"Sa wakas, dalawang linggo na lang graduation na!" Rizmar Labios exclaimed.
Katatapos lang ng final exam nila sa exam nila sa Perpetual Cavite Institue. At halos dalawang lingo na lang ay graduation nila.
"Oo pare! Isang hakbang na lang makakaalis na talaga tayo sa pigging mga totoy. Magiging mga college students na tayo. At pagkatapos nun, magiging engineer ka na, ako naman piloto. Ang saya nu'n pare!" tugon naman ni Archie Vergara.
"Konti na lang matutupad na natin ang mga pangarap natin, pre," aniya. Sa may fountain sila ng indang plaza dumiretso gamit ang motor ni Archie pagkalabas nila ng campus. Bumaba na siya mula sa motor at naglakad patungo sa fountain upang maghilamos.
"Oo nga pala pare, pumayag na si Bunny na makipagdate sa akin."
Napatigil si Rizmar sa paghihilamos sa malinis na tubig dahl sa narinig. Hindi niya alam kung haharap ba siya sa binata o mananatili na lang na nakatalikod mula dito upang itago ang reaksyon ng mukha niya. Archie was talking about Bianca "Bunny" Manzano, the girl-next-door ng campus nila. She got the perfect shape of body and the perfect combination of eyes and lips. Her nose is not even a typical nose of a Filipina. In short, for Rizmar, Bunny is an example of a perfect woman creature.
"Oh pare, tara na." Boses ni Archie na nagpabalik sa gunita ni Rizmar sa kasalukuyan.
"S-saan?" parang gulat na tanong niya dito bago tinuyo ng panyo ang basang mukha at humarap sa binata.
"Ha? Uuwi, 'di ba sasabay ka sa akin?" natatawang tugon nito habang muling isinusuot ang hinubad na helmet.
Pumayag na si Bunny na makipagdate sa akin. Parang nag-echo sa isipan niya ang sinabing iyon ni Archie kanina.
"Hindi na. Dadaan pa pala ako ng Mercury, bibili ako ng vitamin C, nagiging sipunin kasi ako lately. Dadaanan mo pa si Abet sa tindahan ninyo 'di ba?" Ang nakababatang kapatid nito ang tinutukoy nya.
"Sigurado ka ba, pare?" muling tanong nito bago binuhay ang makina ng motorsiklo.
Nakangiti naman siyang tumango bilang tugon ditto.
"Okey, para doon na rin ako sa shortcut na daang ilog dadaan. Ayaw mo kasing dumadaan doon kaya hindi ako nakakapagshort cut kapag kasama kita," natatawang sabi ni Archie. "Sige pare."
Hindi niya alam kung bakit tila nag-slow motion ang lahat sa paningin niya. Mula sa pagpapaalam ng binata hanggang sa pagpapaandar nito ng motorsiklo palayo mula sa kinatatayuan niya.
"Weird..." Nakakunot noong bulong niya ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya. "Itutuloy pala niya talaga ang panliligaw kay Bunny," wala sa loob na bulong niya bago naglakad patungong Mercury Drugstore.
Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyong kapit. Maglalakd patungong langit..
Ang kanta ng Spongecola na "Bitiw" na ringtone ni Rizmar sa cellphone ang gumising sa kanya. Napatingin siya sa relong suot, ala sais pa lang ng gabi. Nakatulog pala siya pagkauwi niya ng bahay galing drugstore kanina.
"Bunny?" takang saad niya ng i-check kung sino ang caller na gumising sa kanya.
"H-hello, Rizmar?" bakas sa boses ni Bunny ang pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Black Coin
Short StoryP-paano kung... Paano kung mamamatay ka na. And then I was given a chance na iligtas ka mula sa kamatayan, kaya lang sa tuwing ililigtas kita may napapahamak na iba. May ibang namamatay kasama mo. Gugustuhin mo pa ba na iligtas kita sa kamatayan?