Sana

15 3 3
                                    

Sana ako na lang. Sana ako yung nasa puso mo, yung nagpapasaya sayo, at sana ako na lang yung minahal mo.

Ano bang kulang? Pagmamahal ba? Kaya kitang mahalin nang higit pa sa buhay ko pero mas pinili mo ang iba.




Kaya kong suwayin ang lahat makasama lang kita. Makapiling lang kita.




Pati nga kaibigan ko inaway ko para sayo. Ewan ko ba. Patay na patay ako.




Nung una sabi ko, infatuation lang 'to. Wala lang 'to. Mababaw lang. Kayang kayang kalimutan.



Kaso sana yung paglimot ko sayo kasing-dali lang tulad nung iniwan mo ako.




Sana... Di ako nahihirapan itago 'to.


Sana ... Masaya ka na sa kanya.

Sana…Masaya rin ako tulad mo.



Sana ... Hindi dumating yung panahon na kung kailan nakaahon na ako... Dun mo ako matututunan mahalin. Dun ka babalik sa akin.



Sana ... Di ka na lang dumating sa buhay ko.... Sana masaya pa ako... Sana normal pa ang takbo ng buhay, isip at puso ko.


Sana ... Di na lang kita nakilala. Para di ako nasasaktan nang ganito.



Pero sa ngayon. Ipinagdadasal ko pa rin. Sana, isang araw, ako naman ang mahalin mo. Sana ako naman yung pansinin mo. Sana ako naman yung piliin mo. Hindi yung isa lang ako sa mga option mo.





Sana isang araw, ipinagdadasal ko....





Sana...





Makalimutan na kita......

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon