Kelly's POV
This calls up for the second plan. Wanna know what it is? Well paseselosin lang naman ni Royette si Janus. Syempre papasok na sya dahil pag hindi, mapapatay ko sya ng wala sa oras. Not literally, but parang ganun na rin yun. Maaga ako ngayon sa school, syempre ang babes ko maaga dito yun kasi syempre SSG pres. yun. Swerte ko na lang kung makita ko sya ngayon.Nandito pala ako sa corridor, papuntang office ng SSG. At kung sineswerte ka nga naman, makakatagpo ko rin pala sya dito sa corridor. Tumakbo ako papunta sa kanya.
“Oh! Hi babes! Miss you na talaga!" sabi ko sabay yakap sa kanya. Tiningnan nya ako na para bang isa akong nakakadiring halimaw sa mundo. Marami-rami na ring estudyanteng naglalakad ngayon sa corridor. Ang iba nakatingin sa akin bilang malanding nilalang. Syempre hearthrob kaya dito si Babes, siguro nga alam na nilang may namamagitan kay Andrea at Janus. Wala akong pakialam!
Samantalang si Janus, pinalo niya ng marahan ang mga brasong pumulupot sa bewang nya. Wow! Ako naman ngayon ang napahiya. Mas tumalim ang tingin na ipinukol nya sa akin. Nagkaroon rin ng kaunting bulungan.
"Did you mean what happened at the cafeteria?" nanlilisik na matang sabi niya sa akin, halos pabulong but I smell warning in the way he said those words and in the way he stares. So, sinabi pala nung impaktang yun ang nangyari kahapon?! Wag kang magpahalatang kinakabahan Kelly. I cleared my throat.
"Ha? Anong sinasabi mo? Aksidente lang ang nangyari Babes. Maniwala ka sa akin. In fact, tinulungan ko pa nga sya, kaso nagmatigas sya." paawa ko.
Nagtanim ulit sya nang masamang tingin sa akin. Gosh, lupa ibaon mo na ako! Please! Marami-rami na ring naki-usyosong mga estudyante sa nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Janus.
"Sa oras na uulitin mo yung ginawa mo kahapon. Pasensyahan nalang tayo." pabulong niyang sabi and with that he left. Argghhh! I can never be defeated. Never! Asan na ba kasi yung Royette na yun! Makikita mo ang bunga ng pagpapahiya mo sa akin ngayon Janus!
“Anong tinitingin-tingin nyo?! Bitches!” sigaw ko sa mga chismosang kanina pa nanunuod sa nangyayari sa amin. Nagsi-alisan naman sila. I was left defeated here. Humanda ka na sa ngayon, Janus Uy! I'd make you suffer for what you've done.
Suddenly, my phone rangs. Royette calling...
I answered the call.
"Hello?" sabi ko rito.
"Here at the campus. Where are you?" he said. Duhh.
"Wala akong pakialam! Malapit ng magsimula ang klase! Mag-uusap tayo mamaya! Kbye!" pasigaw kong sagot rito. Hindi nya lang alam kung anong eksena ang ginawà namin kanina.
Kainis. Kainis.
Nagsimula na akong maglakad papuntang classroom. A good morning for me so far. Ha-ha. Its far from being good pala.
Janus's POV
"Andrea, we'll talk later okay?. Hang up the call. The class will start. Love you." hindi kami magkaklase. Pero magkatabi kami ng classroom. Nag-away pa kami kagabi dahil ayaw nyang sabihin sa akin ang nagyari sa kanya kahapon sa cafeteria. Nalaman ko kasing may nangyari sa kanya kahapon dahil sinabi ng Vice-Pres ko. A hard-headed girlfriend. But still, I love her.
Nagsimula nang mag-lecture ang adviser namin. Boring. That's the definition of this subject. Filipino? I'd rather sleep than to listen to this sadist teacher.
At the C A F E T E R I A...
BINABASA MO ANG
Barriers of LOVE
Short StoryHanggang saan ang inyong pagmamahalan? A twisted love story. #JanDrea shippers