MY PROM DATE (One Shot Story)

251 8 12
                                    

Dedicated to sayo Bebs, kasi sabi ko babawi ako. haha.

Sorry po sa mga typos, nagpapractice kasi ako mag home key. HAHA

________________________________________________________________________________

“Sinong partner mo?”

“Si Jessie, girl kinikilig ako.”

“Talaga niyaya ka niya? Ang swerte mo naman.”

                Tsk. Buti pa si kuya may partner na para sa JS. Actually kanona ko pa naririnig yung mga babaeng yan. JS, highlight daw yan ng high school life. Kaya dapat yung partner mo ay yunt taong gusto mo talaga.

                Ako, isa lang yung gusto ko si Grace. Elementary pa lang kami crush ko na yun kaya nga kahit malayo pa eh kinontrata ko na siya maging date.

                Kaya lang noon pa yun. Ewan ko kung naaalala niyia pa, wala na rin akong lakas ng loob para yayain siya ulit. Buong maghapon kong pinag-isipan yung tungkol sa JS. Last week pa ready si Kuya Jessie samantalang ako hindi pa tinatanong ni Mama kung anong balak ko.

** * *

Ito na talaga, yayayain ko na si Grac. Nakita ko kasing may kausap siyang lalaki kanina tapos ang saya nila. Bka nga yung shakehands nila ay sign na nag-agree na sa kaniya si Grace. Kaya pagka-alis nung lalaki ay agad akong lumapit kay Grace at niyaya siyang pumunta sa may punong Narra sa likod ng building namin. Dun ko balak magtapat sa kaniya.

“ Joey, bakit mo ba ako pinapunta rito?” Tanong niya sa akin. SHET! Kinakabahan ako. Kelalaki kong tao ang hina ng loob ko.

“ Kasi Grace, pwede ko bang malaman yung pinag-usapan niyo nung lalaki kanina?” Bakit ba ito yung nasabi ko? Natotorete ako baka isipin niya ang bastos ko.

“ Yun ba? Si Greg yun, tungkol lang sa JS prom.” Nakangiti niyang tugon. Posible kayang sila na yung magdidate?

“Niyaya ka niiya?” Diretso kong tanong. Pag sinabi niyang OO syempre titigil na ko, pero pag hindi lalakasan ko na talaga yung loob ko. Tiningnan niy ako ng may pagtataka sa mukha niya.

“Aaah, hindi si Ate yung niyaya niya.” Natuwa ako sa sinabi niya. Ito na yayayain ko na siya.

“ Grace, naaalala mo pa ba yung napag-usapan natin nung elementary about sa JS prom?” Tanong ko sa kaniya.

“ Nung niyaya mo’ko? Naaalala ko pa, sinabihan kitang excited nun pero dahil napatawa mo’ko sinakyan kong trip mo at pumayag ako.” Seryoso niyang sagot sakin.

“ Grace, gusto kong malaman mo na seryoso ako run. Gusto kong ikaw yung maging partner ko ngayaong JS.” Firm kong sabi sa kaniya. Tinitigan niya ako ng may alinlangan.

“P-pero kasi Joey ano eh------------

“ Bakit may partner ka na ba?

Hindi siya sumagot.Seryosong usapan ‘to. Dahil unli ang titigan sinulit ko na. Pinagmasdan ko yung buong mukha niya. Ang ganda niya talaga. Umihip yung hangin, nilipad yung ilang hibla nung buhok niya. Nababading na ata ako. Wala ba talagang katapusan tong kaba sa dibdib ko?

“Alam mo kasi Joey, pano ko ba ‘to sasabihin? Sabi niya sa sarili. Patay! Basted ata talaga ako. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pag-bagsak ng mga tuyong dahon. Napaka-romantic naman ng pambabasted na’to kung iisipin.

“ Tanggap ko kung ayaw mo, Grace.” Labag man sa loob ko wala akong magagawa.

“ Hindi naman sa ganun Joey.” Alam ko pinagagaan niya lang yung loob ko.

“Kung hindi yun ano? May partner ka na ba?” Gusto ko talagang malaman kung meron na. Ang sakit lang na unti-unti siyang nag-nod. OUCH! Sakit nun mga men.

“kaya pala hindi ka makasagot sa proposal ko.” Malungkot kong sabi sa kaniya.

“Joey, hindi mo’ko naiintindihan.” Ano bang problema niya? Ang mga babae talaga ang hirap i-spell. Kaya tiningnan ko na lang siya, meaning nagtatanong ako kung bakit.

“Joey, kasi…

2nd year pa lang tayo at 3rd year pa pwedeng umatend nun. Masyado kang excited.”

BLAG!! Natigilan ako sa paliwanag niya. Kung kanina mga tuyong dahon lang yung bumabagsak, ngayon parang yung puno na ta yung bumagsak sa ulo ko. Ni-try ko pa ring maging cool sa harap ni Grace. Pero kahit gaun, may partner na rin naman siya kaya wala a ring pag-asa.

“H-HAHAHAHA. I know, pinapaalala ko lang. Besides, nothing will still change the fact that you already have a date.” Bakit ba ngayon ko lang naisip? Kaya pala hindi rin ako tinatanong ni Mama tungkol dito.

“Don’t worry naaalala ko pa yun, infact ikaw ata yung nakalimot.” Nakangiti niyang sabi sa akin. Yung kaninang kaba ko nawala.

“What do you mean?” Ang gulo talaga ng mga babae, kala ko ba may partner na siya? Siya ngang nakalimot isisisi niya sakin.

“ Eh, diba nga elementary pa lang niyaya mo na’ko? Edi ikaw na yung partner ko.”

YESSSS. Totoo ba yun? Bakit ba kasi hindi ko maprocess agad yung mga bagay-bagay.

“ Ibig sabihin ako yung tinutukoy mong partner kanina?” Masaya kong tanong sa kaniya and this time nagnod ulit siya which gave me so much bliss. “ So, Grace Alison Navarro will you be my Prom date?” Tinuloy mko na lang siyang yayain para di mapahiya.

“HAHAHA, of course next year kapag 3rd year na tayo.”

Ngumiti siya. Excited man ako, si Grace lang talaga ang gusto kong maging partner. FORLIFE!

*******************************

Yun naman, napapala ng excited. Partly true po ang story na'to. HAHA. Sana naenjoy niyo. Comment po kung anong nasa isip niyo.

MY PROM DATE (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon