Lumipas ang mga araw si Kean ay nag-request kay E’lynne na mag-celebrate ng monthsary kahit na hindi sila. Pumayag si E’lynne pero wag daw sa Facebook. At sumunod naman si Kean sa kanya. Noong ika-20 ng Hulyo, katext ni Kean si E’lynne kinamusta nya ito at nalaman niya na wala na sila ng boyfriend niya sa kadahilanan na wala na daw time si E’lynne sa kanya kaya ito nakipaghiwalay. At nang mabasa ito ni Kean, doon na sya nagplano ng mga gagawin para makapanligaw na sya sa kanya. Pero nung sinabi nya ang kanyang plano noong ika-21 ng Hulyo, 1st monthsary celebration nila iyon. Nagkaroon ng malaking problema na humantong na sa hindi pagkakaayos.
Kean: May aaminin po ako
E’lynne: Ano po?
Kean: Balak kong manligaw sayo
E’lynne: Hindi po pwde
Kean: Bakit naman? :’(
E’lynne: Basta po
Kean: Bakit nga po? Sa anung dahilan? :’(
E’lynne: Kse magiging unfair po doon sa nagaantay saken since first sem pa
Kean: Awwww :’( sabi na nga ba eh. Naunahan nanaman ako :’(
Si Kean ay nasaktan sa mga nangyari kaya nag-desisyon sya na lalayo na sya kay E’lynne dahil alam niya sa sarili nya na hindi pwedeng ipagpilitan ang sarili sa taong gusto mo na hindi ka naman gusto. At naalala din niya ang sinabi sa knya ni E’lynne na “Ayoko pong pinipilit ako at ayoko po na ipilit ang gusto mong mangyari” doon nakaramdam si Kean ng pag-iisa, sobrang na-depress sya sa nangyari na iyon hanggang umabot na nang gabi ay umiyak si Kean. Pero dito na pumasok ang isang lalaki na hindi niya inaasahan… si Jake, ang classmate niya sa Differential Calculus at sa CS100A class. Magkaibigan sila ni Jake at Kean. At nung gabi na iyon, nakatext ni Jake si Kean. Pero naalala ni Kean na nagtext si Jake sa knya at eto ang sinabi niya “Pre nanghiram ako ng puncher kay E’lynne ah, baka kung anung isipin mo samin” Sagot naman ni Kean “Naku pre ok lang :)” at naalala din niya na pinakita ni Jake ang text sa knya ni E’lynne kay Kean at doon na nagtaka si Kean, “Teka paano kaya niya nakuha ang number ni E’lynne? Eh nag-promise ako kay E’lynne na hindi ko ibibigay kahit kanino pero wala naman sa memorya ko na binigyan ko si Jake ng number ni E’lynne”. At iyon na nga’t nagkatext sila ni Jake nung gabing iyon. Dahil nagtitiwala si Kean kay Jake, eto ang nasabi ni Jake kay Kean
Jake: Pre kung ok lang sayo, ako na lang ang sasalo sayo kay E’lynne. Pero sana walang magbabago gnun pa din ang friendship natin
Kean: Ok lang pre paki-ingatan na lang si E’lynne para saken ah :(
Jake: Sige pre makakaasa ka saken, bestfriends?
Jake: Uy
Medyo natagalan mag-reply si Kean dahil nag-expire na ang unli niya kaya kumuha siya ng 20 pesos sa wallet niya sa ilalim ng kanyang cabinet at pumunta sa Ryan’s Bakery, nagpaload siya ng 15 at nang mareceive niya ang load nag-dial *143# sya at pinili niya ang kategoryang “Call and Text Promos” at pinili niya ang Combo15 na inooffer ng TM.
Nang matapos ang pagpaload, bumalik na siya sa kanilang tahanan at dumiretso sa knyang kwarto, madilim na noon mga oras na iyon at wala ng kailaw-ilaw. Nagtext si E’lynne kay Kean
E’lynne: Pars, galit ka daw ba kay Jake?
Kean: Hindi po, nag-expi lang po unli ko kaya di ako nakatext agad. Teka bakit po “Pars” Hindi na ako iyon, si Jake na
E’lynne: No No
Hindi na nireplyan ni Kean si E’lynne noon.