Chylie Jerah Chiu POV
Sa bayan ako unang ipinasyal ni Clarick. May bagong gusali ng naipatayo at hula ko ay isang commercial center iyon. Nadagdagan na din ang mga bangketang nagtitinda sa may mga gilid ng daan kaya medyo nata-traffic na ang mga pedicab na pumapasada.
Isa din ang pedicab sa mga na-miss ko dito. Noong dito pa kami ay mura lang ang pamasahe.
Nakakatuwa lang na nakakalungkot. Nakakatuwa dahil madami ng iniunlad ang bayang ito pero nakakalungkot dahil hindi ko man lang nasubaybayan ang mga pagbabago dahil lumipat kami sa ibang lugar.
Pumasok kami sa isang karinderya at umorder si Clarick ng mga native foods. Wala ng mas masarap pa para sa akin ang mga lutong ulam nilang mga ginataan at mga maaanghang.
"Ang dami na pala talagang pagbabago dito sa Jaro no? Pagkatapos natin kumain, saan tayo pupunta?"excited na tanong ko.
"Oo madami na talagang nagbago dito. Parang sayo, madami kana ding pinagbago." Biglaang sabi niya sa akin.
Eto na naman siya. Sa mga awkward na tanong niya.
"Ano naman sanang pinagbago ko? Tigilan mo nga ako sa mga hugot hugot mo Clark, hindi na nakakatuwa." Seryosong sagot ko sakanya.
Sa aming magbabarkada dati ay ako lang ang tumatawag sakanya ng Clark. At ako lang din ang nakakabara sakanya. Lalo na kapag nagbibiro at seryoso siya.
"Anong nangyari sayo? Noong lumipat kayo doon, isang buwan ka lang nakipag-palitan ng sulat. Matapos non ay hindi kana nagparamdam." Sumbat niya sa akin.
Totoo ang sinabi niya. Nagsusulatan kami dati noong bagong lipat palang kami doon. Pero simula nong natanggap ko ang sulat niya na ang nilalaman ay ang pagtatapat niya ng nararamdaman niya para sa akin ay hindi ko na sinagot lahat ng sulat niya. Magkaibigan na kami noon ni Brieyah at naikukwento ko din noon si Clarick sakanya. Panay ang sulsol niya sa aking payagan si Clarick na patunayan pa ang nararamdaman niya para sa akin ngunit, saksi na ako noon sa lagi niyang pag-iyak at sakit na dinaranas niya sa boyfriend niya. Si Brieyah ang basehan ko noon, tunay siyang nagmamahal pero bakit siya pinapaiyak at sinasaktan? Paano kapag kami na ni Clarick? Hindi malabong maranasan ko din ang mga nararanasan niya lalo na't laging sinasabi sa akin noon ni Brieyah na sa pag-ibig daw ay hindi maiwasan ang umiyak at masaktan. Pero ang lagi ko lang noong tanong sa sarili ko ay bakit kailangan pang umiyak at masaktan kung tunay ka ng nagmamahal?
"Dahil ba sa pagtatapat ko noon sayo?"muling tanong niya sa akin at doon lang ako napatingin sakanya. Kita ko ang pagseseryoso ng mga mata niya.
Ano ba ito? Saan ba patungo ang usapan namin? Bakit kailangan pang ungkatin ang lahat ng nangyari na?
"Kung wala ka ng balak ipasyal pa ako, mauna na akong umuwi. Kailangan ko ding makipag-bonding sa mga pinsan ko." Sabi ko at tumayo na palabas ng karinderya pero sinundan niya ako.
"Hanggang kelan mo ba iiwasan ang mga tanong ko Chy? Hindi mo ba alam na ikaw parin ang gusto ko at ni minsan ay hindi ako sumubok tumingin sa iba dahil ikaw ang hinihintay ko." Hawak niya sa braso ko.
"Magkaibigan tayo Clark at magkaibigan ang mga Tatay natin. Dati pang sinabi ko sayo na makuntento ka sa kung anong meron na tayo diba? Wag ka kasing mag-stick sa akin. Subukan mong tumingin sa iba, huwag ako Clark. Ayaw kitang saktan at ayaw kong masira ang friendship natin. Madaming maaapektuhan kung pinagbigyan kita noon sa idinudulong mong nararamdaman para sa akin. Mauna na ako sayo." Saad ko at iniwan na siya.
Habang naglalakad palayo sakanya ay gulung-gulo ang isipan ko. Nagi-guilty ako dahil hindi ko siya pinagbigyan ngunit pinagbibigyan ko ang taong ni hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita.
Napaka-komplikado ng lahat.
Inaamin kong duwag talaga ako. Ayaw kong sumubok dahil ayaw kong tumulad sa iba na nakikita kong nao-obsses at nasasaktan ng dahil lang sa lintik na pag-ibig na yan.
Bakit ba kailangan pang umibig tapos masasaktan ka lang din naman? Bakit kailangan pang umasa kung papaasahin ka lang? Bakit kailangan pang kunin ang tiwala kung wawalain lang din nila? Ganon nalang ba kakomplikado ang umibig?
Pag-ibig. Sobrang simpleng salita lang pero sobrang hirap ding maintindihan.
Nakasakay na ako sa pedicab ng maramdaman kong nag-ring ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
Non-FictionBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...