I Love You. Forever.

36 0 1
                                    

Ang araw ay suminag, binuksan ng mga kaibigan ko na parang kuya ko na rin ang mga bintana sa kwarto ko,

“Hoy Jung Daehyun! Gumising ka na dyan!” Sigaw ni Yongguk-hyung. Humikab lang ako sa kanya bilang sagot sabay higa ulit, “Pwede ba, wag mo na nga akong artehan dyan! Gumising ka na!”

“Hays! Oo na etoh na po gising na po” sagot ko naman

“Bilisan mo kung di hindi na tayo makakain ng umagahan, baka ma late pa tayo sa school” sabi nya

Iniling ko na lang ang ulo ko sabay tingin sa larawan na nasa gilid ng kama ko, namimiss ko na talaga sya. 9 months na syang wala, pero hindi ko pa rin sya makalimutan, “Good Morning, Minhyun” sabi ko sabay halik sa larawan.

“Bilisan mo na!!” Si Himchan-hyung naman ang tumawag kaya tumayo na ako bago pa sya magalit.

Pagbaba ko nandun na si Jongup, Zelo at Youngjae.

“Good Morning Hyung” sabi nilang tatlo ng sabay sabay, “Good Morning din” sabi ko sa kanila sabay ngiti.

Pagkadating namin sa school sya nanaman ang pumasok sa isip ko, alam kong wala na sya pero kahit ganun, sya pa rin ang babae na nasa puso’t isip ko at hindi na mababago yun.

Kapag talaga bored ang bagal ng oras, pero ngayon uwiaan na namin, mauuna ako umuwi kayla hyung kasi may practice pa sila ng soccer eh. Habang naglalakad ako pauwi, nakita ko yung park kung san kami unang nagkita at hindi ko maiwasan na ngumiti. Umiling ako at pinigilan ang sarili ko na balikan ang mga nangyari noon, sabi nga nila hyung, kalimutan ko na sya kasi hindi na sya babalik pa. Pero ano kaya ang ginawa ni Minhyun at hindi ko sya makalimutan?

Hindi ko na alam ko ano ang sunod na nangyari, nakita ko na lang ang sarili ko na naka pwesto sa special place namin sa Café.

“Uhm…Sir, ano pong order nila?” lumapit sa kin ang isang babae na crew dito sa café, wala syang pinagbago, katulad pa rin ng dati,

“Yung dating order pa rin po ba?” tanong nya at tumungo ako, “2 cappuccino po at 2 cheesecake?”

“Hindi, isa na lang. Isang cappuccino at 1 cheesecake na lang.” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa kin na nagtataka at nginitian ko na lang sya.

Hindi ko pa rin maiwasan, hangang ngayon sya pa rin ang inspirasyon ko, sya pa rin ang dahilan kung bakit ako laging nasa taas, kung bakit ako ganito ngayon.

Kahit saan ako pumunta, sya pa rin ang naiisip at nakikita ko. Kahit sa umaga pag gising, sya ang nakikita ko. Hindi si hyung.

Flashback 4 years ago;

Naglalakad ako pauwi dala ang mga gamit ni Himchan at Yongguk hyung. Mukha akong ewan dito ngayon sa dami ng bitbit ko. “Sila Himchan hyu-” napatigil ako sabay bagsak ng lahat ng gamit ko pati na rin ang sarili ko sa sahig,

“Ano ba! Pwede ba sa susunod tumingin ka naman sa dinadaan mo!” nasigawan ko sya, “So-sorry, pasensya na, nagmamadali kasi ako eh” akala ko lalaki kaya nasagawan ko,

“Si-sige ayos lang, basta sa susunod mag ingat ka” sabi ko sa kanya, ngumiti lang sya at tumango, “Thank you” sabi nya sabay daan sa gilid ko.

Ang boses nya ay parang boses ng isang anghel, napakaganda nya kapag ngumingiti.

Akala ko nababaliw lang ako pero bakit hangang pagka-uwi ko sya pa rin ang nasa isip ko at ang boses nya pa rin ang tumutugtog sa tenga ko.

Nagdesisyon ako na hanapin sya, at isang himala na kaklase ko pala sya sa History class, pero bakit parang ngayon ko lang sya nakilala?

I Love You. Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon