Charles' POV
"Aray ko! Usog ka! I-shoot mo ng maigi!" Ano ba naman 'tong tukmol na ito! Hindi marunong.
"Ikaw nga ang hindi marunong diyan eh!" Sabay tulak sa akin. Aray ha! Masakit.
Nandito kami ngayon sa Mall malapit sa school. Nasa arcades kami, naglalaro ng basketball. Eh itong mokong na ito hindi ata marunong. Muntanga lang eh. Puro sablay ang tira.
Nang matapos ang time, hindi kami nakaabot ng Stage 3 kasi kapos sa score. Eh pano ba naman, hindi ako pinapatira nitong mokong na ito. Tapos puro sablay pa.
"Ano ba iyan. Ang weak naman. Ayaw kasing magpatira." Sabi ko.
"Eh ang kulit mo kasi eh, pano ako makakapagconcentrate?" Simangot niya.
"Ganito na lang. Pataasan tayo ng score. Walang pakialamanan ha. Tapos ang mananalo, pwedeng humiling ng wish sa natalo okie?" Aba. Tukmol ba ito? Bakit ang hilig niya sa mga pustahan ngayong araw? Tsss. Kilala niya ba talaga kung sino ang kinakalaban niya? Mamaya malampaso ko lang siya diyan. Hmmm, ano kayang pwedeng i-wish sa mokong na ito. Pwedeng mga materyal na bagay since mayaman naman ang loko. Hindi naman sa mahirap kami ah. May kaya lang.
Dahil sa alam kong mananalo ako, pumayag na lang ako sa kalokohan nito. Alam niyo naman ako, ayokong nagpapatalo sa baboon na ito.
"Sige ba."
"O sige, mauna ka na!" Naghulog siya ng token sa may machine. Ako naman, pumwesto na ako. Tinignan ko ang ring. At nang lumabas na ang mga bola, isa isa ko nang shinoot ang mga ito.
Tuloy tuloy lang ako sa pag-shoot. Hindi ko na lang iniisip kung may nanunood ba sa akin basta ang atensyon ko nasa ring lang. As much as possible, ayokong maalis ang tingin ko sa ring kasi baka mamaya mawala na ako sa focus.
Naka-abot ako sa last stage at 10 seconds na lang ang natitira. Siguro last tira ko na lang ngayon. Kaso biglang may bumulong na demonyo sa tenga ko.
"Mahal kita."
*sablay*
Ay futa! Papatayin ko ang tarantadong ito eh! Alam nang seryodo ako eh tapos kung ano ano ang pinagsasasabi. Tarantado!
Hinarap ko siya. Nanlilisik ang mata.
"Chill lang. Hahahaha" tawa niya. Hayop ka! Sayang yung isang tira na yun. Binatukan ko nga.
"Aray naman." Sabay kamot niya sa ulo.
"Siraulo ka." Hays sayang talaga yun. Pero ayos lang, alam ko namang mananalo ako sa mokong na ito. Isang tira lang yun. Naka 320 naman ako. Not bad. At alam kong hindi niya yun malalagpasan.
Pumunta na siya sa harap ng machine, naglagay ng token at sunod sunod na nag-shoot.
O.o
Nagulat ako. Napanganga. Walang mintis ang pag-shoot niya. Nagulat din ako sa itsura niya. Seryosong seryoso ang mukha niya. Pursigidong pursigido ang futa. Marami na ang nanunood sa kaniya. Pati nga mga staffs eh napahinto sa kung anong ginagawa nila.
"Wow ang galing niya!" Sabi ng nasa tabi ko.
"Oo nga, mas magaling pa sa nauna kanina." Wika naman ng kasama niya. Tado kayo! Andito lang ang pinag-uusapan niyo oh! Hayop. Oo na, magaling din pala ang loko.
Nang matapos ang time, lamang siya sa akin ng 10 points. Naka-330 siya. Aba hayop. Malas ata ako ngayong araw ah.
Lumapit siya sa akin ng nakangisi. Sinamaan ko ng tingin ang loko.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Love [boyxboy]
Teen FictionSa bawat ritmo ng musika ay siya ring pagsabay ng tibok ng aking puso. Ako si Charles Quijano at ito ang aking kuwento. This is a boyxboy story, you've been warned.