"Dylan matunaw yan." Sabi sakin ni James ang ka room mate ko sa inunupahang boarding hause.
Malayo kasi yung bahay namin sa school kaya nag-pasya nalang akong mangupahan. Kakatapos ko palang mag sampay ng mga nilabahan kong uniform sa school pati underwear ko nilabahan ko narin. Pinagmamasdan ko lang magsampay ang babaeng pinaka maganda dito sa lugar na 'to. Si Trisha, Sexy at nakaka-in-love talaga sya. Matagal ko na syang gusto simula nung una ko syang makita dito.
"Hoy Dylan! Sabing matunaw yan!" Bumalik lang ako sa realidad nang biglang sigawan ako sa tainga ni James.
"Di mo ko masisisi Pare, Kung titigan ko sya." Nakangiti kong sabi.
"Sus ! Pinag sasamantalahan mo nanaman sya sa isip mo noh? Kaw talaga. Kahit anong gawin mo di ka parin papansinin nyan." Sabay tawang sabi ni James. di ko nalang sya pinansin.
Kinabukasan 7:30 na ako nagising. Nag almusal na ako at naligo. Pag kalabas ko ng banyo syempre naka tuwalya lang ako dumeretso na ako sa sampayan para kunin yung mga nilabahan kong uniform at brief para iligpit. Dalawang pares lang kasi ang uniform ko kaya naglalaba agad ako pag-uwi. Tuyo na yung Uniform ko kaya kinuha ko na. Pero teka! parang may kulang?
"Sh*t yung brief ko nasaan?" Bulong ko sa sarili ko.
"Pare, Nakita mo ba yung brief ko?" Tanong ko sa nakatambay na boarder.
"Malay ko sa'yo. Brief mo sa'kin mo hinahanap?"
Sabi ko nga diba?
Tsk sinampay ko lang yun dito eh. Imposibleng mawala lang yun diba? Tinanong ko nadin si James kung nakuha nya yung brief ko kaso sabi nya hindi daw. Nakakapagtaka naman. Yun pa naman paborito kong brief -____-.
Di ko naman susuotin yun eh, tatago ko lang sa damitan ko tss.
Nakalipas ang tatlong araw. Apat na brief ko na ang nawawala bigla sa sampayan. tss eh bakit sa iba hindi nawawala? yung akin lang talaga aishh. Araw-araw kasi ako naglalaba pag-uwi ko ng gabi naliligo ako at nilalabahan agad yung mga nagamit kong kasuotan kasama na brief ko.
"Naku pare, Lagi ka nalang nawawalan ng brief ah! di kaya nananakaw ng mga bakla dyan? Uso yun pare!" Sabi ni james.
Teka! Bakit di ko naisip yun? Tama bakla nga ang dahilan kung bakit Nawawala ang mga brief ko sa sampayan. Ninanakaw pala nila.
Naglagay ako ng paskil sa harap ng sampayan. "HOY BAKLA! PAGNAHULI KITANG NINANAKAW MO BRIEF KO HUMANDA KA SA'KIN."