"Parang wala naman tayong pinagsamahan eh." Sinabi ko para makonsenya siya na sabihin saakin. Hahaha.
"O sige. Noon kase 4 years ago, nag-camping kami ng Tatay ko. Tapos may nagca-camping din na mag-tatay. Yung tatay nung bata nalasing tapos pinasok yung tent ko na muntikan akong ma-rape." Sabi niya.
"Whaaaat!? Natuloy?!" tanong ko.
"Patapusin mo kaya muna ako." Sabi niya.
"Tapos sumigaw ako kaya narinig ni Papa. Binugbog ni Papa yung lalake tapos hindi ni Papang sinadya na itulak sa bangin at nabagok ang ulo sa malaking bato. At namatay."
At mukhang naluluha na siya.
"Nakita ng bata ang pangyayari. Siguro mga ka-edad ko lang yung bata. Tapos sumigaw ng malakas at tumakbo ang bata palayo tapos nahulog sa patibong na may mga patusok na para sa mga baboy damo. Tapos kinuha ni Papa ang bangkay ng dalawa samantalang umiiyak lang ako. Ayaw ni Papang makulong kaya inilibing nalang niya ang mga bangkay. Nung ang bata na ang tatabunan ng lupa nagising at umiiyak. Kaya sinakal ni Papa ang bata hanggang mamatay." kwento niya.
"Wala kang ginawa para ma-sagip ang buhay ng bata?" sabi ko.
"Wala eh. Hindi ko alam ang gagawin ko umiyak nalang ako ng umiyak." sabi ko.
"Asan na ngayon Papa mo?" himig ko.
"Hindi na namin hinanap ni Mama. Masyadong matagal na siyang nawala. Mga 45 days lang pakatapos ng pangyayari. Kaibigan kita kaya may tiwala ako sayo. May nakapag-sabi niligaw daw ng maligno sabi naman ng iba napadpad na sa ibang bayan at may pamilya na." Sabi niya habang lumuluha.
Nalungkot ako at nagulat sa mga kwinento niyang pangyayari.
"Eh yung sinasabi mong Demonyo kilala mo ba?" tanong ko.
"Oo." sabi niya.
Nagkakatakutan na kami kasi medyo gabi na.
"Sino?" Tanong ko.
Sabi niya "Yung bata."
Biglang kinilabutan ako at napahawak sa teddy bear ko.
Tinanong ako ni Ericka kung bakit mag-isa lang ako dito sa bahay.
"Ang Mommy ko kase Nasa Qatar at nag-hire nalang ako ng labandera. Ang pagkain ko naman palaging ordered. Ang kapatid ko kasama si Mama. Si Papa naman matagal nang patay." Sabi ko.
"Ahhh sige alis muna ako. Ba-byahe kami bukas ni Mama papunta sa barrio namin. Mangangamusta lang." Sabi niya.
"Ahhh sige. Ingat nalang." Tugon ko.
Saka natulog na ako kase maaga rin ako bukas.
BINABASA MO ANG
Ang Demonyo sa Bintana
HorrorBABALA Para lamang ito sa mga mahilig sa mga nakakatakot na kwento. Mas maganda kung bago kayo matulog magbasa nito. SHORT STORY po ito. Cast Stan - autobiographer Ericka France - nanay ni Ericka Hannah and Joyce - artists Earl, Celine and Debbie...