Magkabila man ang ating mundo..

39 0 0
                                    

"Nix! Lumabas ka na dyan at isuot mo na yang helmet mo, dali!" yan si Kim, ang pinakamamahal kong boyprend . Oo, may boyprend na po ako sa edad kong katorse. Pero teka, hindi po ako matutulad kay Nene ha? LOL. Sinundo niya ako sa bahay kasi pupunta kami sa birthday ng kapatid niya. Oh diba ang sweet? Haha.

"Teka lang Kim, hindi ko makita yung regalo ko sa ate mo" eto kasing regalo nato, kung saan-saan pa nag-sususuot. Alam namang nagiging makakalimutin ako pag kinakabahan eh. Oo, kinakabahan po ako ngayon. Ipapakilala lang naman po ako ni Kim sa ibang miyembro ng pamilya nila. Mas mahaba pa yata buhok ko nito kay Sadako eh. Haha.

"Ay nako anak, nauna na kayang lumabas yung regalong hinahanap mo. Sige na, lumabas ka na at hinihintay ka na ni Kim" papa ko yun. Open relationship na kami eh. 

*clap-clap* Pero 3 months rin kaya naming tinago yun. Akala ko nga pag nalaman nila, paghihiwalayin nila kami. Buti nalang at naintindihan nila na sa panahon ngayon, natural nalang ang mga bagay na yan basta alam mo lang ang tama sa mali.

"Sige pa, alis na po kami" at lumabas na ako ng patakbo.

"Tandaan mo, alas onse impunto!" nasa labas na ako ng gate pero rinig na rinig ko parin ang sinabing iyon ni papa. Haaay nako. Ang papa ko talaga.

Papasok na kami sa isang hotel. Dito kasi ang venue nang birthday eh

"Kim, okay lang ba talaga mukha ko? Kailangan ko pa bang mag ayos? Mag re-touch? Ano? " kanina ko pa tanong ng tanong tong si Kim. Hindi talaga ako mapakali. 15 minutes lang naman kaming nakasakay sa motor na sobrang mahangin pa at hindi naman kami masyadong pinagtitinginan. Bukod sa kagandahan at kagwapuhan namin, chos! Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa amin na naka semi-formal ang attire. Ayos din kasi tong boyprend ko eh. Mas sweet daw kasi pag motor kesa sa kotse. Buti nalang at hindi ako sinipun.

"Ano ka ba? Tama na nga yan. Wag kang mag-alala. Ang ganda ganda mo kaya" eto namang boyprend ko, nakuha pa akong pakiligin. Sinalubong agad ako ni Jess, pinsan ni Kim na kaibigan ko.

"shocks Nix! Ang ganda mo" isa pa to eh. Wag nga kayong ganyan, lumalaki tenga ko eh. LOL.  Teka, nasabi ko na ba sa inyo na malaki ang naging parte ni Jess sa pag-iibigan namin ni Kim? Kung hindi lang naman dahil sa kanya, hindi ko to makikilala si Kim. Numero unong sumbungan ko nga yan si Jess eh. Nginitian ko nalang si Jess kasi hindi talaga ako makapagsalita ngayon. Kinakabahan talaga ako. Ano kaya ang sasabihin ng pamilya niya sakin? Magugustuhan kaya nila ako? Haaay. Ewan. Bahala na nga si Batman. Hindi naman siguro ako papabayaan ni Kim diba? 

“ wui Nix! Okay kalang? Kanina pa ako nagsasalita dito uh “ aynako. Natulala na pala ako. Kanina pa pala nakabalik si Jess sa lamesa kung saan andun yung pamilya nila.

“ ay sori Kim. Ano nga ulit sinasabi mo? “ hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko

“ Sabi ko, hinihintay na nila tayo. Ipapakilala na kita sa kanila “ bigla akong nagulat at napisil ko ang kamay niya.

“ Wag ka ngang kabahan, hindi naman kita papabayaan eh “ papalapit na kami sa kanila . Mas hinihigpitan din ni Kim ang hawak niya sa kamay ko.

“ Ahhh, hello po sa inyong lahat. Eto nga po pala si Nix, girlfriend ko “

“ He-hello p-po s-sa inyo “ nauutal kong sabi sa kanila.

“ Ang ganda naman pala ng girlfriend nitong si Kim eh “

“ Oo nga, maganda talagang pumili si Kim “

“ Sigurado, madadagdagan nanaman ang mga magaganda at gwapo sa lahi natin “ at kung ano-ano pa ang narinig ko sa kanila. Pagkatapos akong ipakilala ni Kim ay kumain na kami at nagkwentuhan at nagsayawan din konti. Ipinakilala din nga pala ako ni Kim sa mga kaibigan niyang dumalo sa party. Oh diba ang sweet. Haha. Nung mga 10:30 na, nagpaalam na ako sa kanila at hinatid naman ako ni Kim sa bahay. Buti nalang at nag kotse na kami. Katakot kaya mag motor nang ganoong oras. Baka mamaya may biglang umangkas pa sa likod ko eh. Errr!         

Magkabila man ang ating mundo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon