Charles' POV
"Sumama ka na kasi! Wala namang mawawala sa iyo kung sasali ka sa org namin eh!" Ang sakit na sa tenga nitong hayop na ito ha! Eh paano ba naman? Kanina pa ako pinipilit na sumali sa org nila. Anong org ba kamo? Sa Dance Troupe kuno. Oo, hindi maipagkakailang biniyayaanh ako ng talento sa pagsayaw pero ang kaso, nahihiya ako. Ayoko kasi na kapag sumasayaw ako, pinapanuod ako ng maraming tao. Nakakahiya kaya!
"Sabi nang ayoko eh! Alam mo namang ikaw lang ang nakakaalam na marunong akong sumayaw diba?" bulyaw ko kay Prince. Si Prince, matalik kong kaibigan. Simula pagkabata pa lang magkasama na kami niyan sa hirap at ginhawa, kaya hindi maipagkakailang marami-rami na din kaming napagsamahan nito. Pero hindi ibig sabihin nun na mapapapayag niya ako sa pagsali sa org nila. Ayoko eh. Kahapon pa nga niya ako pinipilit eh. Eh sa ayoko talaga.
"Kaya nga dapat sumama ka na sa amin, para naman maipakita mo yang talent mo sa iba! Hindi yung kinikimkim mo na lang iyan sa sarili mo!" Hmmmm. *Eng* Hindi pa rin pwede.
"Ayoko, as in ayoko." sabi ko at akmang kukunin na ang bag at lalabas na pero pinigilan niya ako gamit ang paghila niya sa damit ko.
"Libre ko Lunch mo ng buong week?" offer niya. Alam na alam talaga ng mokong na ito kung saan ako huhulihin ah. Pero hindi pa rin pwede.
"Ayoko."
"Buong Month." ay sheeet! Buong month na yun pre! Sayang yun. Hindi na ako maghihirap pa sa pagkalap kung paano ako makakakain ng lunch araw-araw. Mayaman naman itong damuho na ito eh kaya ayos lang sa kaniya ang maglastay ng pera sa kung ano anong bagay. Pero hindi pa rin talaga pwede.
"BUONG SEM!" Kumpiyansa niyang sabi. Ay shet kang damuho ka! Hindi ko na kaya ito. Hindi ko na kayang magpigil pa.
Magpigil ka Charles! Huwag kang magpapatinag sa pagkain!
Eh kasi. Sayang iyon! Makakatipid pa ako ng pera sa buong sem since libre na niya yun.
Kahihiyan o pagkain?
Syempre pagkain!
"Kailan ba ang auditon?" tanong ko sa kaniya.
Napatayo siya bigla at saka ako niyakap ng sobrang higpit. Ay pota! Ang higpit. Hindi ako makahinga!
"Thanks bro! Whoooooo!" Parang gago ang damuho. Akala mo may napasagot na babae sa sobrang pagkatuwa eh.
"Bro parang hindi na ata ako maka---" bigla naman siyang kumalas. Ang sakit ha! Hindi ako makahinga dun.
"Ay sorry! Tangna, naeexcite ako." Parang sa tono niya, confident na confident siya na papasok agad ako sa org nila.
"Wait, one thing. Paano kapag hindi ako ma-qualify sa org niyo, libre mo pa rin yung Lunch ko?" tanong ko. Naninigurado lang.
"Oo naman! As if mangyayari yun." bulong niya. Well bahala siya! As if naman gagalingan ko sa auditon. Bwhahahaha! Akala mong damuho ka ha! Nasa akin pa rin ang huling Alas!
"Simulan mo na ngayon iyang libre na iyan!" sabi ko. Sa sobrang saya niya, kinaladkad na niya ako papuntang canteen.
********************
"Tangna, ang boring talaga sa class natin kapag Marketing. Leche!" bulong na pasigaw na sabi ni Prince.
"Bugok. Huwag mo akong daldalin. Nag-aaral ako dito ah, umayos ka." bulong ko naman pero hindi ko siya tinitignan. Matalas kasi ang mata nitong Prof namin na ito eh. Isang lingon mo lang, nako bagsak ka na.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Love [boyxboy]
Teen FictionSa bawat ritmo ng musika ay siya ring pagsabay ng tibok ng aking puso. Ako si Charles Quijano at ito ang aking kuwento. This is a boyxboy story, you've been warned.