Ang Buong Kwento

442 3 2
                                    

May Mag-asawang nakatira sa isang maliit na Kubo na sina Mang Angelito at Aling Rosario.

Meron silang Kambal na si Ysabelle at JULIO. Isang Babae at Isang Lalaki.

Mgkaiba ang ugali ng dalawa, dahil si Ysabelle ay masunurin, hindi mareklamo at sa lahat Mabait, ngunit ang kanyang kambal ay kabaliktaran niya.

Isang Araw inutusan ng ina si Julio para magpabili ng isang dosenang Tinapay kay Aling Minda.

“Anak, Bumili ka kay Aling Minda ng 1 Dosenang Tinapay para may makain tayo.”

“Nay! Si Ysabelle na lang, may ginagawa pa ako”

“Dali na anak may ginagawa din ang kapatid mo eh”

Nagdabog ang anak at sabay sabing:

“Nay naman! Lagi na lang ako ang inuutusan mo, di ba pwedeng si Ysabelle na lang?”

Nalungkot ang ina sa tinuringan ng anak. Hindi niya malaman kung bakit nag kaganon ang kanyang supling.

“Nay, ako na lang. hayaan mo na lang si Julio. Tapos na rin po ako.”

“Salamat, Mag-iingat ka Ysabelle ah?”

Habang naglalakad si Ysabelle sa kalsada papuntang tindahan ni Aling Minda, nakita niya ang kapatid na naglalaro lamang ng Teks kasama ang mga barkada.

Nalulungkot siya sa kapatid niya kung bakit nagging matigas ang ulo nito. Noo’y hindi naman ito palasagot.

“Tao po! Aling Minda?”

“Oh?! Ikaw pala yan Sabelle, ano ang iyong kailangan?”

“Bibili po sana ako ng Tinapay para pang-ulam po naming. Alam niyo na po walang sapat na pera para pambili ng Mamahaling ulam, hehehe!”

“Ah ganun ba iha? O sige sandali lang ah”

Maya maya dumating na si Aling Minda, at naibigay niya na ang mga Tinapay.

“Salamat po!” Pagpapasalamat niya

Masayang masaya siya dahil may makakain nanaman sila Buong Araw. Ilang beses na kasi nagtitiis ang pamilya niya sa gutom, kaya’t nag-aaral ito ng mabuti.

Sa Kabilang dako naman tayo, Habang Naglalaro si Julio ng Teks kasama ang mga Kaibigan, tinawag siya ng kanyang ama.

“Julio! Halika dito”

“ Ano po Iyon?”

“Paki handa naman ang mga pinggan sa Lapag para pagdating ng kapatid mo ay kakain na lamang tayo, ako’y may ilalakad pa eh”

“um…. Sige po”

Malumnay na tugon niya,

‘Lagi na lamang ako ang inuutusan nila, samantalang yung kapatid ko hinahayaan na lang nila. Nakakapagtampo naman’

Pagkatapos niyang maghanda ng mga pinggan saka naman dumating ang kanyang Kapatid. Naiinis siya dito dahil parang mas mahal ng magulang ang kanyang kambal, subalit siya laging pinapahirapan sa lahat ng utos.

“Oh buti naman at nagkusa kang maghanda ng makakainan” sabi ni Ysabelle

“Hindi ako nagkusa, inutusan nanaman ako. Ayoko na, lagi naman ako ang kawawa sa ating dalawa eh” tugon nito

“aba’t namumuro ka na Julio ah, mga magulang pa rin natin yan. Kahit anong utos o sermon ang sasabihin nila dapat sumunod ka. Dahil hindi lagi sina nanay at tatay ang mag-aalaga sayo”

At ng dahil dun, umalis si Julio papuntang likod ng bahay nila sabay sabing

‘Di ko na kaya, aalis na lang ako dito tutal naman mas sasaya sila kapag nawala na ako dito sa pamamahay na to’

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG LEKSYON NI JULIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon