Chapter 40: Accident **

449 6 0
                                    

Scene 2 hours before..

Tyrone's POV

Eto na talaga wala ng atrasan to. Aalis nako iiwan ko na si Leen pero pinapangako ko. Panandalian lang to. Babalikan ko sya. Babalikan ko ang babaeng pinakamamahal ko.. Sorry Leen.. Sana maintindihan mo balang araw kung bakit ko ginawa 'to.

"Hey are you done with your things??"

Lumingon naman ako kay Isabelle. Pati si Belle nadamay sa katarantaduhan ko. Pesteng sakit naman kase to! :/

"Yah. I'm done.. Tara na sa baba.."

Nasa bahay ako nina daddy. Tutal aalis na din naman ako kaya pinagbigyan ko sya sa request nya na dito daw sana ako matulog ng isang gabe at mag-ayos ng mga gamit.

"Okay ka lang ba?"   tanong ni Belle.

Syempre hinde isip ko.

"Yes. Ofcourse.."    Pwede na ata ako sa award na Sinungaling of the Year..

Nandito kame ngayun sa sala. Ako, si Belle, si dad, si Tita Rina at ang anak nyang si Lawrence my half brother.. Sabihin nalang nateng mabait ako ngayun kaya ko sinasabi ang mga 'to. Tutal aalis na naman din ako e..

"Magpagaling ka dun iho.."      Sabi ni dad..

"Magpagaling? bakit? May sakit ka??!!!"

Tanong ni Lawrence..  Oo nga pala wala silang alam na mag-ina. :/

Di ako nagsalita. As in silence talaga kaya si dad na ang sumagot..

"Lawrence anak. Siguro may karapatan din naman kayong malaman.."

Tumingin si dad sakin at nag-nod lang ako.

"Namana kase ni Tyrone ang sakit ng mama nya kaya kailangan nyang magpagaling sa States under sa papa ni Isabelle. That's why andito si Isabelle.."

"WHAATT??!!! SO YOU MEAN NILOKO MO LANG ANG MGA TAO SA CAMPUS NA GF MO SYA?! NILOKO MO KAME LALU NA SI KIFFY?!"

"Lawrence lower your voice.."     Saway ni dad kay Lawrence. Oa kase maka-react tsshh.

"Oo ganun na nga yun. Wala nakong panahon para mag-explain. So I guess it's time to say goodbye??"   --

Nakatulala padin sakin si Lawrence well wala nako magagawa kung anu man ang isipin nya.. Ang akin lang. Ginawa ko sa kung anu sa tingin ko ang tama...

Hindi na kame nagpahatid ni Belle papuntang airport. Driver na lang ang sumama samin. Goodbye na talaga. Mamiss ko kayo.

Habang papunta kameng airport para bagang may mabigat sa dibdib ko. Dahil ba aalis ako ng hindi man lang alam ni Leen yung tunay na dahilan?? Siguro ganun na nga yun. Siguro ganun talaga. Sorry tlga Leen. <////3

Andito na kame sa Airport. Maghihintay ng oras para sa aming Flight medyo napaaga ng konti e.. Tinignan ko ang oras 11:45am na malapit na.. 12 noon kase ang flight namen..

Habang naghihintay, nag-flashback sakin ang mga pinangako ko noon kay Leen nung nag-outing kame..

"I'm willing to wait kung ganu man katagal... Handa akong magsakripisyo para sayo.. Handa kong gawin lahat lahat.. Ganun kita kamahal..."

"Mahal din kita... Kaya sana wag mokong iiwan ah.. Ayoko ng maiwanan..."

"Pangako di kita iiwan. Hindi ako mawawala sayo."

CASANOVA'S KARMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon