Part 2

11.1K 276 14
                                    

HALOS matisod na siya sa bilis ng paghatak sa kanya ng lalaki mula sa dance floor patungo sa may lobby. She's sober pero ang epekto ng alcohol sa kanyang katawan ay naroon pa rin. And it's making her motor skills weak. Nang tumigil ang lalaki ay agad niyang binawi ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak nito.

Nag-iinit ang kanyang pisngi sa inis. How could he be so inconsiderate of her state? Kaunti na lamang ay halos matumba na siya sa ginawa nitong paghatak sa kanya. And who the hell was he to do that?

"Ano sa tingin mong ginawa mo?" May bahid ng inis sa boses niya.

But she just heard the man chucked.

Though her head felt heavy, she still tried to lift it to look at him. Her eyes squinted as she tried to concentrate on visualizing the face of the man. Una niyang nakita ang mga mata nito. They were hard but she can sense some kindness in them. Parang ipinapakita ng mga matang iyon ang pag-aalala nito.

Ipinilig niya ang kanyang ulo.

Mukhang tumalab na talaga ang alak at kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

She gazed at him again and that's when his thin lips and nose came to view. She absentmindedly smiled. Then she went back into his eyes. They were now sultry and looking straight at her. Nahigit niya ang kanyang hininga nang rumehistro sa ang buong imahe ng mukha ng lalaki.

God, he's perfect!Kasabay ang biglang paglakas ng tibok ng kanyang puso.

She shook her head once more. "How dare you interfere awhile ago?" Pinilit niyang magsalita upang mawala ang kakaibang nararamdaman.

Nakita niyang umiling ang lalaki bago sumagot. "Is that the way you talk to your savior? Ibang klaseng ka talaga."

"Savior? Sinong maysabi kailangan ko ng tagapagligtas?"

"So you're saying okay lang ang ginagawa sa iyo ng mga lalaking iyon kanina? Halos ma-harass ka na!"She saw him smirk again. At dahil doon nabuhay na naman ang inis niya.

"Anong pakialam mo? Hindi mo ako responsibilidad!"

Nagtaka siya ng tumawa ito ng malakas. "So you're just one of them then? Nagkamali yata ako."

Kumunot ang noo niya sa narinig. "What do you mean 'one of them'?"

"One of them. The bitches who are so dazzling yet their true motive is to tease men until they're at their feet. So pathetic."

Kung iba ang makakarinig ng mga iyon ay maaring nagalit na. Hindi pa siya natawag na 'pathetic bitch' ninuman. Pero hindi ang salitang iyon sa kanyang mga sinabi ang nakakuha sa kanyang atensiyon.

Napangiti siya at muling tinitigan ang lalaki. "You're saying that... I am dazzling?"

In her drunken state, ngayon pa lang siya nakatanggap ng ganoong compliment. Para sa kanya ay papuri iyon. Now she's really getting weird.

Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay naglakad ito patungo sa bar area. Sinundan niya ito. She's getting interested in talking with this man.

Napangiti siya. Ang akala niya ay nakalimutan na niya ang misyon niya kung bakit siya nagtungo sa lugar na iyon. Could he fit in as the man she needed for tonight?

Since you blew my chance awhile ago, you have to pay for that.

Umupo ang lalaki at saka umorder ng alak. Tinabihan niya ito at muling tinitigan ang gwapong mukha nito.

"Pwede bang i-fulfill mo ang wish ko?"

"I'm not a genie. Just go back to your friends and stay safe."

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon