Part 4

9.5K 251 7
                                    

"ATTORNEY, hindi ko pa naman po napapa-encash ang tseke. Baka pwede pa pong pag-usapan natin ito?" Pakiusap niya kay Atty. Barrios nang dumaan ito upang kunin ang titulo ng lupa. Nagbabakasakali siyang baka pumayag itong isauli sa kanya ang kabebentang lupa. There would be no reason for her to sell the beach now.

"Naku Miss Arnaiz. Mahirap iyon. Malinaw na po ang usapan natin.You can't just take it back." Nalulungkot na sagot ng abogado.

Nagbabakasakali lang naman siya na baka pumayag ito. Isang araw pa lang naman ang nakakalipas. Sigurado siyang hindi pa nito nata-transfer sa pangalan ng buyer ang lupa niya.

"Attorney, baka naman po pwedeng hindi ko na lang ibenta iyon. Sige na po."

"Miss Arnaiz, alam mo naman siguro kung ilang linggo kitang pinakiusapan na ibenta ang lupang iyon. Mukhang napakahirap ng hinihiling mo."

"Attorney..."

"Miss Arnaiz, this is beyond my power. Kahit gustuhin ko pang ibalik sa iyo ang lupa, hindi sa akin nakapangalan iyon. Mr. Reynaldo Duarte already owns the land now. I am really sorry."

Napabuntong hininga siya dahil sa pagkadismaya. Alam naman niyang suntok sa buwan ang makuha niya muli ang lupa niya pero naisip rin niyang walang masama kung susubukan niya.

"Ang totoo po niyan attorney——"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone nito.

Gusto sana niyang banggitin na rito ang tungkol sa brain tumor issue niya upang kahit kaunti ay makaintindi ito kung bakit niya nagawang agarang ibenta ang lupa niya.

Ngunit nadismaya siyang muli dahil pagkatapos ibaba ang cellphone ay kaagad na itong nagpaalam."I'm so sorry Miss Arnaiz, I really have to go. My boss asked for me. I really have to leave."

Aktong tatayo na ang abogado nang pigilin niya ito. "Teka po. Iyon pong si Mr. Duarte maari ko po ba siyang kausap? Baka naman po pumayag siya."Hindi pa rin siya sumusuko na mabawi ang lupang pinamana sa kanya ng mga magulang.

Sandaling nag-isip ang abogado bago nagsalita. "Mas mabuti pa nga na si Mr. Duarte na ang kausapin mo. Though I doubt he would agree, there's no harm in trying."

Napangiti siya sa sagot ng abogado. Ang akala niya ay wala na talaga siyang pag-asa pa."Saan ko po siya pwede makausap?"

"He's at Pagudpud right now. He is surveying the land you just sold to us."

Pagkaalis ng abogado ay kaagad niyang inihanda ang kotse. There's no time to waste. Just two days ago maraming nawalang mahalaga sa kanya. If she couldn't take her virginity back, she can do something about the beach she just sold. Kahit magmakaawa ay gagawin niya makuha lamang itong muli.

MAHIGIT isang oras din ang binyahe ni Yui sakay ang eroplano mula Manila hanggang sa Laoag International Airport. Pagtapos ay sumakay muli siya ng jeep at bus hanggang sa makarating sa Pagudpud. Sumatutal ay inabot siya ng kulang-kulang limang oras sa kabuuan ng biyahe niya.

Pagod man ay napawi ito ng napakagandang tanawin na bumati sa kanya. Nagpangiti sa kanya ang asul na dagat na sinasalamin ang langit at ang puting buhangin sa dalampasigan. Ang hangin naman na umiihip sa kanyang mukha ay napakapresko na mas lalong naghatid sa kanya ng magandang pakiramdam.

Naiinis tuloy siya dahil naaalala na naman niya kung ano ang nawalang kayamanan sa kanya. She has been to this place a lot when she was little. Her parents were both from Ilocos pero nang nadestino ang ama sa Maynila ay doon na rin sila tumira. She was just eight years old then.

Kaagad niyang tinanggal ang suot na sandals at binagtas ang buhanginan. Kahit ilang daang metro ang layo sa kintatayuan niya ay kitang kita ang dine-develop na beach resort. Meron pang naglalakihang structures doon na sa tingin niya ay magiging hotels. Sa kabilang dako naman ay isa ding resort kaya lamang ay operational na ito dahil mayroon nang mga turista sa baybayin nito at masayang naliligo. Base sa mga cottages doon ay tila iisa lamang ang developer ng dalawang resorts na nito. Doon na niya nabatid na kaya pala gustong gusto ng bilhin ng Mr. Duarte na iyon ang beach niya. Napapagitnaan pala iyon ng dalawang resorts na dini-develop nito.

Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon