She Kidnapped My Heart!

93 5 2
                                    

" Besh!  yung crush mo! " napahinto naman ako sa paggawa ng assignment sa Math at dali-daling nilapitan si Anne na nakaupo malapit sa may bintana.

"Oh Gosh! Ang gwapo! *U* “ Natanaw ko si Ian na papasok sa room.

"Ayun oh! Papasok na sya sa room. Lapitan mo na daliiii~ “ sabi nya habang hinahampas ako. Makahampas lang eno?

"Ayoko ko nga. Natotorpe ako! “ sino ba naman ang hindi diba? Crush ko yan e!

"Haha ano ba yan. Walang mangyayari sa lovelife mo niyan pag nagpaka-torpe ka. " Binelatan ko lang si Anne pagkasabi niya nun.

Siya si Sam, ang bestfriend ko na daig pa ang nanay ko kung makapag-utos na lapitan ko ang crush kong si Ian. Haha! Ako naman si Sam na konti nalang at mapapa-confine na sa mental. Simula kasi nung first year kami hanggang ngayong 3rd year, siya parin ang crush ko . Ewan ko ba kung bat naging crush ko un eh alam ko namang wala akong pag-asang mapansin niya. Ordinary student lang ako samantalang sikat siya bilang hearthrob sa school namin. 

Kriiiing~Kriing~ 

Ay butiki! Time na pala.

"Oy bruha time na oh! Asan na ba ang boyplen mo? Hala! Baka meron na yung bago, HAHAHAHA “ tukso ko.

"Heh! porket wala kang lovelife" Natawa lang ako sa sinabi ni Besh , NBSB ako. Wala eh, umaasa kasi ako na magkakagusto rin sakin si Ian. T.T

After ilang minutes dumating na din ang teacher namin sa Math , Math ang first subject namin after lunch kaya ubos lahat ng energy ko pag gantong oras. I hate math kasi.

"Good Morning Ms. Viniel" we said in chorus pagka-pasok na pagka-pasok nya.

"Good Morning , You can take your seat"

Hay ito na naman po si Ms. Viniel dada nag dada about sa activity namin ngayon . Habang nag sasalita si Ms. Viniel sa gagawin namin tumingin ako kay Ian.

Kailan mo ba ako mapapansin Ian?

Nahuli niya akong nakatingin sakanya tapos umiwas siya. Bat ba umiiwas siya kung tinitingnan ko siya? Hanggang tingin nalang nga ko umiiwas pa. Haaay! Buhay nga naman . Bigti na Sam >0<

"Okay class find your partner"

Partner Partner whatever. Tiningnan ko si Besh at ang walanghiyang bruha nakakuha na ng partner yung boyplen niya. Forever alone nalang ba talaga ang peg ko?

Inilibot ko ang tingin ko sa classroom namin. Divisible by two ang klase namin kaya ang bawat isa sa amin ay may partner . Hanap hanap hanap. Bat walang lumalapit sakin? baka may absent? Aish! Tignin tingin tingin. Bat wala pang partner si Ian? T-Teka? Asan ba si Ian?!

Hinanap ko sya gamit ang paningin ko.

Where are thou My Prince?

Sa kabila ng paghahanap ko, nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

"May partner kana ba?"

"Ay butiki!"

"Nasan ang butiki?"

O_O

B-Bakit..si I-Ian ang ka..t-tabi ko?

“May partner ka na ba?" ulit nya.

Para akong nabato sa kinauupuan ko.

Ghaaad! Ang gwapo nya sa malapitan. Naramdaman kong parang may kung ano sa tiyan ko na nagwawala! And yung puso ko, dug dug ng dug dug. Ang bilis!

" Ha? A-Ano.. k-kasi..wala.. Ano…”

" Ayos ka lang ba? Ang putla mo. “ nagulat ako ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

She Kidnapped My Heart!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon