8. Labyrinth

1.1K 65 11
                                    

CHAPTER 8

Natapos na rin ni Yasmine ang ilan sa mga panuntunan at principles ng Hexon Group. Pumayag na rin sina Queeny, Reyner at Meynard na maging kasapi ng grupo. Dalawa na lang ang kulang at mabubuo na ang grupo. Medyo natagalan sila sa paghahanap sa mga ito. Ngunit tadhana na mismo ang gumuguhit ng landas para hindi bumitaw ang pag-asa.

Habang naglalakad sina Yasmine at Queeny papasok ng paaralan, isang lalaking balinkinitan ang biglang humablot sa bag ni Yasmine. Sa pagkabigla, hindi s'ya makagalaw ng tatlong segundo para habulin ang snatcher o makasigaw man lang. Pero si Queeny, abot sa kabilang bundok ang sigaw para makapukaw ng atensyon.

Di pa man ito nakalalayo ng lubusan, nang bigla itong mapasubsob sa semento at tumilapon ang tangay nitong bag. Isang lalaking athletic ang katawan ang humarang at sa isang kisap-mata gumawa ng eksenang ala jet li. Tumayo ang lalake na medyo hilo pa na pawang may tapang pang lumaban pero nabahag din ang buntot ng makita ang tindig ng lalake at kumaripas ito ng takbo papalayo.

Kinuha ng lalake ang bag at iniabot kay Yasmine. Nagpasalamat si Yasmine at si Queeny abot langit ang paghanga. Dun nagsimula ang isang pagkakaibigang kokompleto sa grupo nila. Si Connery Sy isang Taoist doctor, black belter martial artist, ang kanilang panglimang Hexon recruit. Pero sa di kalayuan, may nakatingin sa kanila at napangiti.

****

Sa boarding house ni Meynard, magkaiba ang pinagkakaabalahan ng magkaibigan. Malapit nang magpasko ngunit hindi pa matapos-tapos nina Meynard at Ulysses ang kanilang thesis dahil sa bagong pinagkakaabalahan ni Ulysses. Nagsimula na kasing magresearch si Ulysses ng kanyang programmable bio-virus.

"Bro baka pwedeng tapusin muna natin itong thesis natin para makapag-concentrate ka na dyan ng maayos sa bago mong project. Excited ka naman masyado dyan. Tsaka malapit ng matapos ang taon, next year graduation na natin."

"Ok sige. Pero baka pwedeng mag-unwind muna tayo. Masakit na kasi likod ko. Pamasahe naman tayo."

"May alam ka bang maganda?"

"Kanina nagtanong ako kay Sir Art kung may kilala siyang magaling magmasahe. Dyan lang daw sa may unahan may spa clinic, siguro mga ten blocks lang. Yung puting bahay. Kilala daw n'ya ang may ari. Sabihan lang daw na s'ya ang nagrefer at baka bigyan tayo ng discount."

"May nakapagsabi din sakin maganda daw dyan, nakalimutan ko lang. Sagot mo ha. Ala sa budget ko yan."

"Game."

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, natunton nila ang bahay. Matapos dumaan ang isang oras, naunang natapos si Meynard dahil nakatulog si Ulysses. Habang naghihintay, inikot ni Meynard ang buong compound. Humanga siya sa simplicity and serenity ng lugar. Di lang katawan mo ang marerelax pati ang isip at kaluluwa mo. Maliit lang ang bahay pero cozy at di siya yung tipikal na massage parlor. Parang personalized ang service. May nakita siyang isang kwarto na bahagyang nakabukas. Sumilip s'ya at isang bakanteng yoga or meditating room ang kanyang natuklasan.

"Massage and yoga in one. Nice."

Lumabas siya sa garden para magpahangin. Sa pagpasok nila kanina, di nila namalayan na may maliit na labyrinth pala sa garden. Hindi pa siya nakasubok nito kaya sa unang pagkakataon susubukan n'ya ito.

Bago pa man makapag-umpisang maglakad si Meynard, isang boses ng babae ang kanyang narinig galing sa kanyang likuran.

"First time?"

Lumingon siya. "Uhmm... yes." Isang magandang mistisang bombay na sa isang tingin, nakaramdam siya ng kakaibang calmness.

"Alam mo bang mas magandang maglakad sa isang labyrinth kaysa sa maze. Sa maze kailangan mong mag-isip at ang goal mo ay kaagad makalabas, masolve ang puzzle at kalimitan mafru-frustrate ka lang dahil mas madami ang dead ends. Sa labyrinth lakad ka lang, sundan mo ang spiral walking course papuntang gitna at pabalik, di mo kailangang mag-isip. Ang tawag nga ng iba sa labyrinth ay isang form of moving meditation. Ang maze disorienting, samantalang ang labyrinth centering."

Alt Key: The Devil's Code (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon