Obsession 18
Naging ganoon ang daily routine ko sa hapon, kasama ko si Aerith tuwing kukuhanan ko ng video ang mga lugar na may memories kami. Mabuti na nga lang at di nagrereklamo si Tyler. Pero alam ko si Eiji, nagdududa na. Nagtatampo pa nga minsan.
Kaya katakot-takot na suyuan ang ginagawa ko, para lang di tumagal ang tampo niya. At sa tuwing tinatanong niya ako kung ano ba yong araw-araw na pinag-kakaabalahan ko, sinasabi ko nalang na project iyon ng babae at tinutulungan ko.
Pinindot ko ang play button sa camcorder na hawak ko, tatlong araw nalang at birthday na niya. Wala sa sariling napatitig ako sa singsing na nakasuot sa kaliwang palasingsingan ko. Marriage vows nalang daw ang kulang, kasal na kami.
"I can't wait the day you will be called Mrs. Shaw. I love you so much Baby."
Napabuntong hininga ako at sumandal sa verandah ng apartment ko, hawak ang mainit na baso ng kape ay tumitig ako sa magandang kalangitan na nababahiran ng papasinag na araw. Kung minsan napapaisip ako, tama ba na magpakasal na agad kami?
Natatakot ako na baka pagsisihan niyang pinakasalan niya ako, natatakot ako na baka isang araw magising nalang sya na hindi na pala niya ako mahal. Na baka biglang pumasok sa isip niya na hindi pala ang gusto niyang makasama habang buhay.
Muli akong napabuntong hininga. Ako ang klase ng babae na sa oras na ibigay na ang lahat-lahat sa kanya, sigurado na akong sa kanya ko na din ilalaan ang buhay ko. Sa ganoong paniniwala ako pinalaki ng Mama ko.
Hustong kalat na ang sinag ng araw sa buong kalangitan ng maisipan kong pumasok na sa loob at maligo. Wednesday ngayon, iniisip ko pa kung uubusin ko ang half day ko sa ginagawa kong regalo niya o babawi na muna ako sa kanya.
Isa pa sa Sabado na ang birthday niya, kailangan ko padin bumili ng susuotin ko.
Napaaga yata ako ng pasok, kakaunti palang ang mga estudyante at halos mabibilang mo sa daliri. Dumiretso nalang ako sa room ko at nilagay doon ang mga gamit ko, I picked up my phone to check if he has a message pero wala.
Napakunot noo ako...
Lauren has a text, but I dunno kung na wrong send siya sa akin o para sa akin talaga ito. Saglit ko lang naman siya nakatext kagabi. Muli kong binasa ang text niya.
Oh. Dear you didn't know how much he's good in bed! Magkakasala ka talaga, hahaha.
Ano bang huli kong text sa kanya, para ganon ang reply niya. Chineck ko ang sent box ko. But then I remember hindi nga pala nakaallowed yun sa setting ng phone ko.
Haaay! Ewan! If I know she's just referring to her boyfriend. Storm.
At exactly 9:40 ay nag-aayos na ako ng gamit pauwi, nakakaloka talaga ang subject ko kapag Wed. Kung di lang major Subject to, nunca na magtyatyaga akong pumasok. Tsss...
Sa condo nalang ako ni Eiji tutuloy, I'll cook for him. Alam naman niyang kapag Wed, it's either sa apartment ko or sa kanya. Dumiretso ako sa supermarket at bumili ng kailangan ko. Magbebake nalang ako tutal mukha namang cake yung lalaking yon.
Ng makumpleto ko ang mga dapat kong bilhin, agad na akong pumara ng taxi at nagpahatid sa address ni Shaw. Naisipan kong tingnan ang phone kung nagtext siya at tama nga ako. Napakunot noo pa ako ng mabasa iyon.
BINABASA MO ANG
Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)
Fiksi UmumWARNING: R18 "Akala ko dahil nawalan ako ng sobra, may magiging kapalit rin na sobra. Hindi pala lahat ng nawawalan, pinapalitan. Dahil yung iba kapag alam ng nawalan ka na. Dapat ka ng itapon at iwanan." Storm knew ever since na hindi maaaring magi...