Fake Couple 2

17 2 0
                                    

"Be my fake girlfriend" HANUDAW?


"Huh? seryoso ka ? Girlfriend? As in Jowa? Nakadrugs ka ba?" gulat kong tanong sa kanya.


"Oo Girlfriend, jowa , kasintahan o kahit ano pang itawag mo dyan, PERO di katulad ng ibang relationship na iniisip mo. kasi ang saatin panggap lang para paselosin si Sam, FAKE COUPLE kumbaga!" pagpapaliwanag niya.


"Gago ka ba? Panu kung di magselos? tyaka basta may word na COUPLE ayoko. Sa tanang buhay ko nga di pa ako nagkakaboyfriend o jowa tapos ngayon ito..... itoooo yung ipapagawa mo sakin? May instant JOWA ako?" maktol ko sa kanya.


"Wag kang mag alala no love attach, you just need to pretend so di mo siya kailangan ibilang as one of your boyfriend's.. pwera na lang kung mainlove ka sakin at gusto mo akong ipagmayabang bilang ex mo. Sa gwapo ko ba namang to, di na ako magtataka." ngisi niyang sabi


"Hindi.... hindi yun mangyayari kasi HINDI AKO PAPAYAG! A-Y-O-K-O!"


"Sabi mo gagawin mo lahat. Matulungan mo lang akong ibalik yung SINIRA MONG RELASYON" pagdidiin niya ng salita sa huli.


"So nangbablackmail ka ganun? Pumayag nga ako pero hindi sa ganitong paraan. AYOKO! KAYA BINABAWI KO NA YUNG SINASABI KO!" 


"Bakit ba ayaw mo? Itong paraan na lang ang alam kong pwedeng gawin. Unless natatakot kang tuluyang mainlove sakin?" ngisi niyang sabi.


"HUH! Lakas din ng apog mo! NEVER PO AKONG MAGKAKAGUSTO SAYO!" kapal din naman niya. Ano akala niya sakin LOW STANDARDS para mainlove sa kanya? Neknek niya!


"Then prove it! Patunayan mong di ka nga maiinlove sakin! Pumayag kang maging Fake couple tayo. Tingnan natin kung di ka nga maiinlove sakin" aba aba! Hinahamon ata ako ng lalaking to! HUH! baka di niya kilala ang hinahamon niya! Wala ata akong inuurungan!


"HUH! Sige! Call! DI AKO MAIINLOVE SA LOW STANDARD NA GAYA MO!Baka ikaw pa nga ang maiinlove sakin dyan" pagmamayabang ako.


"Hindi yun mangyayari! Remember kung bat ko to ginagawa? Dahil kay SAMANTHA lang!"


"Wala akong pakialam! Basta pag ako hindi nainlove sayo hanggang sa matapos to. Ibibigay mo sakin yang motor mo!" ngisi kong sabi. Mayaman naman siya eh kaya ok lang na hingin ko ang motor niya, buti nga di yung Terrano niya pinag interesan ko eh!


"Deal! At pag ako ang nanalo you'll be my slave/tutor/financer for a month at ibibigay mo sakin ang account mo sa COC!" TANGNA! wag ang COC ko! 


"Kailangan ba talaga pati yung sa COC? Putragis naman! OO NA! DEAL" di naman yan mangyayari eh. Never naman kasi akong magkakagusto sa kanya. 


"Let's make a contract!" sabi niya sabay hila niya sakin sa may gym ng school.



*** GYM ***


"RULE # 1 - We should act sweet to each other when Sam or Sam's friend are around" paninimula niya

Fake CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon