Dear Diary,
Hi, ako nga pala si Mikael "mikmik" Baranda. Ako po ay 25 taong gulang. Nakatira sa Caloocan City. Mahirap lang pamilya namin noon pero nagsumikap ako. Si nanay sa bahay lang at inaalagaan kaming 6 na magkakapatid, pangalawa ako pamula sa panganay na magkakapatid. Si tatay naman carpintero ang trabaho. Kaso ang dami niyang pagkukulang samin. Si kuya jep-jep naman maagang nag asawa kaya ako na lang yung inaasahan sa pamilya. Pinasukan ko lahat ng trabaho nung high school pa ako, naging janitor sa eskwelahan pagkatapos ng pasok ko tuwing hapon lunes hanggang byernes yun. Sa sabado naman suma sideline ako ng pagtitinda sa kalye. Yun nalang pag asa namin para mairaos ang buhay namin sa araw-araw. Yung bunso namin noon masakitin, halos mabaliw si inay sa pangungutang hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Lumapit kami sa gobyerno para huminge ng tulong pero hindi na kinaya ng kapatid ko ang sakit niya saka nalang namin nalaman na may cancer na siya ! Stage 3 na sakit ng kapatid ko 5 taon lang siya noon. Simula ng nawala siya mas lalo kong tinatagan sarili ko na itaguyod ang pamilya ko. Sumunod na problema namin pag pasok ko ng kulihiyo. Naglalakad ako noon ang lalim ng iniisip ko sa sobrang pagod ko di ko namalayan na may sasakyan na nakasalubungan ko. Isinugod ako sa ospital at wala pa rin akong malay pero naririnig ko siya na sumisigaw na "IHO ! IHO ! KUMAPIT KA LANG SAGOT KO LAHAT NG GASTUSIN DITO SA OSPITAL". Dalawang araw bago ako nagkamalay binisita ulit ako ng dalawang mag asawa na wala pang anak.
Ma'am Josephine: Iho narinig ko lahat ng kwento ng buhay mo nagkausap kami ng iyong ina. (ngumiti siya sakin) Ano bang gusto mong gawin?
Ako: Gusto ko po sana makapag tapos ng pagaaral. Kung gusto niyo po ma'am mamamasukan po ako sa inyo mapagkakatiwalaan niyo po ako masipag po ako na bata. Gusto ko lang po kasing makaraos kami sa buhay ng mga kapatid ko pati na magulang ko. Nakakahiya man po pero ...
Sir Marlon: Iho wag ka mahiya samin ituring mo kaming magulang mo na rin ha? Osiya pag aaralin ka namin at ng mga kapatid mo basta ipangako niyo na magaaral kayo ng mabuti. At ituloy niyo mga pangarap niyo.
Ako: Salamat po Ma'am, Sir. Utang na loob ko po sa inyo ang lahat. MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO !!!! (Tumulo ang aking luha sa sobrang saya)
Kinuha ko ang kurso na gusto ko maging isang DOKTOR ! Ang bait ni Ma'am Josephine at Sir Marlon samin. Halos sa kanila na ako tumutulog pero syempre di ko kinalimutan pinangako ko sa pamilya ko sinusuportaran ko parin sila nagtatrabaho ako sa bahay na tinitirhan ko at ang pagpapagamot kay itay. May sakit si tatay sa puso kaya gusto ko gumaling siya alam kong nagkulang siya sa pamilya namin pero kahit pagbali baliktarin man ang mundo tatay ko siya at mahal na mahal ko. Ang dami kong kaibigan sa eskwelahan namin sa Unibersidad ng Caloocan. Sabi ni Ma'am at Sir dahil wala silang anak naisipan nilang ituring akong anak nila. Mama at Papa na rin tawag ko sa kanila pamula noon. Umalis si Ma'am Josephine at si Sir sa amerika para sa trabaho nila. Naiwan ako sa bahay kasama ang iba pang nagtatrabaho para sa kanila. May kaibigan ako na pinagkakatiwalaan ko siya yung kasama ko parati mga bata pa kami noon kasabay ko na siya magtinda at pa sideline sideline. Ang pangalan niya ay Mark parang kapatid na rin turing ko sa kanya. Kaso sa ibang paaralan siya pumasok e. Isang araw inatake si itay sa puso habang nagtatrabaho. Agad naman kaming napa sugod sa ospital. One week na lang noon ga-graduate na ako sa pagiging doktor ko. Nakausap ko si itay habang nagpapahinga siya
Tatay: Anak, Proud na proud ako sa'yo di ko aakalain na sa hirap ng pamilya natin nakaya mo. Ang laki ng pasasalamat ko sa pamilya na umampon sayo at itinuring kang anak. Alam mo nagseselos ako kasi ni minsan di ko na ibigay lahat ng gusto niyo. Dahil sa pagiging ma bisyo ko dinamay ko pa kayo. Sorry sorry sorry sorry sorry :'( Ang gago ko ! (umiiyak)
Ako: Itay, puso niyo. Itay matagal ko na kayong napatawad. Ni minsan di ko kayo sinagot dahil sa pinag-gagawa niyo. Itay mahal na mahal ko po kayo. Alam niyo po ba na hindi lang para sakin o sa mga kapatid ko ni kay inay o sa mga umampon sakin itay ! para din sa inyo to ! Mahal ko kayo tay kaya magpakatatag ka ! Graduation ko na sa susunod na linggo para po sa inyo yung i aalay ko na speech at sana nandun kayo para suportahan ako. Mahal na mahal kita tay mahal na mahal (tinatagan ko loob ko noon pero masakit kasi sa loob ng ilang taon di ko siya nakakausap ng matino)
Tatay: Asahan mo ako anak. Ako at ako ang unang tatayo at papalakpakan ka habang sinisigaw ang pangalan mo. Mahal na mahal din kita anak. Maraming salamat sa lahat maraming maraming salamat.
Tatlong araw bago ang aking Graduation dumating na sina Ma'am at Sir dala dala mga pasalubong nila saken at para sa pamilya ko. Masaya ako kasi may mga taong tumulong saken utang ko sa kanila ang lahat-lahat.
Nagtapos ako ng kolehiyo at ganap na akong isang doktor ngayon. Nandito ako sa amerika na assign. Masaya ako kasi laging nandyan ang diyos para samin. Napagtapos ko dalawa kong kapatid at kasalukuyan pang nag aaral ang dalawa. Pag uwi ko sa pinas makakasama ko na rin ulet pamilya ko.
