Secret 10
Im JaebumNg gabing nagkausap kami ni Dahyun ay hindi na mawala sa isip ko ang mga sinabi niya.
From : Kassandra
Umalis na si Dahyun kinuha na lahat ng mga damit niyaKusang tumulo ang mga luha ko pagkabasa sa text ni Kassi. Umalis na siya. Iniwan na niya ako. Wala na ang babaeng dahilan ng lahat ng pagsisikap ko.
"Kailan ba nangyari ang pag-alis alis ni Dahyun?" Pinipilit kong magpakatatag sa harap ni Kassi. Ayokong umiyak sa harapan niya at magmukhang mahina.
"Mga dalawang linggo pagkapanganak niya kay Iseul. Pasensya na JB hindi ko agad nasabi sayo"
"Ayos lang, Kassi. Pwede bang ikaw muna ang tumingin tingin sa mga bata? Magpapadala na lang ako ng magiging kasama niyo dito sa bahay para hindi ka mahirapan" tumayo ako at nagpunas ng luha. Hindi ko pala kaya. Ang sakit sakit. "Mauuna na ako, Kassi ha? May trabaho pa kasi ako. Ikaw na muna bahala sa kanila"
Dear Oppa,
Hi mahal! Alam ko sobrang masasaktan ka sa pag-alis ko. Oppa sorry ha? Natatakot kasi ako na kapag hindi ako umalis at iwan kayo, hindi ko matutupad ang mga pangarap ko. Oppa may mga gusto rin akong makamit sa buhay at kayo ng mga bata ang nagsisilbing hadlang upang makamit ko ito. Masakit oppa kasi ikaw lang ang nagbebenefit sa relasyon nating dalawa. Ikaw lang ang nagiging masaya. Oppa paano naman ako? Napakabata ko pa para maging ina pero wala akong nagawa kasi mahal kita. At natatakot ako na baka dumami lang ang anak ko ng wala akong naging silbi. Oppa maraming salamat sa lahat lahat. Hindi kita makakalimutan. Alam kong hindi mo pababayaan ang mga bata kaya iiwan ko na sila sayo. Mahal na mahal kita oppa. Pakisabi na rin sa mga bata na mahal na mahal ko sila.Kim Dahyun.
Lalong tumulo ang mga luha ko sa pagbasa ko sa sulat ni Dahyun. Napakasama ko ba dahil sa ginawa ko? Napakasama ko ba dahil pinilit ko siyang sumama sa akin dati?
Inagaw ko kay Dahyun ang karapatan niyang maging masaya. Ang karapatan niyang abutin ang mga pangarap niya.
Sinira ko ang lahat lahat sa kanya sa pamamagitan ng pambubuntis sa kanya. Akala ko kasi masaya si Dahyun. Akala ko kasi hindi na niya ako iiwan kapag nagkaroon kami ng anak. Akala ko kasi....
"Tangina puro ako akala! Tangina!" Sigaw ko sa loob ng dorm at hindi ako natatakot na may makarinig sa akin.
"Dahyun ko....mahal na mahal kita..patawarin mo ko" Para akong baliw na kinakausap ang litrato namin ni Dahyun. Ang huling litrato namin ng magkasama.
---
Kim Dahyun"Uy Dahyun! Tara practice na tayo!" Aya sa akin ni Mina na nakapagpatigil sa akin sa pagtitig sa litrato namin nila oppa na magkakasama.
Kakayanin ko to. Kakayanin ko ang pagiging trainee at magiging idol din ako. Oppa, hintayin mo ako, tutuparin ko ang mga pangarap mo.
BINABASA MO ANG
The Secret Life Of Im Jaebum
RomansaWhat is Im Jaebum's darkest secret that even his members doesn't know?