Charles' POV
Dahil nga sa tawag ng kalikasan, ayun kinailangan kong pumunta sa may CR malapit sa gym.
Kaso pagbukas ko, iba ang nakita ko. At sana hindi ko na nakita pa.
"Ay shit." Sigaw niya.
"Sorry sorry." Sabay sara ko. Shit. Ano yung nakita ko? Bakit ang laki? Ay shit shit shit. Kadiri! Pwe!
Parang nawala ang tawag ng kalikasan sa akin. Parang nawalan ng laman ang pantog ko nang dahil sa nakita ko. Ay shit. Erase erase. Hindi ko na dapat isipin iyon.
Pumunta na lang ako sa gym. Pagdating ko, ang daming mga tao. Yung iba siguro mag-aaudition, yung iba naman ata ay manunuod lang. May dala pang banner eh. In demand ata ang sumali sa prg na ito. Matagal ko nang naririnig ang org na ito sa ibang studyante, specifically mga babae at bakla. Eh paano ba naman, puro guwapo kuno anv sumasayaw. Tsss. Kaya ayokong sumali eh. Overqualified ako eh. Hangin mo bro! Manahimik ka na lang diyan.
Nang makarating na ako sa loob ng gym, hinanap na agad ng mga mata ko ang pinakamatalik kong kai----
"Charles! Dito!" Sabi ko nga, andyan na siya eh.
Pagkalapit na pagkalapit niya sa kinaroroonan ko, bigla niya akong inakbayan.
"Buti naman nakarating ka." So ganun, inaasahan niya talagang posibleng hindi ako makarating sa kung ano mang kadahilanan ko?
"Oh edi aalis na lang ako." Sabi ko at akmang aalis na.
"Joke lang. Halika na magregister ka na." Sabay hila sa akin papunta sa harap ng pila. Pinagtitinginan naman ako ng mga nakapila. Parang sinasabi ng mga mata nila na sumisingit ako.
"Pwede naman akong pumila eh. Ayokong pa-VIP." sabi ko sa kaniya na pilit na hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Akong bahala sa iyo." Sabi niya. Nagdirediretso na kami sa harap ng pila. Nang makarating na kami sa harap, nakipagusap pa siya sa nag-aassist.
"Bro! Musta?" Sabi ng nag-aassist.
"Ayos lang bro, nga pala, ireregister ko lang 'tong kaibigan ko ha." Wika ni Prince.
Tinignan naman ako ng nag-aassist. Bahagya siyang nagulat nang makita niya ako.
"Siya na ba yun?" Takang tanong nung nag-aassist kay Prince.
"Ah oo, siya na nga." Sabay kinindatan niya ito. Nagtaka naman ako. Anong meron sa akin? At anong, siya na nga? May balak bang masama ang mga 'to sa akin? Nako nako ha, hindi nila alam kung sino ako.
Pagkatapos kong magregister, pumunta na kami sa parang backstage. Naupo muna ako sa parang bench dun at hinihintay na matawag ang number ko. Si Prince ay umalis muna kasi may aasikasuhin daw. Ako naman, habang nakaupo, pilit na inaalala ang mga steps na prinactice ko kagabi. Takte ha! Overnight kong prinactice ang mga bagong steps na ipapakita ko sa lahat. Syempre, kailangan kong mag-effort ng kaunti no. Sawa na ako sa mga very common na steps kaya nag-isip ako ng bago. Ang sasayawin ko ay Worth it ng Fifth Harmony. Sabi ng mga classmates ko nung high school, malambot daw akong sumayaw. Syempre no! At saka very seductive daw. Oha! We? Hindi nga?
Nung number ko na ang natawag, pumunta na ako sa stage. Pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa stage, nagulat ako. Hindi ko aakalaing napakadaming tao ang manunuod sa mga auditionees. Dinapuan naman ako ng kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba! Magback-put na lang kaya ako? Baliw, hindi na pupwede! Bakit naman hindi? Magagalit si Prince. Ay oo nga, nangako na ako dun sa damuhong iyon. At saka sayang yung lunch for this sem. Kaya nagcontinue na ako sa paglalakad. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko si Prince sa gilid at nag-ok sign pa siya. Shit. Manunuod siya. Para tuloy nanghihina ang tuhod ko. Humarap na ako sa mga parang judges. Sila kasi ang pipili kung sino ang mga magiging bagong member sa org nila.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Love [boyxboy]
Teen FictionSa bawat ritmo ng musika ay siya ring pagsabay ng tibok ng aking puso. Ako si Charles Quijano at ito ang aking kuwento. This is a boyxboy story, you've been warned.