"Magkaibigan lang kami." Palagi kong sinasabi sa mga taong malis :). Typical na magkakilala lang, hanggang sa naging matalik na magkaibigan, "BESTFRIENDS" kung baga. Masayang tawanan, asaran, kulitan at tamang pikunan kung minsan. Tatakbuhan ka pag may problema, siyempre andyan ka para damayan siya sa lahat ng bagay, kaya nga "BESTFRIENDS" di ba? Lahat ibibigay mo para sumaya ang isa.
college na ko nung naging magkaibigan kami.. Noong una hindi ko talaga gusto buong pagkatao niya, siya yung taong hindi mo matitiis na makasama sa tanan ng buhay mo. Isipin mo ha.. mayabang, makulit, mapang-asar, mapang-lait, akala mo nman kung sinong perpekto. Hindi ko nga alam kung paano nagsimula ang lahat sa amin.
Hindi pa kami magkakilala noon..may kanya kanya kaming buhay,hindi ko talaga maisip na magiging magkaibigan kami. hindi ko nga sya pinapansin nun ee.. mainit kasi dugo ko sa mga taong mayayabang.. saka isa pa
May priority kasi ako noong mga oras na yun, hindi ko siya kinakausap o nakakasama man lng..wala kase kong panahon sa iba nun, dahil sa ibang tao umiikot mundo ko at siya din. hanggang sa dumating yung araw na naeenjoy namen yung company ng bawat isa..hanggang sa isang araw ayun nga naging friends kami.. di lang basta friend.. with matching best pa.. ohaah!
Dumating pa nga yung time na lahat ng tropa duda na kung tlgang magbestfriend lang ba tlga kami..dahil nga sobrang close namen na di mu na mapaghihiwalay..pero dumating din yung time na Kailangan isacrifice ng kaunti yung friendship para walang magalit at mag duda. Hindi ko nga alam kung bakit simula noong naging magkaibigan kami marami ng nagsasabi na parang iba yung turingan namin.
Hindi namin pinansin yun, iba ang mundo namin nung kaibigan ko. Parang kami lang ata ang kayang mabuhay sa mundong ginawa namin :) Halos parehas kami ng hilig (medyo parehas), marami din kaming pagkakatulad. Ibang trip gusto namin, "adventure" yung may thrill palagi :) Nagawa na namin yun, ito kasing kaibigan ko nagpasama, (eh anu ba role ko? :) samahan siya). Samahan sa isang lugar na hindi namin alam, parang mundo na bigla na lang lumitaw sa harap ng mga mata namin. Naglakad kami, pinagtinginan ng tao. Sa wakas nakarating din kami. . . umuwi. Bumilis ang oras at parang ayaw ng maghiwalay. Walang magawa, may pasok pa bukas. "Kita na lang tayo ulit. . . :) "
Bago matulog at paggising, paramdam agad niya ang makikita mo. Hindi lang naman puro saya meron sa friendship namin... dumating din yung oras na naging malungkot siya, may problema daw... (sa lovelife), to the rescue naman ako :) todo advice para lumakas loob niya at maging ayos na ang lahat.
Mahirap kasing makitang malungkot ang isa sa amin. Kaya dapat give your best shot :) Dumating din yung point na kung saan ako naman ang nangailangan ng karamay. Andyan siya at hindi niya din ako pinabayaan katulad ng ginawa ko. May oras na kailangan ko ng bitawan yung taong priority ko, hindi dahil pagod na ako dahil hindi niya ako kayang ipaglaban. Mahirap bitawan yung taong naging priority mo for almost a years.
Dumaan ang segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. lumipat kami ng bahay,at tuluyan ng nagkahiwalay ng landas at nawalan na din ng komunikasyon. Nagaral ako, ganun din siya. Hindi na nakapagpaalam sa isa't-isa dahil siguro napagtanto namin na hindi na tatagal kung anu man yung napagsamahan namin dati.
Isang ordinaryong araw, bigla siyang nagparamdam na parang multo (wala na kaming komunikasyon kaya hindi ko alam kung sino yung taong yun).
Nagpakilala siya, "kape" ko daw siya, bigla kong banat "kape?! tao na ba yun ngayon?! :)"
Simula noon palagi na ulit kaming nagkakausap. Kahit magkalayo kami andyan pa rin ang bawat isa sa amin para dumamay. Pag magkausap kami, bumabalik kami sa oras kung saan magkatabi kami sa upuan at naguusap. Wanto sawang kulitan nanaman to :) matagal din kasing hindi nakapagusap.
Halos umikot na ang mundo ko kay "BESTFRIEND". Siya na kasi yung palaging andyan para sa akin., naging teacher, adviser, magulang, ate at kuya :) all in one. Package deal na di ba? :)
Isang araw umamin si "BESTFRIEND" sa akin. kahit may idea na ko kung anu yun,deadma lang din ako... Bigla niya sa aking sinabi na gusto niya daw ako, binalot ako ng galak at medyo nag alangan din. "Kaibigan ko siya, hnd ba yun nakakailang?"
Ilang buwan na ang lumipas. . .nagkita na ulit kami ng "BESTFRIEND" ko :)
October 1, 2009 birthday ko yun..
Isang masayang araw, nagkita na ulit kami :). Umuwi at nagusap ulit sa "tambayan". Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Bigla siyang nagsalita at nagtanong.. Nagulat ako at walang naisagot, blangko ang lahat... nag joke, nagtawanan. (parang nanood lang ng commercial at natapos.) kami na ulit yung palabas. bigla ko siyang niyakap ,bumulong ako, sinabi ko yung salitang minsan lang mabanggit ng mga katulad kong chill lang sa buhay :) Natahimik kami, parang may dumaan na anghel. Pagkatapos... nagpaalam siya sa akin at ako din. "Gabi na pala, kailangan ng umuwi." Sa mga oras na yun hindi pumasok sa isip namin na magiging kami, baka nadadala lang kami sa emosyon ng bawat isa.
Ang araw ay dumaan... Iba pa rin pala nasa isip niya... nakakalungkot. Bigla ko ngang naisip na lumayo baka sakaling marealized niya kung ano ba talaga ako para sakanya, si "bestfriend?" baka ginagawa niya lang ang lahat ng ito dahil alam niyang hindi ko siyang kayang iwan dahil si "BESTFRIEND" sa simula't- simula pa lang andyan na para damayan ka.
Natapos ang lahat. . . .
Nagulat na lang ako sa mga nalaman ko, lilipat na ulet kami ng bahay magkakasama na ulet kami ng matagal, sa wakas.. konting paglalakbay nalang gagawin ko :)
Sabaday moments palagi trip namin nito ni "cof", walang pasok eh.. tambay qng saan lakad doon at lakad din dito. Pumatak ang 9: 30, may kailangan na magpaalam gabi na kasi, linggo na bukas. "Sa sabado ulit. Ingat ka :-*. Magttx na lang ako."
** Sa taong yun. Alam kong madami akong pagkukulang. Salamat sa pagpapahalaga.ILOVEYOUSOMUCH JHAP :)