kanya, at nagffeeling lang ako. Sige lang!" naiinis ko, kunyaring sabi.
Aminado naman ako, na isang hamak na Crusher lang ako ni Pula. At wala akong anumang rights sa kanya. Pero syempre, di mo rin maalis sakin yun. Mwahaha. Pbb teens.
"Pero alam mo Xime. Kung ako sayo, magpakilala kana. Makipag close ka kay Pula. Para naman malaman niyang may Xymee Lopez na nag eexist sa Earth!"
Tinaasan ko sya ng kilay. "Ako? Magpapakilala? Makikipagclose? Ang ibig mo bang sabihin, ako ang gagawa ng first move?"
"Eksakto!" sagot niya. "Alam mo kasi friend, kung hindi ka kikilos eh wala talagang mangyayari sa buhay mo. Habambuhay ka nalang magnanakaw tingin dyan." sabi pa niya.
"Cham. Babae ako! Remind lang kita, babae po ako. Paano nalang ang pride ko?"
"Pride pride! Yan ang hirap sayo eh. Buti sana kung nakakain yang pride na yan, e hindi naman." lumapit sakin si Cham at tinap ang balikat ko. "Alam mo Xime. Mahirap ang magsisi sa huli. Kaya kung ako sayo, kumilos ka na. Nasa huli ang pagsisi, friend!"
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Cham. Somehow, napaisip rin ako.
Kailangan ko na nga kayang gumawa ng paraan? Pero kasi, babae ako di ba? Hindi ako ang dapat gumagawa ng first move para maging close kami ng crush ko.
Si Red Adrian Gouche, ang aking minamahal na crush. Ay, ang harot? Haha.
Again!
Si Red Adrian Gouche, o mas kilala sa tawag na Pula ang long time crush ko. Naks! Maka long time, akala mo may isang dekada ko na siyang crush. Mwahaha. Hindi po. Sa totoo lang, wala pa ngang isang taon ko siyang crush. Ilang bwan pa lamang. Mga nine months siguro? Pero, oy! Matagal narin yun. Bihira lang kasi ako magccrush eh, at pag nagka crush ako, talaga namang loyal crusher ako. (Andaw? Haha) Ah basta, yun. Loyal ako.
Mabalik tayo kay Red. Siya ay first year college student narin, tulad ko. He's taking up, BSBA. While me, taking up BSED. Magka-batch kami, pero hindi ko alam kung alam ba niyang nag eexist ako. Haha. Saklap no?
Una ko siyang hinangaan noong intrams. Nakita ko kung gaano siya katalented. Ang dami niyang sinalihang sports, tapos pati Quiz Bee, pati pageant. Oo, siya na! Siya na ang biniyayaan ng talent, looks, and brain. Di lang yun, friendly pa siya. Yun nga lang, di kami
friends. And that's a big OUCH. </3
Pero, okay lang yun. Alam ko namang may purpose si Lord kung bakit hindi pa kami nagiging close ni Red. Kung ano man yun, only God knows.
Nine months ko naring, sinusulyapan si Red. Everytime na papasok ako ng school, hinahanap ko siya sa may hallway. At kapag di ko siya nakikita, nalulungkot ako. :(