chapter 4

4 0 0
                                    

"gising na 'nak. baka malate ka." sabi ni mama habang niyuyogyog ang mga balikat ko.

himala ata at hindi mahaba ang litanya niya ngayon. napansin ko rin na matamlay siya at parang umiyak yata.

"ma--" hindi pa ako nakakapagtanong ay pinutol na niya agad ang sasabihin ko.

"okay lang ako." sabi ni mama.

siguro tungkol to dun sa napagusapan namin kagabi. siguro tungkol to kay dad. siguro nga may feelings pa rin si mama para sakanya.

puro siguro. walang kasiguraduhan. bahala na. bahala na kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.

Hopeless No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon