(A/N; Ang mga pangalan, lugar, at pangyayari ay isang kathang isip lamang)
Prologue:
Mayaman noon,
Pero pobreng katulong ngayon. Yan ang buhay ni Serenity sa kamay ng kanyang ina-inahan na si Amelda at dalawang so-called sister na sina Mariel at Maris, simula ng nasawi sa pagsabog ng minihan ang kanyang pinaka mamahal na ama na si Paul Arnie Endrinal.
Ginawa lang naman syang isang katulong ng kanyang magaling na ina-inahan sa sarili nyang pamamahay, alam naman nya kung ano ang gusto ng kanyang evil mother, at iyon ang kanyang minana sa ama kaya naman hindi sya magawang mapalayas sa bahay. Hindi nya kasi makukuha lahat ng iniwan sa kanya ng kanyang ama hangat hindi sya tumutungtong ng 18 years old, aalagaan at mamahalin dapat sya ng kanyang ina upang makakuha ito ng 30% sa kayamanan. Pero hnd ito ang gusto ng kanyang evil mother, gusto nyang akinin ang lahat ng mayroon ang dalaga kaya naman nasa poder parin nya ito ngayon, pero dahil likas sa kanya ang pagiging mabait hinayaan niya ang gusto nito at naging isa syang katulong, kahit pa na napakadami nilang maid sa kanilang bahay.
Halos hnd matangap ng mayordoma o nanay na kung ituring nya ang mga pinag-gagawa ng walang pusong si Amelda sa kanya alaga.
Serenity's POV
"lalalala.lalalala.lalalaaaaa" Kanta ko habang nililinis ang napakahaba naming hagdanan. Dinadaan ko sa kanta ang aking pagod sa araw-araw.
"Iha,magpahinga kana at ipag uutos ko sa iba iyan, huwag kang magpaka pagod ng husto baka kung mapano ka na niya" pag-aalalang sabi sakin ng aking pinakamamahal na nanay nanayan na si linda, sya ang mayordoma sa bahay na nag-alaga sakin simula ng ipinanganak ako ng aking mama, kaya naman mahal na mahal na mahal ko sya.
"hehe, kaya ko pa po nay, wag ka pong mag-alala sakin, malakas yata ako!" natatawa ko pang sabi habang pinakita ang aking maliit na muscle. Oo meron ako nyan dahil din sa mga gawaing bahay na ginagawa ko.
"Hay nakung bata ka! hnd ka naman dapat ang gumagawa nito! wala talagang puso yang amelda na yan!" galit na sabi sakin ni nanay linda. Mahahalata mo sa mukha nya ang pagka inis sa kanyang nanay nanayan na si Amelda. Pero kahit ganito ang mga pinagagawa nya sakin, tangap ko kasi mahal ko siya khit na alam kong ayaw nya sakin simula palang nuong una kaming magkita.
"Nay naman, wag muna pong isali si mama amelda sa usapan, okay lang ako kaya ko pa malakas ako diba?" sabi ko ng nakangiti para naman mawala na ang inis ni nanay linda, kahit pa nalulungkot ako kasi mag iisang taon ko ng ginagawa to para lang hindi sila magalit sakin.
"hay nako, wala talaga kong masabi sa kabaitan mo. Kaya ayan, halos lubus lusin na nila. tsk" may halong lungkot sa boses nito, hnd ko nmn sya masisisi kasi alam kong mahal nya ko at ayaw nyang nakikitang nahihirapan ako.
"sge na nanay linda, balik kana sa taas baka makita tayo ni mama at mabulyawan nanama tayo alam mo naman yun dba?" sabi ko. Kada kasi nakikita kami ni mama na nag uusap ni nanay linda, sobra sa sya kung magalit, umuusok na nga ang ilong pati tenga nya eh.
"osge na, basta kapag pagod kana magpahinga kana sa kwarto mo, wag mo masyadong pagurin ang sarili mo" sabi nya habang papanik na sa itaas.
"haaaay buhaaaaaaa-" halos hnd ko na naituloy ung buhay na sasabihin ko ng marinig ko ang isang malakas na boses galing sa pintuaan.
"Serenityyyyyyyyyyy" sigaw ni mma amelda.
---------------
Wooooooh! grabe, hehe. Ayan muna po :)
Sana magustuhan nyo T.T halos pinaghirapan ko yan kahit katiting lang yang sinulat ko. Hindi naman kasi ako professional writter :-D Try try din pag my time. hihi
BINABASA MO ANG
Princess happy ending
RomanceMala prinsesang buhay noon. Mala katulong na buhay ngayon, Magkaroon kaya ng happy ending ang ating bida? Well... lets see :-) Happy reading po♥