8 years old
Bata pa lang ako lage ako sinasama ng tita ko na 3rd year high school na sa campus nila. During vacant time lang nya ako dinadala. Malaki ang espasyo ng campus nila, malapit sa kagubatan. Wala namana nakakatakot kasi marami ng tao nakatira sa lugar na ito.
Sa tuwing pumupunta dito lage ko nakikita ang isang batang lalaki. Nagtatago sya sa silya sa classroom ng tita ko.
Hanggang isang araw nilapitan ko sya. Nagtataka ako kung bakit parehong dami parin ang isinusuot nya sa tuwing nakikia ko sya. Nilapitan ko sya. Ginaw na ginaw sya. Nangingitim na ang eyebag nya. Siguro hindi sya nakatulog dito sa classroom ng mahimbing kasi maginaw kagabi
"Bata bakit palagi ka nagtatago dito?"
"Ano!" nag-iba ang boses nya, hindi batang boses. Nanlalasik ang mga mata nya. Namumula at nanggagalit. Sinakal nya ako bigla. "Bakit ka nandito! Bakit kayo nandito! Kayo ang may kasalanan! Sumpa ang madadala ng campus na'to! Sumpa! Sumpa! Sumpa na walang hanggan HAHAHAHAH!!!!"
Akala ko panaginip lang yun, hindi pala. Nagising na lang ako sa kwarto ko. Narinig ko ang awayan nila daddy at mommy. Pinapagalitan pa nila ang tita ko. Umiiyak na ang tita ko. Wala akong magawa kundi tumingin na lang sa kanila.
Simula nangyari ang trahedyang 'yun. Nagsimula na pumukaw ang ikatlong mata ko.
"Okay ka lang?" nakilala ko si Mehika, isang magandang dalaga. Kaparehong-kapareho nya ang uniform ng tita ko. "Wag kang mag-alala magiging okay rin ang lahat."
Ngumiti ako sa kanya.
Pero hindi ko pa rin maiwasan isipin ang sumpa ng campus nun.
Simula nangyari ang trahedya sa'kin, maraming estudyante na ang sinaniban at namatay....
BINABASA MO ANG
Mystery Class 101
Mystery / ThrillerMawawala ang dapat mawala Mamamatay ang dapat mamatay Kasi sa oras mahanap mo ang sekreto ng campus. ...