The 22nd of April
By peachxvision
I was stuck in love, so I called her for help.
But before she could pull me out completely,
She also got stuck.
Prologue
Magkakatuluyan kami.
Wag kayong mag-alala. Sinasabi ko na sa inyo, magkakatuluyan kami.
Napaka-unusual no? Ang ibig kong sabihin, sinong sira ulong author ang magsu-spoil ng sarili niyang kwento?!
Ako! Ako lang ang gagawa non dahil hindi ako isang magaling na author! Wahahahaha. Eh pinilit lang naman niya
ako magsulat nito eh. Hindi naman ako manunulat, architect ako.
Pero dahil dun siya masaya… At gagawin ko lahat para mapaligaya tong babaeng to… Sige, sinulat ko na.
Eh ano naman kung sinabi kong magkakatuluyan kami? Importante ba talaga ang simula at ending ng bawat
kwento? Tingin ko kasi…
Mas importante ang malaman kung paano umabot sa ganong ending.
Isa tong kwento kung paano ko magiging asawa-in-the-future ang isa sa pinakawirdong babae sa mundong to, ang
bespren ko at kaaway ko at the same time, si April. Hindi ko nga alam kung bakit April ang pinangalan sa kanya eh
April 22 siya pinanganak. Diba usually yung may mga ganong pangalan pinanganak ng April 1 o April 2?! Halos
magiging May na nga siya eh.
Dapat pala Epilogue to no? Eto kasi yung huli kong sinulat eh. Pero mas feel ko siya maging prologue, para masaya
at kakaiba—kasing kakaiba kung paano kami naging kami.
Uh… Ano ba?
Okay… sige. Umpisahan na natin ang unang kabanta.
End of Prologue.
CHAPTER 1
[Chapter Zero]
Si April—ang pinakamatapang at maton na babaeng nakilala ko. Hindi naman yung tipong bully type, pero pranka
siya. Hindi yung prankang nakakasakit, lagi mo siyang maririnig na may mga sentence na ang umpisa ay…
No offense pero…
O kaya…
…Sinasabi ko lang yung totoo.
Ganon siya magsalita. Ang maganda sa kanya, sa tuwing sinasabi niya yun, tinutulungan niya yung tao na
‘gumanda’ yung kung ano mang nacriticize niya. Hindi katulad ng ibang tao na basta criticize lang, hindi naman
nila tinutulungan yung tao.
Anyway.
Kilalang-kilala ko siya dahil siya lang naman yung numero unong kalaban ko nung elementary sa kung anu-anong
contest sa math o science. Kahit hindi kami naguusap o ano, alam namin sa isa’t isa na magkalaban kami.
April Clarysse O. PerezHindi ko naman alam ang buong pangalan niya no? Hahaha. Sa tagal ba naman kasi na lagi kaming nilalaban?!
Nung una ko siyang nakalaban nung grade two ata yun o grade three, naging crush pa siya. Pero ang seryoso kasi
niya kapag nakikipaglaban eh. Kakumpitensya kung kakumpitensya.