Part I : HOY ! PANGET

10 0 0
                                    

Palabas na ako ng bahay nang naalala kong may nakalimutan pala ako (magulo ba ?)

Agad agad akong bumalik sa loob at kinuha ang isang maliit na bag na kulay dark brown sa ibabaw ng maliit na mesa ko

"Bye yaya !" Sigaw ko kay yaya at tuluyan ng lumabas sa gate.

Napansin ko naman na may nakatingin sakin pag labas ko sa gate. #assume.

dala dala ko ang maliit na bag habang naglalakad.

Ako pala si Jeana Reyes na ngayon ay Papunta na ngSchool. Well, alone. Malapit lang naman ang school ko sa bahay ko e and wala akong kaibigan.

Dalawa lang kami ni yaya na nakatira sa bahay ko. Actually sa probinsya talaga ako nakatira. May malawak kaming lupain doon pero kinailangan ko dito mag aral ng highschool dahil nahihirapan ako doon. Kaya ipinasama nalang ni dada yung isa naming kasambahay para daw may mag alaga sakin.

Habang nasa gilid ng daan. Binuksan ko yung bag at kinuha ang eyeglasses ko at isinuot. Inayos ko din ng kaunti ang mahabang buhok ko at ang bangs ko dahil nakalimutan kong magsuklay.

Pag pasok ko palang ng gate sa school ay pinagtitinginan na nila ako. Dahil siguro panget ako ? Ewan

Payuko akong naglakad papuntang room namin.

"Good morning class" bati sa amin ng kakapasok lang na guro. Binati din namin sya at nagsiupo.

Naramdaman ko naman na may sumipa sa upuan ko sa likuran kaya nilingon ko yung nakaupo sa likuran ko.

"Hoy ! Panget ! Iusog mo nga ulo mo ! Di ko makita si maam"- reklamo ni johan kaya yumuko naman ako ng kaunti.

Pinagtitimpian ko lang ang johan nayan. Simula pa ng pasukan HOY PANGET ang bungad saken ? Hiya naman ang butiki sa kagwapohan niya ?! Tss. Pabayaan.

3rd year high na ako. 15 yrs old. Mabait,mahinhin,loner,tahimik,mahaba ang pasensya at panget ? Kung di lang ako mabait e !

Maya maya nagpaQuiz si maam.

Sa kalagitnaan ng Quiz...

"Hoy ! Panget ! Anong sagot number 7 ?!" Bulong niya sa likuran ko kaya napa roll eyes naman ako sa papel ko at nilingon siya.

"Mukha mo !" Sabi ko naman sakanya at binalik na ulit ang tingin sa papel ko. Nakakainis na tong johan nato ah !! At ang kapal pa ng mukha niyang humingi sakin ng sagot. HINDI KAMI CLOSE TSS

"Eh ! Hindi naman GWAPO ang sagot ee !" at diniinan pa niya ang GWAPO. Nangarap siya.

"Hindi talaga kasi PANGET ang sagot jan !" Sabi ko ulit sakanya habang unti unting nagkasalubong ang kilay ko.

Nauubusan na ako ng pasensya sa taong to...

"Hindi din naman IKAW ang sagot ah ?' Sabay smirk pa niya sakin
.. Yung totoo ?! Sinisira niya mood ko !

Tiningnan ko siya ng masama habang siya naman ay ngiting ngiti

"Ms.Reyes and mr.Jin !! Are you done ?!" Napatingin naman ako sa harapan kong san nakaupo si maam at parang galit itong nakatingin samin..

"Not yet maam." Sabi ko at nag answer na.

Grabe pa naman yan magalit si maam.

Pagkatapos ng subject nayon ay Math na ang sunod kaya kinuha kuna ang book ko.

Nag discuss lang naman si sir at pinaalalang may activity bukas bago umalis.

*krrriiiiiingggg*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[oneshot] "HOY ! PANGET"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon