Ang Siopao, Bow!

260 11 3
                                    


**

Malambot kagatin, masarap kainin.

'Yan ang dahilan kung bakit paborito ko ang siopao.


Maputi ito't malambot, siguradong ika'y mapapawow,

Sa laki at hugis nito'y tiyak laway mo'y aapaw,

Sa halimuyak pa lang nitong abot hanggang tanaw,

Huwag lang sumobra, dahil magmumukha kang bakulaw.


May siopao na maliit, may siopao na malaki,

At iyan ang kanilang iba't-ibang mga uri.

Mapabola-bola o asado man,

Lahat ng iyan ay akin ng natikman.


Magandang pagmasdan, ang hugis nitong bilugan.

Sa lambot nitong kay sarap hawakan,

At masarap sa pakiramdam, habang nakakulong ito sa aking palad.


Kaya't gagawin ko ang lahat, siopao lang ay magalugad.


Ganyan ko kagusto ang siopao, na labis kong hinahangad,

Sino man ang magtangkang umagaw nito'y hindi ko mapapatawad.

Magmakaawa ka man, gamit ang iyong palad,


Tataasan lang kita ng daliri at sasabihan ng,


"Pakyu ka! Sagad!"

InkdropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon