Prologue

400 5 2
                                    


IT ALL started several years back, nine years to be exact. High school students kami ng mga kaibigan kong sina Nikki, Joan at Beau. We were so young and stupid to be so serious, and life was such an ultimate fun. Summer vacation going to senior year nang magplano kaming magbakasyon sa Tagaytay, sa ancestral house na pagmamay-ari ng family ni Joan.
"So, ano'ng plano natin for tonight?" Tanong ni Beau habang pabalik-balik na naglalakad sa sala.
"Ano'ng plano?" Nakakunot-noo kong tanong.
"Oh my gosh, Louise! Ano, bobo na? Plano! Ano'ng gagawin natin mamayang gabi?" Iritang sabi ni Beau.
"I badly need it. Super bored na kaya ako," sang-ayon naman dito ni Joan na nakaupo sa tabi ko sa mahabang couch.
"Can't we relax just this night? Tingin ko naman napuntahan na natin lahat. We've been to Taal Lake, Picnic Grove, People's Park..." nagsasalita pa 'ko pero pinutol na ni Beau ang sasabihin ko.
"Louise! Excuse me! Kung ikaw kaya mong magmukmok dito sa bahay kaharap yang mga libro mo, pwes kami, hindi!"
Bigla namang dumating si Nikki na galing sa balcony.
"Bakit kayo nagsisigawan?" Tanong niya.
"Wala kasi tayong itinerary for tonight. Kaya nagwawala si Beau," maikling paliwanag ni Joan.
"Well, I'll be fine just to sit here all night reading my books!" Mataray na sabi ko. Okay, I admit. Hindi naman talaga ako boring na tao, pero meron talaga akong aura na nagsasabing "di ko kailangan ng kausap ngayon" kapag mag hawak na 'kong libro.
"Eh di maiwan kang mag-isa dito!" Pikon na sagot ni Beau.
Sinamantala ni Nikki ang katahimikan para makapagsalita.
"Wait! Bakit nga ba hindi na lang tayo mag-stay dito sa bahay?" Nakangitin suggestion ni Nikki.
"No!" Sabay namang protesta nina Joan at Beau.
"Yes!" Sabay namang sabi namin ni Nikki, pero dinugtungan niya 'yon. "Let's do spirit of the glass."
Tahimik na nagtinginan sina Joan at Beau at saka tumili.
"OMG! Sige, masaya yan!"
"Yeah, Nikki, this is brilliant! Grabe, sana kanina mo pa naisip yan. I could've saved some arguments here," sabi ko. Hindi ko rin maikaila ang excitement.
Punong-puno ng excitement naming pinag-usapan ang gagawin naming spirit of the glass. Habang dino-drawing ni Nikki ang gagamitin naming sort of Ouija board, hindi naman maubusan si Beau ng mga itatanong sa spirit, mula sa kung sino nga ba talaga ang unang lalaki sa buhay ni Maria Ozawa hanggang sa kung magkakaroon ba siya ng chance na magkaroon ng private moment behind closed doors ni Jerry Yan.
"Ambisyosa ka talaga Beau!" Natatawang sabi ni Joan sa mga tanong na nabubuo sa utak ng kaibigan. "Basta ako, gusto kong malaman kung sino ang mapapangasawa ko." Kinikilig na dugtong nito.
"Well, ako... excited ako sa kung sino ang makakasama ni Louise in the future." Nakangiting sabi ni Nikki.
"Sino pa, eh di tayo pa rin malamang. She doesn't need a man," sabi ni Beau.
That's one of the things I love about him.
Nang gumabi na ay pinalibutan na namin ang Ouija board, at matapos ang ilang seremonya na ginawa ni Nikki, nagsimula nang magtanong si Beau.
"Hello? Mr. Spirit? Are you there na ba?"
Hindi ko alam kung bakit Mr. Spirit ang sinabi ni Beau. Pwede namang Miss. Or Mrs. Spirit.
"Yes, are you there?" Tanong din ni Joan.
And there was silence.
Tumingin si Beau kay Nikki, nakakunot ang noo at feeling ko ay gusto na nitong itanong kung joke time lang ba ang lahat para itataob na lang niya ang lamesita kung saan nakapatong ang Ouija board at baka may mas exciting pang mangyari. Nakatingin lang si Joan kay Beau. Binaling ko ang tingin sa board. First time ko maglaro nito, at kailangan kong maniwala na hindi magfa-fail ang first time na 'to. I needed to hold on to beginner's luck in this situation.
And to my amazement, biglang gumalaw ang baso. I couldn't hide the delight in my eyes, and so tumingin ako kina Joan at Beau. Gone were the faces of frustration that they had just moments ago. Umusog ang baso at napunta ito sa bilog na may nakasulat na YES sa gitna. Nagtanong ulit si Beau.
"May darating bang lalaki na seryosong magmamahal sa 'kin?"
Hindi nagtagal nang gumalaw ulit ang baso. Unti-unti itong pumunta sa isa pang bilog na may nakasulat namang NO sa gitna.
"Ha? Teka, are you sure? Like are you really, really sure?" Naguguluhang tanong ni Beau. I knew what's on his mind, pero hindi na ko nagsalita. That was his moment. Then he turned to Nikki, as if asking for help.
"Magkakaroon ba ng ka-relasyon si Beau na pangmatagalan?" Tanong ulit ni Nikki na nakatingin sa baso.
Hindi gumalaw ang baso.
2 minutes.... 3 minutes...
"I guess it's saying 'no'..." Sabi ni Joan. Nakita ko na pinisil niya ang kamay ni Beau to pacify him, pero bumalik nang muli ang frustration sa mukha ni Beau. "Ako magkakaroon na ba 'ko ng fiancé after college?" Tanong ni Joan sa baso.
Dahan-dahan uling umusog ang baso para sa YES.
"OMG!" Excited na sabi ni Joan. "Can I have a name?" Nakangiting tanong niya.
Gumalaw ulit ang baso, and it went to the letters. First, D. Umusog ulit ang baso. A. Sinundan ng V. Tapos I, then D.
"David! David ang pangalan ng magiging fiancé ko." Kilig na kilig na sabi ni Joan.
"Ano'ng last name?" Tanong ko.
Gumalaw ulit ang baso. G-O-N-Z-A-L-E-Z.
"David Gonzalez? At sa'n mo naman kaya makikilala ang taong yan? Naku ah... Baka mamaya psycho killer yan," comment na Beau.
Hindi na namin pinansin ang comment ni Beau. We were so full of excitement na hindi na namin nakayanang tumanggap ng negative comments from anyone.
And so it was Nikki's turn to ask. Robert Rivera naman ang ini-spell out ng baso na pangalan ng lalaking mame-meet niya in five years.
Hindi ko alam kung bakit, pero for some reason, the game started to creep me out. I mean, knowing your future sounded fun, but then what if? Paano kung...
"Hey, Louise, it's your turn!" Nikki interrupted my thoughts. It was my turn to ask.
"Ano'ng pangalan ng soulmate ko?" Pabulong kong tanong.
Again, there was silence.
"I knew it! Joke time lang yan Louise! Don't push your hopes too high." Sabi ni Beau.
I saw a flicker of hope sa mga mata ni Beau. Alam kong nakakita siya ng kakampi in me, kasi pareho na kami ngayong walang maayos na sagot na nakuha from the spirit.
Naghintay pa kami ng ilang minuto. I wanted to end it. But then, to our surprise, dahan-dahang gumalaw ang baso.
"Nag-isip pa siya ng magandang pangalan na pwedeng ibigay. Yung mejo appealing," sarcastic at nakataas ang kilay na sabi ni Beau.
"Shhh!" Saway naman sa kanya nina Joan at Nikki habang tatlo kaming nakatingin sa baso at sinusundan ang bawat letrang ibinibigay nito.
Napalunok ako nang matapos ng baso ang spelling ng pangalan ng soulmate ko daw. Bumalik yung iniisip ko kanina. What if?
Tinapos na namin ang laro, and we decided to have a light snack before going to bed. Nagkatamaran na rin kaming magbukas pa ng ilaw, kaya dinala na lang namin ang loaf bread, cream cheese spread and mugs of hot chocolate sa sala kung saan kami naglaro. Nasa lamesita pa rin ang papel na ginamit namin as Ouija board, and the candles continued to flicker.
"Kelan ko kaya mami-meet si David?" Nakangiting tanong ni Joan to no one in particular.
"And how does my Robert look like?" Sabi naman ni Nikki.
"It was fun knowing their names, isn't it?" Sabi ko naman matapos makahigop ng hot chocolate.
"You think so?" Sabi ni Beau na kanina pa naka-pout.
"What, you don't believe any of it?" Tanong ni Joan.
"Girls, listen... that game was just a crap. None of us knows if those guys even exist!"
"Bitter ka lang kasi wala kang lovelife! Hahaha" Sabi ni Nikki.
Hindi na sumagot si Beau.
"Oh, well, what if these guys really exist? At ma-meet namin sila?" Tanong naman ni Joan.
"Mga ambisyosa!" Sagot ni Beau.
Pero sa totoo lang, skeptic din ako sa mga nangyari. Sino nga ba naman kasi ang pwedeng mag-predict sa future? And for goodness sake, kaluluwa ng isang taong namatay na ang supposedly na nagbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa hinaharap. Pa'no naman kaya yun magiging reliable?
I took a deep breath and uttered my soulmate's name.
Jason Marcelo.
Biglang umihip ang malakas na hangin. Namatay ang mga kandila at lumipad ang papel na ginamit namin as Ouija board na nasa harap ko.

Destiny Cheated MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon