Chapter 9

228 6 3
                                    

Ria's POV

So, andito kami ngayon sa field, nagvo-volleyball. Dito namin napag-isipan na mag-volleyball ni Ate Jessey kasama ang mga pinsan nya at sina Idol Ara kasi, presko at mahangin. Wala naman masyadong tao kaya ayos lang na mag-ingay kami dito hahaha.

"Hello ate"

Napatingin naman ako sa tumabi sa'kin and I was surprised, it's Tiffany.

"Oh? Ba't di ka nakikisama dun?" tumingin naman ako kung saan sila nagvo-volleyball at nakita ko na binatukan ni Ara si Kim, hayay, eto talagang dalawa na 'to.

"Wala lang, para may kasama ka dito. You like finding your mommy hahahaha"

"Hahahahaha naman, masama na bang umupo kasi pagod ka na?"

Tumayo naman sya sa harapan ko at nilagay ang mga kamay nya sa bewang nya "Ate, kapag mahal mo ang isang tao, dapat di ka napapagod. Dapat di ka mapagod kasi para ka na ring tumigil sa mga ginagawa mo para sumaya sya. Dapat di ka napapagod mahalin sya. Same as volleyball, alam mo naman sa sarili mo na dun ka sasaya kaya dapat wag ka mapagod, you should not stop playing the sport you love the most, di mo alam kung sinong napapasaya mo ng dahil lang sa paglalaro mo. Pero kapag di na talaga kaya, you are free to sit down at magpahinga na. Sige ate, gotta go!"

Natameme naman ako sa sinabi ni Tiffany. Grabe makahugot ah.

Tumayo ako dumiretso sa kanila.

"Oh, baby Ri, ayos na?"

"Yes ate"

"Okay, turuan mo si Ia sa pagblock, medj di ayos blocking nya eh, if it is okay with you"

"Yes, it's okay with me Ate"

Tango ang reply sa'kin ni Ate Jz at pumunta na ako kay Ia.

"Hey Ate Ri!"

"Hey Ia"

Certified Inlove to SomeoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon