I Met Him On Facebook

7 0 1
                                    

February 12,****

Ina's POV,
          Shucks! nakakaloka yung sinulat ko kanina sa Computer Education namin. The F! Bakit ganun! Tsk! Nabuko tuloy na malambot ang puso ko at hindi ako tibo! Porke kasi malapit na Valentines, Valentines Card ang pinagawa?! Uugh! Ano yung sinulat ko? Ito oh!

Dear B,
      Hey! It's been a long time since I visited you're profile. I lost touch. Nah! I know you don't mind. You didn't even know me. I heard you now have your girlfriend, well Be happy with Claire, Aright?! Happy Valentines B! YOLO! ILY!
  
                                   Love,        Clarine Valerina Wittenberg.

Oo na! Alam ko! Puno ng ka-bitteran ang sulat ko. Nakaka- banas kasi. The last time na na-visit ko ang profile niya sa facebook may in-post kasi siyang Picture. Kasama niya si Claire. Bakit ko alam na Claire yung pangalan. Putspa mga Pare! NAKA-TAG! Oo, malala alam ko! Masakit eh! Naka-tag ang animal! Haay! Makapag-open nga ng facebook mamaya.

Fast Forward.

Waaaah! Bakeeet! Ano to? Nasa kabilang Bayan na nga lang ang School niya tapos lilipat pa siya?! Magta-transfer ng school? The H*ck! Waaah! Eto yun oh!

Blain Venice posted an status.
Hi People! How are you? Well, may news ako! Sabi kasi ni Claire follow your dreams so, susundan ko siya! I'm transferring into another school! Haha! Sana maka-adjust ako agad! Wish me luck guys! ILY CVW!-feeling Excited with Claire Florence.

Ayan! Ayan ang post niya! At eto mga Repa! NAKA-TAG ulit ang hayop! Ano ba yan! Malayo ka na nga mas lalayo ka pa? Baka di na kita ma-reach Mahal ko! Teka? Ano? Mahal ko? Waaah! Shuts! Mahal ko na siya!
Makapag-post nga ng Status.

Clarine Valerina Wittenberg updated her status.

Malayo ka nga, mas lalayo ka pa?! baka di na kita ma-reach! Ano ba yan!- Feeling pissed.

Ayan! Diyan natin ibuhos ang sakit ng loob. Teka?! May 2 notifications na agad?! Sino ba to?

Blain Venice liked your post.

Blain Venice commented on your post.

Shuts! Nag-comment siya! Tingnan nga natin. *click*

Blain Venice
Wew! Sino naman to? Si Mr. Right mo na ba 'to? Ha-ha?

Reply tayo!

Clarine Valerina Wittenberg
LOL. Hindi naman. Ka-dramahan ko lang. Haha!

Log-out na nga! Inaantok na ako.

KINABUKASAN.

Bakit ba umagang-umaga nagsisigawan ang mga tao dito? Nandito ba si David Beckham? Jamie Dornan? Nina Dobrev? O ba ka naman si Jungkook? O kaya si Tiffany Hwang? Oh my god! Matingnan nga.

WTH! Hindi pala artista! Isang Adonis! Adonis na nagngangalang Blain Venice! Waaah! Dito siya nag-transfer! Party party! Party party!

BZZT! BZZZT!

Ahy! Panirang Buzzer yan oh! Kakausapin na eh! Makapasok na nga!

"Ina!"

Huh? Ako ba yun? Hmm! Baka di ako. Deretso lang Ina.

"Ina!"

Aright Ina! Hindi lang Ikaw ang may pangalan non!

"Clarine Valerina Wittenberg! Ano ba!"

Ay! Naka ng! Ako na yun! Wew! Lingon! Ow! Si Adonis pala!

"Ah? Bakit? May kailangan ka? Ahy! Mali. Ako ba yung tinatawag mo?

"Ha-ha! Sino pa bang may pangalan ng ganun kahaba dito? Ikaw lang naman diba?"

"H-hoy! Kasalanan ko bang masyadong maarte ang nanay ko sa pagpili ng Pangalan? Tsaka, ano ba kailangan mo?"

"Sungit naman. Diba Close friend naman tayo sa Facebook? Pwede bang i-tour mo ako dito sa school? Hindi pa kasi ako familiar dito eh."

"Tsk! Di pa ako na-excuse s-"

" Na-excuse na kita. Don't worry. Tara turo mo sa akin Grounds niyo." Sabi ni Blain sabay hawak sa kamay ko.

"Hoy! T-teka! Yung kamay ko!"

"Hayaan mo na. Minsan ka lang naman mahawakan ng gwapo."

"Naku! Pasalamat ka mahal kita, kundi patay ka sa akin!" Pabulong na sabi ko.

"Ano? Anong sabi mo?"

"Wala! Tara na kako! Tsk!"

Habang papunta sa Grounds ay tinanong niya ako kung gusto ko raw ba pakinggan ang istorya niya. Um-oo naman ako. Syempre, may malalaman akong kaunti tungkol sa mahal ko kaya, Gora tayo diyan.

"Alam mo bang in-love ako? Ha-ha. Masyado na ngang malalim ang pagkahulog ko eh."

Ouch!

"Oo! Alam ko na yan! Kay Claire diba?"

"Huh? Si Claire? Hahahaha! Pinsan ko yung Bruha na iyon eh. Kaya hindi siya."

WTH! Kung di si Claire--oh my god! Don't tell me taga-dito yung babae? Double Ouch! Waaah! Ano ba yan! Ang swerte ni Girl!

"Ah? Talaga


? Sino naman?"

"Hmm? Secret muna siyempre. Pero ang alam ko lang talaga noong una, poser yun. Unang tingin ko palang kasi sa kanya. Nahulog na ako. Haha! Corny alam ko pero totoo. Tapos yung mga pose niya, Astig! Boyish! Pero cute. Tapos lagi ko siyang ini-stalk. Tapos nahuli ako minsan ni Claire. Ayun! Natamaan ako sa sinabi niya. Sabi niya kasi, di mo na crush yan! Mahal mo na yan. Kung di ka ba naman tang*, 2 taon mo nang ini-stalk yan tapos crush lang? Para saan pang naging top-1 ka kung engot ka naman pala. Nako! Pinsan, kung ako sayo 1st grading palang naman mag-transfer ka na. diba kasi sabi ng matatanda follow your dreams. Sundan mo siya! Diba siya naman pangarap ko. Kaya naman. Lahat ginawa ko para mapilit si Mama na ipa-transfer ako. Tapos di ko alam na first day ko palang dito ay makikita ko siya. I--teka? Bakit ka umiiyak?"

" Kumanan ka nalang, makikita mo yung grounds sa likod ng building. Bakit ako umiiyak? Bwiset ka kasi eh! Tang**na! Inlove ka na pala. Di mo ako in-inform, di sana ganito kasakit. Alam mo bang mahal kita? Nagkaroon ako ng pag-asa kagabi noong mag-comment ka. Umasa ako kaninang hinawakan mo yung kamay ko. Pero hinati mo sa maraming piraso ang puso ko habang nagkwe-kuwento ka tungkol sa mahal mo. Tsk! Bwiset! Naturingan akong boyish pero Iiyak din pala ako!  Banas talaga oh. An-teka! San mo ako dadalhin?"

Nagulat nalang ako nang hinila niya ako. Bwis*t naman. Nagi-speech pa ako oh! Hihila hila nalang agad! Asar talaga! An- woah! Ano to?

"Mahal mo pala ako. Dapat nagsabi ka agad. Di sana di na ako naghintay ng dalawang taon. Claire Bruha! Tanggalin mo na yung takip!"

Nagulat ako ng biglang lumabas sa kung saan si Claire. Pumunta siya sa harp kung saan maraming flower at may larang tarpauline doon pero nakatakip. At nang inalis ni Calire yoon.

Can  I court You Clarine Valerina Wittenberg?

" A-ano to?"

"Uhmm? Surprise? Hehe. Kanina pa to nakaset-up. Ayan. Pwede ba? Hehe. Nakun-tsaba ko lang yung Tita kong Dean kaya ako naka-ayos ng ganito. Pero kapalit, ako mamaya maglilinis. Hehe. Teka may kulang yata. Claire!"

Biglang may kinuha si Claire na mga lobo. Pero di lang yun, sa bawat lobo. May mga naka-dikit na pictures. Picture ko actually.

"Sorry, nag-save na din ako ng pictyre mo, di k--"

Hinalikan ko siya sa Pisngi.

"Ang ingay mo! Linisin mo na yan. Pumapayag na ako. Tapos yung lobo, ibigay mo sa akin hah! Sige na. I love you! Thank you sa effort Blain Baby!" (Wink!)

End.
----
Thank you sa pagbabasa! *Aria waving her hand while shouting GOODBYE!

I Met Him On Facebook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon