Chapter 18

7.8K 236 70
                                    

AN///Hello po..psensya na kung ngayon ko lang naiupdate ang story na to, pinagisipan ko kasi kung ano ang gagawin ko dito, dapat kasi matatapos na to, pero alam kong may mga mabibitin na naman sa inyo kaya ginawan ko ng bagong twist ang story..ilalabas ko ang Devil Side ni Demon este Damon...sana magustohan nyo...Thank you so much/////

--------------


"Aalis kayo... Iiwan nyo na kami ng mommy dahil hindi mo na kami kailangan." Puno ng hinanakit na sabi ni Dad.

"No... Hindi totoo yan dad.... Mahal ko kayo at hindi naman kami aalis lilipat lang kami sa bahay ni Damon... Gusto ko lang pagbigyan ng anak ko."

"Ano makikipag live in ka sa kanya, magsasama kayo ng hindi kasal... Naiisip mo ba kung anong sasabihin ng ibang tao kapag ginawa mo yun, hindi lang pangalan mo ang sisirain mo Veronica kundi pati pangalan ko, reputasyon ko at ng buong kompanya." Alam kong pilit tinitimpi ni dad ang galit nya.

"Niyaya ako ni Damon nga kasal."

"Ginagawa nya lang yan para mailayo ka nya sa amin kayo ni Michelle.... Alam kong gumaganti lang sya sa akin dahil sa mga ginaawa ko sa kanya noon."

"Anong ibig nyong sabihin... Anong mga ginawa mo sa kanya.?" Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni dad.

Ang alam ko lang inilayo nya ako Kay Damon. Maliban doon wala na akong alam.

"You would never want to know what I did to him Veronica... masasaktan ka lang... pero ginawa ko lang yun para protektahan ka... at gagawin ko uli yun ngayon sa abot ng aking makakaya..."

"Dad matanda na ako kaya ko ng protektahan ang sarili ko... please hayaan mo na akong magdesisyon para sa sarili ko at sa anak ko." Pakiusap ko sa kanya.

Nakita kong natigilan sya.

"alam kong darating ang panahong ito... at napaghandaan ko na ito.... kung yan ang gusto mo... pwes magdesisyon ka ngayon... kami ng Mommy mo o ang lalaking yun."

Daig ko pa ang dinaganan ng isang toneladang bato sa sinabing iyon ni dad.... hindi ko inaasahang aabot kami sa ganito... na kailangan kong mamili.

"Dad...wag mo namang gawin sa akin to please.." Tila nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko. Namuo ang luha sa mga mata ko.

"this is what you're asking for Veronica... ang magdesisyon para sa sarili mo... gawin mo ngayon...siguradohin mo lang na anomang desisyon na gagawin mo ay hindi mo pagsisihan.. dahil sa magiging desisyon mo dedepende ang magiging relasyon mo sa amin ng mommy mo."

Tuluyan na akong naiyak.

"Dad...wag naman pong ganito... mahal na mahal ko kayo ni mommy at mahal ko rin si Damon at ang anak ko."

"Pero sasaktan ka lang nya."

"Hindi Dad...mahal nya rin ako... hindi nya ako kayang saktan."

"Okey if you say so.... now make a choice Veronica...Kami ng Mommy mo o ang lalaking yun." 

Wala sa sariling bumaba ako ng sasakyan ko pagkaparada ko sa tapat ng Hospital. Mula sa bahay ay dito ako dumiretso, tumawag kasi si Damon naayos nya na daw ang papers ni Michelle at pwede na itong lumabas.

Alam kong namumugto pa ang mata ko dahil pagiyak. At nanlalabo pa iyon kaya hindi ko napansin ang mga media na agad na nagsilapitan sa akin.

" miss Alvarez pwede po ba kaming magtanong...."

"Miss Alvarez...."

Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila, pilit akong umiiwas sa kanila, habang nakayuko ang ulo ko ay pinilit kong makalusot sa mga nagsisiksikang mga media.

Pero sadyang marami sila at ayaw nila aking tantanan.

"Leave her alone." Narinig kong sigaw ng isang kilalang kilala kong boses.

"Damon."

Hinanap ko ang pinagmulan ng boses,
Nakita ko sya sa may Exit ng hospital.

Biglang nabaling sa kanya ang atensyon ng mga media. Sya naman ang pimagkagulohan ng mga ito.

"Develuz Griffin, totoo bang may anak ka na.?" Tanong ng isang reporter.

"Yes... And shes inside this hospital because shes sick... So please we need some privacy here."

"Whose the mother.?" Tanong uli ng mga makukulit.

May humawak sa braso ko at iginiya ako papasok sa loob ng hospital ng hindi namamalayan ng mga media.

"Magbibigay ako ng official statement before the and of the day so please just wait for it."

Tinalikuran na ni damon ang mga media at agad na lupat sa akin, niyakap nya ako at hinalikan sa noo.

"sorry about that, dapat pala pinasamahan kita sa mga bodyguard ko."

"Ang hira pala ng maikabit sa pangalan mo."

"Sorry.. sisiguradohin ko na lang na may magbabantay sayong mga tao para hindi ka na nila malapitan."

"kailangan ba talaga yun.?"

"Ngayon lang naman habang mainit pa ang isyu tungkol sa atin, kapag lumamamig na yan, babalik na rin sa normal ang buhay mo."

Inakbayan nya ako at naglakad na kami papunta sa silid ni Michelle.

Napansin ko na pati yung mga doctors at nurses ay pinatitinginan kami.

"Bakit kasi lumabas ka pa kanina, ayan tuloy alam na ng lahat na ikaw si Develuz... baka pati mga Doctors at nurses nito pagkagulohan ka."

"Sanay na ako sa ganyan alam ko na kung papano sila ihandle."

"ikaw sanay kami ng anak mo hindi."

Tumingin sya sa akin, nakita nya ang namumugto kong mga mata. Tumigila sya sa paglalakad at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"What happened...Sinaktan ka ba ng daddy mo..?" Puno ng pagaalala ang tinig nya.

"May mabuti pa nga sana kung sinaktan nya na lang ako physicaly.... baka kinaya ko pa."

"anong nangyari..? please Veronica i wanna know.?"

"Pinamili nya ako...... ikaw o sila ni mommy."

Nakita kong natigilan si Damon, nagiba ang ekpresyon ng kanyang mukha.

Pinaghalong takot at pagaalala ang nakita ko sa mukha nya.

"Then what..?" Halos pabulong ang pagkakasabi nya niyon.

Naginit na naman ang sulok ng mga mata ko.

"Angel please tell me sa pagkakataong ito sino ang pinili mo ako o sila.?"

Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kung tama ba o mali ang ginawa kong desisyon.

Pumikit sya at tumingala na para bang inihahanda ang sarili nya sa anomang sasabihin ko.

Ang hirap hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Kung sino ang pipiliin ko, ang mga magulang ko ba na buong buhay ko ay nakasama ko, sila na walang ibang hinangad kundi ang kaligayahan ko, sila na ibinigay ang lahat ng pangangailanngan at gusto ko maliban sa lalaking mahal ko. O ang lalaking ito na nasa harapan ko na itinitibok ng puso ko, na tanging lalaking minahal ko sa buong buhay ko, minsan ko na syang tinalikuran at sinakltan, kaya ko bang gawin uli yun sa kanya ngayon.

At si Michelle kaya ko bang ipagkait sa anak ko ang pamilyang matagal nya ng pinapangarap.

Sino bang uunahin ko ang magulang ko o ang sarili kong kaligayahan.

"Angel.... sanay naman na akong laging panghuli sa listahan mo... sanay na akong iniiwan mo para sa mga magulang mo, kahit masakit, kahit mahirap tatangapin ko ... isa lang naman ang pakiusap ko sayo wag mong ilayo sa akin ang anak ko dahil lalaban ako ng patayan makasama lang sya."

Tumingin ako sa mga mata nya, may isang butil ng luha na kumawala roon.

The Devil is crying. Parang dinudurog ang puso ko.

Mahigpit ko syang niyakap.

Today i will make my choice. At sana lang tama ang desisyong gagawin ko. SANA......

I FALL IN LOVE WITH THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon