Vandalism

22 2 0
                                    

Ako si Charm. Maaga akong nagising dahil ang akala ko ay late na ako sa klase. 7:30 na noong dumating ako ng school. Buong akala ko ay 7:30 ang aking klase. Yun pala, alas otso. Tumatakbo ang oras pero parang may kabagalan ito. Dahil doon, naisipan kong bumisita sa may field upang panoorin ang mga ka-skwelahan kong nag-P-PE. Ako’y nag-ikot, at umupo. Sa dinami rami ng upuan ay aking napiling upuan ang isang lumang upuan. Sa kalumaan nito ay marami na rin ang nakasulat dito. Karamihan dito ay mga hinanakit tungkol sa mga iba’t ibang subjects. Pero may katangi-tanging nakasulat sa sulok nito. Naiiba sa lahat.

"Kailan mo ba ako sasagutin, BIGHANI?"

Nagtataka ako kung bakit kailangang sa upuan pa niya ito ipararating, at hindi na lang mismo sa babaeng nililigawan niya. Natatawa nga ako e, naaalala ko tuloy ang MASUGID kong manliligaw. Di ko nga rin alam kung nanliligaw ba yun talaga pero sa pagkakaalam ko naman ay kapag niligawan ng isang lalake ang isang babae, malalaman mong may gusto ang lalake sa babae. Nagtataka ako kung minsan man sa isip niya ay sumagi din sa isip niya ang katanungang ‘yan. Baka naman kasi may balak siyang manligaw forever at di niya naitatanong ang tanong na ‘yan.

At dahil nga sa excitement na naramdaman ko na sagutin ang tanong na ‘to, nagvandalize na rin ako. Haha!

"Bakit hindi kaya sa kanya mo itanong ‘yan?"

E mag se 7:30 na kaya pumunta na ulit ako sa classroom namin. Habang nagklaklase kami ay naiisip ko yung upuan. Kung ano ang isasagot niya. Kung ano magiging reaksyon niya. Excited na ako! Biyernes nga pala. Martes pa ang PE namin.

PE na namin. Dahil nga sa sobrang excited ako ay nagbakasakali ako na tignan yung upuan, baka may sumagot. At hindi nga ako nadisappoint kasi may sumagot nga!

"Kailangan pa bang itanong yan sa kanya?"

At sumagot na naman ako.

"Siyempre. Para malaman mo rin kung ano ka na sa kanya. Para naman mainform siya kung sakaling di mo pa nasasabi sa kanya ‘to."

Aba at bigla akong naging love doctor sa pagsulat nito. Papa Jack ang peg! Haha. Mas naging interesado ako dito nang sumagot ako. Ngunit noong sumunod na linggo, nawala ang upuan. Hindi ko makita! At nawala bigla ang excitement ko. Paano ko kaya malalaman kung sumagot ba siya o hindi. Natuwa pa naman ako kasi nga diba feeling ko nakakatulong ako sa kanya. Chos! Haha. Pero blessing in disguise na rin siguro yung nangyrari dahil pagkatapos ng ilang linggo ay nagtapat na rin sakin yung MASUGID kong manliligaw. E sinagot ko na rin kasi nga pareho kami ng nararamdaman. MU levels! At kasabay nga ng pagsagot ko sa manliligaw ko ay nakilala ko rin tong si Manong magsusulat.

Weekend noon. Bored ako at dahil nga don ay bumisita ako sa dorm ng BF ko. E Naglaro ako sa laptop niya bilang pampalipas ng oras, e may password kaya tinanong ko.

Me: Uy ano password mo?

Bf: BIGHANI.

Naguluhan ako. Natigilan. Naalala ko yung nagsusulat. Yung nabasa ko, yung sinagot ko. E tinignan ko siya. At alam kong alam niya din ang nasa isip ko, bigla siyang nagsalit at sinabing nakangiti ang mga katagang “BIGHANI". Bighani ang tagalog ng Charm.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VandalismTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon