Hazel Chen
Nagkasalubong agad ang kilay ko ng makita ko na naman ang panget na lalaking 'to.
Ano na naman ba ang kailangan niya? Sasabihan niya na naman ba ako na layuan si Richt? Ano bang problema niya? Di naman siya inaaway ni Richt.
Tuwing uwian ay nandito siya lage sa labas ng school ko. Nakaabang at parang may binabantanyan.
Daig niya pa guard namin dito. Kainis!
"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?! Di mo ba ako tatantananan?!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi hangga't di ka lumalayo sa demonyo—este sa Richt na 'yan." sagot niya at diretsong nakatingin sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at inirapan.
"Kung may problema ka sa kanya dun ka mambulabog—"
"Excuse me, di kita binabulabog. Nakatingin nga lang ako sa'yo pero lumapit ka sakin." pagpuputol niya at ngumisi pa ang panget.
Aba! Grrrr... Bwesit!
Bumalik ang tingin ko sa loob ng school at nakita ko si Richt na nakaupo sa isang bench habang nakatutok sa libro. Tumingin muna ako kay Jam bago ako pumunta kay Richt at umupo sa tabi niya. Si Jam naman ay masamang nakatingin sakin pero inikotan ko lang siya ng mata.
Manigas siya dyan!
"Oh, hi hazel." bati niya sakin habang nakangiti.
Paano ko lalayuan ang ganito ka gwapong nilalang? Sa ngiti niya palang ay may kakaiba na.
"Hello." nakangiti ko ring bati sa kanya.
"Tapos na ba klase mo? Uuwi ka na?" tanong niya habang pinapasok ang libro sa bag niya.
"Oo pero gusto ko pa kasing pumunta sa mall pero wala akong kasama." nakangusong sabi ko.
"Talaga? Kung gusto mo samahan na kita." sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad. Tumingin ako muli kay Jam na masama pero seryoso paring nakatingin sakin. Binelatan ko lang siya at inirapan.
***
Di ko alam kung nasa'n na ang panget na 'yun. Di ko alam kung bakit di niya kami pinigilan ni Richt nung nilagpasan namin siya. At saka wala na akong paki dun. Pagkarating namin sa mall ay hinila ko agad si Richt sa Arcade. Ito kasi ang rason kung bakit gusto kong pumunta ng mall, ang maglaro.
Miss ko ng maglaro kasi noon, masaya pa kami ni Zi na naglalaro dito.
"Hazel? Okay ka lang?" natatakang tanong ni Richt ng bigla akong tumahimik. Ngumiti ako ng tipid at saka tumango.
"Oo naman halika laro tayong basketball." nakangiting sambit ko. Ginulo lang niya ang buhok ko at naglakad na kami.
"Kapag talo sasayaw dun ah!" sabi ko sa kanya sabay turo dun sa 'Just dance'
"Sige ba." sagot niya sa 'kin.
Pagsimula ng laro ay nagshoots agad ako. Pero, narinig ko si Richt na laging nagmumura kaya tumingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)
Teen Fiction(Completed) Paano magmahal ang isang Gangster sa isang Nerd? Paano kung may desisyon na kailangan gawin para sa kapakanan ng mahal niya? Paano kung susuko na siya? Pero ang isa naman ay patuloy parin ipinaglalaban ang pagmamahalan nila? Magiging mad...