Chapter One

3 0 0
                                    

"I wanted to invent myself as a fictional character."

---

"Sabi ko sa'yo dapat di mo na lang sinabi sa kanya. Edi sana okay pa kayo ngayon." narinig kong sabi ni Jessy kay Carlo. Nanahimik lang si Carlo. Tinignan ko silang dalawa. Hindi ko kasi alam yung pinag-uusapan nila.

Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school namin. Dahil kakatapos lang din ng laban ng basketball. Dalawa sa mga kaibigan namin ang naglaro at hinihintay na lang namin silang bumalik.

"Anong drama yan, Lo!" sabi ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin. Alam kong may pagkaseryoso na sya. This time tinapik ko sya sa balikat.

"Lo! Dama kita. Wala akong maaadvice sa'yo. Basta sinusuportahan kita." sabi ko sa kanya at nginitian nya lang ako. Pero ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya. Kahit di ko alam yung main topic nila, nafe-feel ko yun.

Tumayo si Carlo sa kinauupuan nya at nag-inat.

"Tara! Kain tayo. Sagot ko." sabi nya. Yan na sya, nanlilibre kapag nase-stress sa buhay nya.

Tumayo na din kami ni Jessy sa kinauupuan namin.

"Tawagin mo din sila Jake at Tristan. Baka magtampo yung dalawang tsonggo na yun." sabi nya samin. Si Jessy na ang tumawag sa dalawa na kasalukuyang paakyat pala sa bleachers kung nasan kami nakatayo.

"Kain daw sabi ni Carlo! Tara na!" sabi ni Jessy sa dalawa. Nagtaka naman sila. Sinenyasan ko na lang sila na may problema si Carlo.

 -

Nasa isa kaming resto somewhere na malapit sa school namin. Um-order na din sila. Nakaupo kami sa may malapit sa window ng resto. Tinignan ko si Carlo. Nakatingin sya sa labas. Nakatingin sa kawalan.

"Huy! Ano ka ba naman! Huwag mo na ngang isipin yang iniisip mo. Muka ka nang adik!" sabi ko sa kanya. Medyo tumawa lang sya. Parating na ang order namin. Nagchikahan kami ng kung ano-ano. Tapos tawanan. At eto namang si Carlo, medyo umaayos na ang aura nya. Tumawa tawa din sya at nagbibiro sa amin. Pero halata mong pinipilit lang nyang maging masaya.

Ganto kami kapag may problema ang isa. Nagbobonding. At yung taong may problema kailangan nyang piliting mawala yung problemang yun. Ala-stress debriefing ba.

May naalala ako.....

"Trish! Bigla ka yatang nanahimik. Problema?" sabi ni Jessy.

"Ah wala. Natinga lang ako. Haha." pakunwaring sabi ko.

Naalala ko yung araw na ganto din ako katulad ni Carlo.

Sobra akong nasaktan nun. Pinilit ko lang ang sarili kong huwag nang masaktan.

*FLASHBACK*

"Trish! I'm sorry." sabi nya.

"Tama na please." sabi ko. Tumigil sya. Hindi ko mapigiling umiyak. Ang sakit eh. Parang tinutusok ng icepick yung puso ko. Yung feelings na akala kong hinding hindi ko mararamdaman, eto na.

"I'm sorry. I love you but..." sabi nya.

"But what? Pwede ba! Hindi ko naman hinihingi yung explanation mo eh. Psh. Nakakatawa yung gantong set-up. Muka tayong ewan. Akala ko sa movies lang yung ganto eh." sabi ko.

"Trish please." sabi nya.

"Alam mo kasi yung masakit? Ineexpect ko na magiging tayo. Nililigawan mo ko. Tapos eto, sasagutin na kita pero ano? May girl friend ka na pala. Ano yun? Sabay mo kaming niligawan? O sya yung nauna? Tapos pinaglaruan mo lang ako? Ang tanga ko lang eh. Di pa ko naniwala sa mga kaibigan ko na in the first place tama naman talaga sila na dapat di na lang kita ginusto!" patuloy ko.

"Trish hindi." sabat nya.

"Eh ano? Alam mo hindi mo talaga kailangan iexplain. Kasi maski ako, hindi dapat ako masaktan. Dahil alam kong wala akong karapatan." tinalikuran ko sya at tumakbo palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Inaway ko ang mga kaibigan ko para sa kanya. Iniwan ko sila. Eto ako ngayon, sobrang sising sisi.

-

Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko kahit na alam kong baka ireject lang nila ako. Magbabakasakali lang ako. Nakita ko sila sa isang place sa school namin. Lumapit ako sa kanila. Hindi pa ko nagsasalita, tumulo na ang luha ko sa mga mata ko. Nakita nila ako. Si Jessy unang tumayo. Akala ko aalis sya, pero nilapitan nya ako at niyakap. Tumayo na din sila at kinomfort ako. Pagkatapos nun, gumawa sila ng kung anu-ano para lang mapasaya ako. Sobrang swerte ko sa kanila.

*END OF FLASHBACK*

"Trish yung watch ko nga pala." nagulat naman ako sa sinabi ni Jake.

"Ay eto na. Oy nakalimutan natin silang i-congratz. Nanalo kayo diba?" sabi ko na parang hindi ako galing sa daydream......

-

8pm na kami natapos kumain, magchikahan at kung ano pa. Nagsiuwian na kami.....

This is me, Trish Kaila De Guzman. Senior high school. And this is my story....

---------------------------

Hey guys. After 7,988,943,432 years, na-update ko na rin po sya. Sorry. Hectic po talaga yung sched ko. Puro po kasi projects, thesis, exams at may fieldtrip din kami. Please continue reading. Vote nyo po and recommend. It's free! Thanks thanks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fictional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon