Ganito pala kasakit yung nasasaksihan mo mismo na ang taong mahal mo ay ikinakasal na at nagpapalitan na ng " I do's ".
Kinabahan ang lahat ng tumagal ng ilang segundo bago sumagot si Gary ng " I do " sa tanong ng pari na
" At ikaw Gary tinatanggap mo bang maging kabiyak ng puso mo si Glenda , magsasama sa hirap at ginhawa , etc...."
Isa din ako sa pumigil ng hininga at nag antay ng sagot ni Gary.
Finally
" Opo padre ."
Maririnig mo ang buntunghininga ng lahat na sabay sabay na ibinagsak.
At si Glenda puno ng ngiti sa labi habang ako'y napaluha na . Ibig sabihin nito wala na si Gary sa buhay ko. Natali na siya sa babaeng mahal niya, kahit pa sabihin niya ng ilang ulit na mahal niya ako , hindi ko na siya pwedeng maging pag -aari. Pinahiran ko ng pasimple ang luha ko na ayaw kong may makakita.
At ng matapos ang ceremony parang ayaw ko ng sumama sa reception. Parang ang sama - sama ng pakiramdam ko.
" Babe namumutla ka , may nararamdaman ka ba ? " pag aalala ni Nel.
" Babe parang ayoko ng sumama sa reception , parang gusto ko ng umuwi , biglang sumama ang pakiramdam ko. " pagdadahilan ko.Kaya nagpaalam na lang kami kina mommy , at sa parents nina Gary at Glenda. At habang pasakay sila Gary ng kanilang couple car , nakitang kong tiningnan niya kami ni Nel lalo na nang halos nakahilig na ako sa dibdib ni Nel at hawak ni Nel ang mga kamay ko. Ramdam kong lambot na lambot ako.
" Tita , I'll take care of Yel ,no worries po iuuwi ko na lang muna siya." Pagpapaalam ni Nel.
" Nel please huwag mo munang iwan ang anak ko ok. Please take care of her. Yel , take your needed rest. " mga paalala ni mommy na nag aalala din ng sobra.Iniuwi na ako ni Nel. At dahil walang pagkain sa bahay , nagpaalam muna ito na bibili ng makakain namin habang nagpapalit ako ng damit.
Sa kwarto ko , kinausap ko ang sarili ko. At duon na tumulo lahat ng luha na kinikimkim ko at pinipigilang pumatak sa simbahan.
" Yel , ang bestfriend mo'y nakatali na . Ilang beses ka ng umiyak ng dahil sa kanya. Ilang beses mo na ding sinabi na , " time to move on ." Sana gawin mo, sana ifocus mo na ang puso mo o baligtarin na ang puso mo para ibaling ang lahat ng pagmamahal sa boyfriend mo. Enough is Enough. C'mon Yel , tomorrow will be a new day ok ! "
Yan para akong tanga that, trying to convince myself. At tama din naman na tomorrow will be a new day. Nasa ganun akong pag eemote ng marinig ko ng tumatawag si Nel. Dali - dali akong nagpahid ng luha at inayos ko ang sarili ko.
" Babe ,pinakialaman ko na ang kitchen ,kumuha na ako ng plates, the food is ready." Malambing na tinig ni Nel at pinaupo na niya ako para makakain na kami.
Napakagwapo ni Nel sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya ang barong niya.
" Babe , may undershirt ka naman di ba ? Ikukuha kita sandali ng hanger para hubarin mo muna ang barong mo ok ." At tatayo ako para ikuha siya ng hanger , hinawakan niyang bigla ang kamay ko.
" Babe , ikaw ha . Gusto mo sigurong makita ang macho kong katawan hahahaha ." Pagbibiro nito.
" Salbahe ka talaga ! Mainit po kasi at para maging kumportable kang kumilos." At tinapik ko siya sa balikat.Ng makakuha ako ng hanger , hinubad ni Nel ang barong niya. Naka white fitted undershirt lang siya. At talaga namang macho ang boyfriend ko , natakam tuloy ako sa katawan niya...yummmyyy...hahahaha.
Kumain na kami . Nagsubuan at talagang sweet din naman si Nel.
Ng matapos ang lunch. Pinagpahinga ko na muna siya sa sala at hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin.
Ng matapos ako , sinundan ko na siya sa sala ,naupo ako sa tabi niya. Nakatulog na pala ang boyfriend ko. Pinagmasdan kong maige ang mukha niya na napakakinis at napakaamo. Hinagod ko ang buhok niya. At sa sarili ko , ipinangako ko na siya na lang ang mamahalin ko at tuluyan ng kalilimutan si Gary .
Nagising si Nel ng halikan ko siya sa noo. Nagdilat ng mata at tinitigan ako.
" Ang ganda talaga ng babe ko . I love you babe ." Seryosong nakatitig sa akin na ang mga mata'y nangaakit.
" I love you too babe ." Sagot ko habang nakatitig ako sa kanya at hinahagod ang buhok niya . Hinawakan niya ang batok ko at inilapit ang ulo ko sa kanya at binigyan niya ako ng isang halik sa labi.Ginantihan ko yun ng mainit na halik din. Naglapat ang mga katawan namin , nakaramdam ako ng init ng biglang may kumatok sa pintuan.
Tumayo si Nel sa pagkakahiga at binuksan ko ang pinto. Sina mommy at daddy. Mukhang pagod na pagod. May dala silang mga pagkain na pinadala daw ng mommy ni Gary.
Ipinaliwanag kong bumili na si Nel ng pagkain kaya nakapag lunch kami.
Pinasalamatan nila si Nel sa pag aasikaso sa akin. Nagpaalam sina mommy at daddy na magpapahinga muna. Ngunit bago sila pumasok ng kwarto ," Tita , Tito ipagpapaalam ko muna po si Yel , babawi lang ako sa mga pagkukulang ko sa anak ninyo. Isasama ko po siya na lumabas. " paghingi ng permiso ni Nel na ikinagulat ko.
" Kung ok naman si Yel , walang problema di ba dad ?" Pagpayag ni mommy at nilingon si daddy.
" Oo naman basta ingatan mo ang anak namin Nel." Dugtong ni dad.
" Salamat po." Magalang na sagot ni Nel.Ng makapasok na sina mommy sa kwarto nila binalingan ko si Nel.
" Babe saan tayo pupunta ? Bakit di mo sinabi sa akin na lalabas tayo ?" Pagtatakang tanong ko.
" Babe hindi ba sabi ko sayo after the wedding babawi ako sayo. At hirap pakawalan ng damdamin dito eh ! Hahahaha." May pagkapilyong sabi ni Nel.
" Hmmmm...may binabalak ka ha . Remember hindi pa tayo settle." Paalala ko.
" Oo naman babe , I know pero gusto kitang makasama ng matagal, mis na mis kita. So please labas tayo ok. " halos magmakaawa ito sa akin.Well , why not. Para lubusan ko ng makalimutan si Gary at makabawi din naman ako sa boyfriend ko at sa tutoo lang naman nabitin ako sa kissing namin kanina noh ! ;-)
Wow! Bibigay na ba ang ating bida ?
Naku , exciting ang date ng dalawa , saan kaya sila pupunta ? Siguro naman alam ninyo na di ba? at for mature readers po ang susunod na kabanata. ( ;-)Thanks and keep reading po.