Charles' POV
Hayyyyyyyy! Ang boring ng Algebra class ko! Kinginang x and y na yan! Paulit ulit na lang pumapantig sa tenga ko. Nakakarindi! Bakit pa kasi kailangang hanapin si x? (Hindi ako huhugot) Ano 'to, tagu-taguan?
Nakakainis pa kasi hindi ko kaklase yung tukmol na Prince na yun ngayon. Wala tuloy magpapabibo sa harap ko. Hays, buhay nga naman.
Tinignan ko ang kanan ko, mga parang pipikit na. Ganun din sa kaliwa ko.
Tinignan ko ang nasa likod ko. Aba! Tulog na! Ayos ah. Ginawa pa akong harang sa prof namin. Leche!
*yawn*
Pakshet. Inaantok na ako.
*kriiiiiing kriiiiing*
Rinig naming tunog ng cellphone ni Ma'am. Sinagot niya ito sa labas ng classroom.
Tumungo ako. Hays, nakakantok talaga!
After siguro mga 10 minutes, narinig ko na ang tunog ng heels ni ma'am. Enebeyen. Ni hindi pa nga ako nakakaidlip eh.
"Okay class. I have an urgent meeting. Your assignment will be pages number 120 and 121." Nagpintig ang tenga ko. Yeeeeeessss! Early break 'to ah!
"See you next week!" Kinuha na ni Ma'am ang bag niya at saka lumabas ng classroom.
Tila parang naging club ang room namin dahil sa pagpa-party ng mga classmates ko.
Ako naman niligpit ko na ang mga gamit ko at saka lumabas ng classroom. Nadaanan ko ang room ni Prince at ang futa, natutulog lang. Buti pa 'to. Walanv hiya eh!
Dumiretso ako sa canteen para bumili ng pagkain. Bumili lang ako ng V-Cut at saka coke mismo. Oo, paborito ko talaga ang V-Cut. Ewan ko, ang sarap kasi.
Pagkatapos kong bumili, pupunta na muna ako sa usual spot ko dito sa university tuwing mag-isa lang ako. Sa likod ng Building namin.
May nakita kasi ako dung parang cottage. Yung mukhang kubo. Ewan ko, sabi nila simula nung gawin daw ang building namin, meron na daw yun dun. Doon daw natutulog ang mga karpintero noon.
Pagkarating ko, nakaramdam ako ng peace. Ang tahimik! Sa wakas! Minsan talaga masarap mag-isa.
Isa pa sa kinaganda nito ay kita mo ang buong siyudad. Para sabihin ko sa inyo, ang university namin ay nasa mataas na lugar.
Umupo na ako sa parang papag doon. Humampas sa mga pisngi ko ang malamig na hangin. Ang sarap! Ang presko!
Sinimulan ko nang ngatain ang V-Cut ko habang nakatingin sa malayo. Ang ganda ng tanawin. Ang sarap sa mata. Kadalasan, kapag may problema akong dinadala, dito ako palagi pumupunta. Ewan ko ba sa tuwing pupunta ako dito, parang nawawala lahat ng problema ko.
"Mahilig ka talaga sa V-Cut no?"
"Ay puta ka!" Takte! Nahulog ako sa may papag nang makita ko kung sino ang pumasok sa kubo.
"Hahahahahahahaha!" Halakhak ng loko.
"Hayop ka Keith!" Naiinis kong tugon. Umayos na ako ng upo at tumabi naman siya sa akin.
"Gusto mo?" Alok ko sa kaniya. Kahit na binadtrip niya ako, may natira pa rin namang kabaitab sa akin.
Kumuha siya ng kaunti. "Alam mo pala ang lugar na ito?" Tanong niya sa akin.
"Matagal ko nang alam ito no. Alam ko na ito bago ka pa ipinanganak." Sabi ko.
"Weeeh? Utot mo!" Asar niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Rhythm Of Love [boyxboy]
Teen FictionSa bawat ritmo ng musika ay siya ring pagsabay ng tibok ng aking puso. Ako si Charles Quijano at ito ang aking kuwento. This is a boyxboy story, you've been warned.