Here and Now
"And that's a wrap! Good Job people! Lee, Mag pack-up na kayo."
"Yes Sir Matt. Oh Guys pack up na daw! Bilisan niyo at may appointment pa si watashi ay este si Sir with Vogue Magazine, importante yon kaya gorabells! Bawal tayo ma-late. Bilisan niyo. Thank you guys!"
Eto nanaman si Lee nagbe-beki nanaman, Sinabi ko ng ayaw na ayaw ko ng ganun siya pag nasa trabaho. Sabagay nakakawala din naman ng stress ang linguahe niya, parang si...
"Uh Sir Matt? Pwede po ba pa-autograph?"
Ang boses ay nanggagaling sa likod ko, pagharap ko ay isang babae na matangkad maputi, mala-Georgina Wilson ang datingan, naka halter dress siya na pastel pink ang kulay. Naka heels siya na silver, naka up-do ang buhok at sakbit sa kanyang braso ang bag niyang Chanel. Sa tindigan at hubog ng mukha at katawan ay hindi ipagkakaila ang ganda niya.
"Eh? Nicole? Haha! Baliw ka talaga. May pag panggap ka pang nagaganap."
"Haha. You know naman me. Anyways, tapos na ba kayo? Baka ma-late ka sa lunch date natin? I'm just making sure you'll come on time."
"Uh wait? Lunch date? You mean business meeting right?"
"Ikaw talaga Matt. Hindi ka mabiro, you're so serious. You used to be so funny and all but oh well, see you later okay? Don't you dare be late! Crush kita pero business is business. Ciao!"
"Okay okay."
Itinaas ko ang kanang kamay ko para sabihing maari na siyang umalis.
Eto talaga si Nicole hanggang ngayon consistent padin siya sa pabirong panunuyo niya sakin. Parang three years nadin kaming nagkakasama sa trabaho.Si Nicole Rivera ay isa sa mga supermodel sa Italya, at half Filipino - half Italian siya. Naparito siya noon dito sa Pilipinas upang maging hurado sa isang kompetisyon para sa mga aspiring photographers especially sa Fashion world. Doon ko siya nakilala, at kung hindi dahil sakanya hindi ako siguro ang kilalang pinakamagaling na photographer dito sa Asia. At syempre kung hindi rin dahil kay..
"Sir Matt? Ready to go na po tayo sir. May kulang pa po ba sa mga gamit niyo?"
Ah si Lee Martinez, ang aking assistant. Gwapo siya, moreno, matipuno pero mas maliit saakin.
Mga 5'5 ang height niya ako naman ay 5'8, parehas kaming lalaki pero ang pagkakaiba siya e.. sabihin na nating lalaki din ang gusto.
Napakasipag ng taong to, mapagpasensya at napakamalikhain. Kung hindi nga lang siya bakla e maaring habulin to ng mga babae.Tumango ako at sinakbit ang bag kong leather na naglalaman ng aking camera. Ang camera na ito ay hinding hindi ko pinahahawak sa kahit kanino man, ito ang camera na ginamit ko simula noon. Ito ang camera na pinili ko at ni MC para gamitin sa kompetisyon.
Sumakay na ako sa aking kotse, kasabay ko si Lee papunta sa business meeting. Kahit saan ako magpunta ay kasama ko si Lee, matuturing kong isang matalik na kaibigan din si Lee bukod sa pagiging assistant ko."Matt. Ang traffic oh, aabot ba tayo? 12nn ang meeting. Lagi naman kasing traffic dito sa baclaran e ang layo pa natin sa Manila Hotel, 10:57 na. Sino ba naman kasi nag set ng meeting ng tanghaling tapat? Nakakaloka. Kung ako lang si Darna.."
"Wag ka na magreklamo. Si Nicole nag set nito. Alam mo naman yun laging kelangan importante kaya nagpapa-importante, di ka na nasanay. Aabot tayo huwag kang magalala."
"Sorry na. Kasi naman wata, bakit ba nagtitiyaga ka dun? Eh halatang halata namang patay na patay siya sayo at hindi lang trabaho habol niya sayo, pinahihirapan ka pa."
"Lee, alam mo namang importante sakin to. Pag nakuha ko to makakapunta tayo sa Vienna at makakapag-shoot doon, maaring Makita ko nadin doon..."
"Si Mavis Cla..."
"Oh? Bakit ang sarcastic mo nanaman banggitin ang pangalan niya? at uunahan mo talaga ako. Alam mo namang importante sakin ang taong yun, kung hindi dahil sakanya hindi sana ako nakapasok ng kompetisyon na dahilan bakit ganto na ako ngayon."
"Kasi naman Matty, parang ilang taon, wait, five years na ba? Eh hindi naman naging kayo at mukha naman di rin naman niya sinabing may gusto siya sayo o mahal ka niya. Bakit ba parang tuwing naririnig ko mga kwento mo tungkol sakanya e parang in a relationship kayo ni girl dati? Taray. Pang teleserye peg mo."
"Hindi ko din alam bakit bigla siya umalis. Basta iisa lang alam ko, sure ako na nasa Italy na siya ngayon kasi pangarap niya yon."
"O siya tama na ang chika. Lumiko ka na at gutom nako andito na tayo."
Nagmadali kaming mag-park ng kotse, 15 minutes nalang at magstart na ang meeting. Buti nalang may coat ako lagi sa kotse. Pwede na siguro to, naka skinny akong black at v-neck white t-shirt sa loob habang naka sneakers. Madalas ganto suot ko tuwing nasa shoot, madali kasi makakilos pag ganto suot.
Oh shoot! Yung sapatos ko?!
Bakit nga ba ito ang sinuot ko. Ano ba to. Medyo baduy, hayy. Hayaan na. Bahala na.
"Matty! Bilisan mo na diyan. Yung buhok mo ayusin mo. Dala ko na mga files at yung bag mo. Ask ko lang sa receptionist kung saan tayo."
"Thanks Lee! Susunod ako."
©All Rights Reserved, 2016
BINABASA MO ANG
Somewhat how it Ended is where it all Began
Teen FictionIn life when everything is in to place, people tend to wish that it would last, that it would be forever. In hopes of reaching forever people will do anything especially when it comes to fulfilling a dream and finding true love. And when everything...