Nagmamadali si Mariella sa paglalakad kasi malapit na siyang malate sa kanyang klase. Pag liko niya sa pasilyo..
BOOOGGSSHHHHH!!!
May nakabungguan siya na siyang naging dahilan upang mabitawan niya ang kanyang mga dalang gamit.
“Sorry Miss” hinging paumanhin ng lalaking nakabungguan niya kasabay ang pagtulong nito sa pag pulot ng mga gamit niya.
“No! It’s my fault. Ako dapat ang humingi ng tawad . Nagmamadali kasi ako eh. Sorry” wika niya habang di tumutingin sa lalaki.
“Hahaha!! Ako rin naman eh. Sige na nga, pareho na tayong may kasalanan. Hahaha” napangiti na rin si Mariella sa sinabi ng lalaki.
Nagkatinginan sila ng ng di sinasadyang mahawakan ng lalaki ang kamay ni Mariella. Halos magkasabay kasi sila sa pagpulot sa huling libro na nalaglag. Uminit ang magkabilang pisngi ni Mariella habang nag lalaki nama’y napabitaw sa pagkakahawak sa kanyang mga kamay. Napakamot ang lalaki sa kanyang batok na parang nahihiya.
“So—sorry” hinging paumanhin nito sa nahihiyang boses.
“Ah… Wa—wala yun. Hehehe……..Mariella nga pala” sabay abot ng kamay nito.
“Alam ko” bulong naman ng lalaki.
“Ha? Ano kamo?”
“Sabi ko Angelo pangalan ko” sabay ngiti nito ng matamis at abot sa kamay niya.
Napatulala bigla si Mariella.
‘Mas gwapo pala siyang tingnan pag nakangiti lalo na’t ang lalim ng mga biloy nya na nakadagdag sa kanyang kagwapohan’ bulong niya sa kanyang isip.
“Mariella? Okay ka lang?” kinawaykaway ni Angelo ang kanyang kamay sa mukha ni Mariella
“Ha? Ahh oo naman. Hehehe…. Sige alis nako ah. Bye-bye! Nice meeting you Angelo.. Ingat ka. ^^,” paalm ni Mariella sa kanya.
One week later…
“Mariella!!”
Naputol ang pagbabasa ni Mariella at nagpalingalinga sa paligid.
“Ma..” napatigil sa paglapit si Angelo kay Mariella ng maunahan siya ng dalawang tao sa paglapit dito.
<Mariella’s POV>
“Mariella!!”
Huh? may tumatawag bas akin?
“Mariella!!”
“Hoy!!”
“Oy kayo pala……Teka…Cora ikaw ba yung tumatawag sakin?”
“Oo naman. Kami ni Enrique ang tumawag sayo. Bakit?
“Ah…Wa—wala naman..^__^” Parang may iba talagang tumawag sakin eh.
“May problema ba Mariella?” tanong ni Enrique at nagpalinga linga din sa paligid.
“Wala naman Tara na?” Feeling ko talaga may ibang tumatawag sakin eh.
<Someone’s POV>
Habang naglalakad, sumulyap muli si Mariella sa likod niya at nakita nya ang nakatalikod at papalayong si Angelo.
‘Angelo’ bulong ng kanyang isip.
<Angelo’s POV>
“Oh ano? Nasabi mo nab a sa kanya?” Salubong na tanong sakin ng kaibigan at katrabaho ko’ng si Alejandro.
Iling lang ang naging tugon ko sa kanya. Eh sa di ko feel ang magsalita eh. Walang basagan meyn…
“Tsk! Tsk! Nako pare baka maunahan ka ng iba dyan. Sige ka, ikaw din” aba tinakot pa ko ng loko. Makapagtrabaho na nga lang.