Dahil UPCAT exam ko na bukas. Nag-update ako. XD Ang tagal ko na rin palang hindi nag-update e. May naghihintay pala. XD Happy almost 70 followers. Achievement yan. :D Enjoy reading. :) GoodLuck sa lahat ng mag-u-UPCAT exam. Galingan natin.
* * *
Behind the Mask is a Deeper Secret.
[Chapter Nine]
"Hoy!" Sigaw ni Kenedy kay Bree habang kinakaway ang kamay nya sa mukha nito. Para syang timang, bigla na lang matutulala. "Anong problema mo?" Tanong nya.
"Ah, wala. May naalala lang ako sa mga bulaklak na yan." Sagot ni Bree habang nakatingin pa din sa mga dilaw na Dandelion na nakatanim sa harap nya.
"Malungkot no?" Pang-aasar na tanong ni Kenedy kay Bree. Naupo sya at pumitas ng isa sa mga bulaklak.
"Oo e. Paglipas ng mga taon, sa tingin mo makakalimutan ko na rin yun diba? Pwede na kong magpahinga sa mga problema. Tapos sumama na lang ako sa mga nakahigang patay sa sementeryo." Tuloy-tuloy na pasasalita ni Bree. Naguluhan lang si Kenedy sa kanya at nagtaka kung bakit gusto nya nang mamatay kaya hinampas nya ang noo ni Bree ng medyo malakas. "ARAY!! Potek!"
"Mukha kang tanga. Ang daming tao na gustong mabuhay, pero ikaw, hinihiling mong mamatay. Gusto mo, itulak na lang kita dyan sa bangin. Instant death yan." Suggestion ni Kenedy sabay turo sa may bangin na halos katabi lang nila. "Di pa nila makikita yung bangkay mo. Yun nga lang, baka may maghanap." Dagdag nya na para bang seryoso syang itulak si Bree sa bangin.
"Wala naman e. Try natin." Pagpayag ni Bree sa isinuggest ni Kenedy. Pero hamapas lang ulit sya sa noo. "Ano ba?! Nakakadalawa ka na ah?"
"Para ka kasing tanga. Sana ibinigay mo na lang buhay mo sa may cancer tutal wala ka namang sakit. Wala kang kwenta." Sabi ni Kenedy sa kanya. Pakiramdam tuloy ni Bree nagkapalit sila ng posisyon ni Kenedy. Dapat sya ang gumagawa nyan. Misyon nya yan. Pero parang dapat sya pa ang dapat na disiplinahin. Naiiyak tuloy sya. Pakiramdam nya sumapi si Aubrey kay Kenedy kahit hindi naman pwede yun dahil FORBIDEN. XD
"Ang drama ng buhay. Pero sana kung magiging bulaklak tayo, tayo na ang bahala kung anong gusto nating maging." Sabi ni Kenedy.
"Gusto kong maging Dandelion." Sabi ni Bree sa kanya. "Maganda sa mga mata habang bata pa. Pero kapag nawala na ko at tumanda na. Makakatulong ako para dumami pa ang katulad ko." Dagdag nya. Humarap sya kay Kenedy na nakangiti sa kanya, kinuha nya ang pinitas na bulaklak ni Kenedy ang nilagay ito sa kaliwang tenga nya. "Maganda! Hahahaha!" Sabi nya tapos bigla na lang tumawa at naglalakad habang nagtatalon na parang si Luna Lovegood sa Harry Potter.
Alam ni Bree na weird ang tingin sa kanya ng mga tao, pero tinanggap nya na lahat ng panglalait na pwedeng ibato sa diresyon nya. Ang mabuti na lang, magaling syang umiwas kaya maayos pa din ang tingin nya sa sarili nya. Dahil alam nyang sya lang ang pwede manira sa sarili nya because she know her own flaws like no one else does.
Bumalik sya sa lugar kung saan sila nagkukuhaan ng pictures. Si Kenedy naman ay nakita nyang sumusunod na din habang ine-enjoy ang scenery.
BINABASA MO ANG
Behind the Mask is a Deeper Secret.
Fiksi RemajaEach person who wears masks wears a deep secret. [Tagalog story] First draft. Please understand all the typographical errors.