My Coincidental Girl
by baypowlarmee
(Leo's Mind)
"Hi Kuya artista ka ba?" isang teenage girl ang lumapit sa'kin sa isang cafe outside ng mall with her two friends.
"I'm sorry pero hindi ako artista, but thanks for the compliment." nagsmile ako sa kanila at nakinig ulit sa pinapatugtog kong music sa Ipod ko.
I heared them giggling papalayo. Nilakasan ko nalang ang volume ng music para di na sila marinig. Ayaw ko kasi ng mga taong sobrang maingay. Nakakairita. Psh. Yan ang dahilan kung bakit walang nagtatagal sa akin na relationship. Which reminds me of my girlfriend na I broke up recently.
Pero di naman ako nanghinayang. Marami pa kayang babae dyan sa tabi-tabi to go around. Surely i'll find someone else. The fact is, sobrang clingy ng mga past girlfriends ko and that's the reason kung bakit ayaw ko ng mga ganyang babae.
But now, parang gusto ko nang makahanap ng kapalit. Boring naman kasi kung walang karelasyon diba? I'm the type of person kasi na dapat may girlfriend. Ayaw kong ma-zero balance sa relationship meter. So gf hunt na naman toh.
"Jajajajan! Jajajajan! Janjanjan!"
Imitation ko sa drums sa kantang pinakikinggan ko. Ang angas talaga ng kantang to. Nag-iinvicible drums na'ko sa table.
"Jajajajan! Jaja---Hey!"
Napatigil ako sa pag-iinvicible drums nang may biglang kumuha sa headphones mula sa tenga ko. Asar! Best part na sana yun.
Tumingala ako para makita kung sinong asungot ang kumuha sa headphones ko. Pero nawala ang inis ko nung nakita ko ang isang babaeng ka-age ko lang ata.
Maganda, maamo ang muka, at mga matang nakakatunaw ang mga titig.
"Kanina pa kita kinakalabit, di ka naman sumasagot. Yan lang pala ang kailangan gawin." She spoke in a very innocent yet annoying manner. =__=
"Ano kailangan mo?" Tanong ko sa kanya with matching smirk. Kahit maganda pa s'ya, pinutol nya talaga ang kaligayahan ko.
"Tatanungin ko lang sana kung may nakaupo na dito?"
Nagsmile s'ya sa'kin at tinuro ang chair sa harap ko while inaabot ang headphones ko na kinuha nya. Kinuha ko ang headphones at nagtingin-tingin muna ako sa paligid. Packed na ang lahat ng mauupuan dito sa cafe.
"Wala." tipid kong sagot while siniset ang Ipod ko.
"Pwede na bang umupo?" Nagtanong na naman sya.
"Go!" sabi ko na may halong inis. Alam nyang busy ang tao iniistorbo nya talaga.
"Thanks?" patanong nyang sagot. Psh. How annoying can anyone get. =__=
Estorbo din tong babaeng to ah. Makabalik nalang sa music. In-on ko ulit ang Ipod ko at isusuot na ang headphones sa tenga ko.
"Do you like Franco too?"
Napatigil ako nang masabi nya yun. Binaba ko ang headphones ko at tinignan sya ng seryoso. Is she for real?
"Apparently yes." sagot ko na naka-cross ang mga kamay.
"Whoah! Same tayo. I love to listen to Franco too." umupo na sya at tinignan ako. May namuong mga twinkle sa mga mata naming dalawa. Asan ka pa makakakilala ng babaeng fan ng Franco.
(A/N: Ang Franco ay isang band na favorite ng ate ko. Sabi nya mix of reggae and rock ang mga kanta nila. They are actually good. Try nong pakinggan. If ayaw nyo naman. Edi wag. ^_^v)
"Oh." Yan lang ang nasabi ko. Speechless ata.
"So, what band is it?" tanong nya habang minimix ang inumin nya. "I've noticed it's not Franco your listening to."
Ang observant din netong babaeng to. Ang daling makaobserve ng difference.
"Uhm... It's 'Til Next Wednesday." sabi ko na may halong hiya, kasi parang hindi nya rin naman alam kung anong banda tong pinagsasasabi ko. Mapapahiya lang ako kung ganun.
"SHUT UP! Paborito kong banda yan."
"Wait... Kilala mo ang band na'to?"
I couldn't believe what she just said. Sino ba ang connections ng babaeng to? Bagong sibol na band lang naman tong TNW and she already knows them.
Small gigs lang naman ang ginagawa nila. I've been in some of their gigs several times kaya kilala ko sila. And they're really good.
"Well yeah! May special connection kasi ako sa band na yan. hehehe." Nagsmile sya sa'kin and that started our conversation.
---
Iba din tong babaeng to ah. Magaan ang pakiramdam ko when I talk to her. We have so much in common which made me very relaxed makipag-usap sa kanya. Writer pala s'ya ng mga short stories sa isang site na nakalimutan ko na ang pangalan. Basta may 'pad' yung huli.
She's very different from all the girls i've met. Umabot nga kami ng mga about 2 hours sa kakadakdak ng kung anong bagay na kami lang ang nakakaintindi. Enjoy na enjoy ako sa company nya. But there's something familiar sa babaeng to, di ko lang talaga ma-pin point kung ano.
"Uy!Anong oras na?" Tinignan nya ang relos nya. "Lintik ako neto... Sige hanggang sa uulitin ah. Uuna na ko."
"---" Naging speechless ako bigla. May itatanong sana ako bago sya lumayo pero di ko lang talaga malabas sa mga bibig ko.
"Ano nga pala yung pa---"
"BYE!"
Tumalikod na sya sa'kin at nagsimula nang lumakad palayo hanggang sa di ko na sya makita.
"---ngalan" dyan ko lang natapos ang sinasabi ko. Nung nagsimula na kasi kaming mag-usap eh, wala man lang kaming formal introduction sa isa't isa. Nakaligtaan na namin ang manners namin sa kakadakdak.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Susubukan ko syang habulin at baka maabutan ko pa sya. Importante lang talagang matanong ko sya nun. Feeling ko kasi eh, gusto ko pa syang maka-usap ng mas matagal pa. I think... I think... Ithink I'm starting to like her.
Tumakbo ako kung saan saan, kulang nalang eh mangyaring nasa dalawang lugar ako sa isang panahon sa kakahanap ko sa kanya. Where is she? I desperately need to know her name.
Kayo?
Alam nyo ba kung nasan sya?
Nakita nyo ba sya by any chance?
Please help me... T_T