S1

17 0 0
                                    

HAIL'S POV

Another Hell Week starts! Ugh.

Maaga akong pumasok sa School dahil kailangan ko pang Mag aral para sa Prelims namin sa Accounting. Nalulugaw na yung utak ko nang dahil dito.

"Hoy,Hail!"

Tss. Si Hurl. Inirapan ko lang sya at tinutok ang atensyon ko sa Librong binabasa ko.

"Hailey,ano ba?!"

Ugh! Ang kulit naman ng lalaking ito! Di ba sya nagsasawang asarin ako?! Pati ba naman sa School?!

Dahan dahan kong tinanggal ang libro sa mukha ko at tumunganga sakanya.

Tinaas ko ang kilay ko at medyo inayos yung malaki at makapal kong Salamin.

"Wag mo nang itaas yang kilay mo,makapal na nga itataas mo pa."

Ano ba talagang pakay ng Blond Dyed Hair Guy na to?!

"Oh. Pinapagawa ng Executive Producer."tapos hinagis nya saken ang sandamakmak na Papeles galing kay Ms.Cortez,na executive Producer ng Serenade Corp. Na pinapasukan kong Kompanya.

"Wala bang time out?"angal ko.

"Do you want me to FIRE you?"nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko at diniinan nya pa talaga yung salitang Fire.

"Duh?! You're dad hired me,so wala kang karapatan na i-fire ako."sagot ko pa.

"Slave for one week!"

"Aba't---"

"Three Weeks Hail!"

"Eto na nga diba,gagawin na. Sige na. BYE!" Sigaw ko at tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"FOUR WEEKS SLAVE! AND THAT'S FINAL HAILEY!"

Nag make face lang ako at nag dire-diretso lang ng lakad.

Aish! Nakakainis! -,- kung hindi lang dahil kila mommy,hindi ko to gagawin.

Habang naglalakad ako,bigla akong binunggo nung Green Haired Guy at tinawanan lang ako,dahil nahulog ang mga libro at papel na hawak ko. Inirapan ko nalang at inayos ko yung salamin ko,at Isa isa kong pinulot yung mga nahulog kong gamit.

Ganito ang buhay College. 3rd year na ako,pero ganito parin ang turing nila saken.

Nag simula akong bullyhin ng mga estudyante nung High School pa lang ako. Kaya Immune na ako sa mga ginagawa nila saken ngayon.

Habang pinupulot ko yung mga gamit ko,nagulat ako nung may biglang umepal na kamay na pumupulot din nang mga gamit ko.

"Sino k--"

Naputol ang sasabihin ko. Dahil... HOLY MOLLY!!!! ang gwapo ng nilalang na itoooooo!

Sino ba ang ang anghel na'to na pinababa ni Lord para tulungan ako.
Thankyou lord!

"Okay ka lang,Miss?"tanong nya saken.

"O-okay l-lang... s-salamat." Hayuf! Natutulala ako!

"Ah. Just don't bother them. Trip ka lang ng mga yon. Just call me,if you need help. Bye."tapos binigay nya saken yung mga napulot nyang gamit ko at naglakad sya palayo saken nang may ngiti sa labi.

Bigla syang napahinto at lumingon ulit saken.

"Oh. And By the way. Im Cielo. Ancielo Vergara."
Tapos nagdire-diretso na sya ng paglalakad.

"Hoy Hailey. Kapag hindi mo naga--"

"Ano ba!? Basag trip ka naman! Saka bakit ba nandito ka?! Para kang kabute! Sulpot ka ng sulpot!"
Sigaw ko,at nakita ko ang panglalaki ng mga mata ni Hurl sa sinabi ko. At ngayon ko lang na-realize na si Hurl pala yun at hindi ibang tao.

SUPERSTARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon